UMAALINGAWNGAW sa training gym ang bawat pagtama ng sipa ni Gideon sa kickpad. Matapos ang brunch kasama si Yana sa bahay ng lola niya ay iniwan na niya ito at tumuloy na sa gym para sa training. Ilang araw na rin siyang di nakakapag-training ng mixed martial arts dahil sa hectic na schedule sa bar at kay Yana. Sa pagkakataong ito ay kailangan niya iyon. He needed to find his center. Nawawala na siya sa focus mula nang dumating si Yana sa buhay niya. Hindi siya sanay na nakasentro ang buong buhay niya sa isang babae lang. At kailangan niyang dumistansiya kay Yana kahit na sandali lang.
And I am not used to being celibate, damn it! Di ako sanay na nawawalan ng kontrol sa isang halik lang ng babae. I am always in control. I control my sexual urges. I control my orgasms. I control my heart.
He controlled women. Their moans, their climax and when they would leave his life. One touch from her and he was aroused. Just one kiss and he nearly had an orgasm. Pinataob nito ang orgasmic massage niya.
Celibate ka nga lang kaya ka ganyan, sabi niya sa sarili at nagpakawala ulit ng sipa na may kasamang gigil. Masyado kang nadadala sa pagpapanggap sarelasyon ninyo. Don't be carried away. She is just temporary. She is not real. She enjoys kissing you but she is in love with someone else.
In love ito kay Dong Uk na nanloko dito. Bagamat di umiiyak ang babae kahapon nang makaharap si Dong Uk at Eu Jin, di mawala sa isip niya kung paano niya natagpuan si Yana nang unang beses itong dumating sa Jeju. Kung paano itong nakita ng tauhan niya sa labas ng bar at basa sa ulan, walang pakialam sa sarili at tulala lang dahil sa sakit. Si Dong Uk na malakas ang loob na palabasin na sila pa ni Yana ang nanloko dito. Kung alam lang nito ang pinagdaanan ng babae para lang makarating sa Korea at makasama ito. Kung alam lang nito kung paanong wasak na wasak si Yana nang makita ang kataksilan nito.
Nagdilim ang paningin ni Gideon. Di na kickpad ang nakikita niya kundi ang nakangising mukha ni Dong Uk. Isang sigaw ang pinakawalan niya niya at nagkawala ng roundhouse kick. Sa sobrang lakas ng sipa niya ay tumilapon ang trainer niya na may hawak na kick pad at sumadsad sa sahig.
"Gyeong!" bulalas niya at dali-daling dinaluhan ang trainer niya. "Gwaen chanh a yo?" Tinanong niya kung ayos lang ito.
"Nee," sagot nito at marahang tumango. "Puk swi-eo." Ibig sabihin ay magpahinga daw muna siya.
Nakangiwi ito nang tulungan niyang tumayo. Nasobrahan nga siguro siya sa lakas ng sipa. Dalawang oras na siyang nagte-training at nagsisimula na rin niyang maramdaman ang pagod. Pumunta siya sa water station para uminom ng tubig at bawiin ang wakas.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom nang makita niyang palapit sa kanya si Dong Uk. Kasama niya ito na naka-enroll sa gym at nagsimula na itong mag-training ng kickboxing kaya minsan ay nagkikita sila. Di niya alam kung naroon ito para mag-training o sinadya lang siya nito.
"What have you done to Yana?" walang prenong tanong nito. Ni hindi ito nagpaligoy-ligoy o nagtanong kung gusto niya itong makausap.
Ngumisi lang siya. "Took care of her when she was down. Love her. Treat her like a princess. Make her happy," kaswal niyang sabi at pilyong ngumiti para malaman nito na marami siyang alam na paraan para pasayahin si Yana. "She is happy, if that is what you are worried about. We are happy."
Nagbaga ang apoy sa mata ng lalaki at tinampal ang water dispenser. "You told her about me and Eu in. I thought you were my friend. You betrayed me."
Mas matindi ang galit na nararamdaman niya dito pero idinaan na lang niya sa tawa ngitngit dito. "I betrayed you? You betrayed her first. That is the truth."
"You wanted her for yourself. Even when she was still working for you, you already like her. You pretended to be indifferent to her but you want her. You thought I didn't see you whenever you stare at her when you thought nobody was looking."
Natilihan si Gideon. Oo, gusto niya si Yana nang unang beses pa lang niyang nakita. Pero alam niya na di ito ang babae na aayon sa gusto niya - temporary and no strings attached. She was too pure for that. Ito ang babaeng para sa pangmatagalang relasyon at mamahalin habambuhay. So he became indifferent. Walang ibang nakakaalam na gusto niya si Yana. Di niya alam na naoobserbahan pala iyon ni Dong UK.
Nanahimik siya kaya sapat na kumpirmasyon na iyon para sa kaibigan. Nagpatuloy ito ng pagbato ng akusasyon sa kanya. "You couldn't have her so you bid your time. When you finally got the weapon against me, you ruined me. You ruined our relationship. You squealed about me and Eu Jin."
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...