Chapter 53

1.3K 33 0
                                    

NA-EXCITE si Yana nang marinig ang ugong ng kotse ni Gideon. Nilagyan pa ni Sang Hee ng garnish na bulaklak na carrot ang gilid ng ceramic dish na pinaglalagyan ng radish kimchi.

Sinalubong niya si Gideon bago pa ito makapasok sa kusina. "Anneong!" bati niya dito.

Ibinaon nito ang mukha sa ibabaw ng buhok niya. "Hmmm.... amoy suka ka. Ikaw ba 'yung radish kimchi ko? Now I want to taste you."

Nag-init ang mukha niya sa insinuation nito. Paano nito nagagawang erotic ang amoy suka at ang radish kimchi? Itinulak niya ang dibdib nito. "Sira! Andon na sa kusina 'yung niluto namin."

"Namin?" Kumunot ang noo ng binata. "Sinong kasama mong magluto? Si halmoeni? Di ba tulog siya?" At tuloy-tuloy na pumasok ng kusina ang lalaki. Natigilan si Gideon nang makitang nakatayo sa tabi ng mesa si Sang Hee.

Yumukod ang babae. "Anneong hasaeyo, Jin Woo-na."

"What are you doing here?" paangil na tanong ng lalaki. "Isn't it enough that you hurt my girlfriend?"

Umiling si Sang Hee at napaurong. "Changkamanyeong... Wait! I-I can explain."

Pinigilan ni Yana ang lalaki nang akmang susugurin si Sang Hee. "She helped me prepare your favorite side dish. Don't get mad at her."

"Bakit hinayaan mo siya? Sinaktan ka niya. Nakakalimutan mo na ba?"

"Nag-sorry na siya. Saka nakiusap ang lola mo na pagbigyan ko siya. Please give her a chance. Please?" mariing pakiusap ng dalaga.

"Get out!" utos ng lalaki kay Sang Hee at itinuro ang pinto.

"J-Jin Woo-na?" di makapaniwalang usal ng babae habang mangiyak-ngiyak.

"I don't trust you around my girlfriend and my grandmother. I am not sure if you will hurt them again," sabi ng lalaki. "They may be nice but I am not."

Yumuko si Sang Hee. "I-I understand." Hinubad ng babae ang apron at bagsak ang balikat na lumabas ng kusina. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Gideon bago sundan ang dalaga. Wala itong nagawa para pigilan siya. "Mianhamnida, Sang Hee-ssi," hinging paumanhin ni Yana at ihinatid ang babae hanggang sa pinto. "I will talk to Gideon. He should treat you better."

"You don't have to do that. I understand if he is mad at me. That's fine."

Ginagap niya ang kamay ng babae. "Thank you for helping me. Until next time?" Ibig sabihin ay di niya binabalewala ang kagustuhan nitong bumawi sa kanya..

Umaliwalas ang mukha nito. "Nee!"

"Yana, pumasok ka na dito!" utos ni Gideon na nakatayo sa pinto habang nakapamaywang.

Nakangiti siyang nagpaalam kay Sang Hee at kinawayan pa ang papalayong kotse nito. Nagdadabog siyang pumasok sa loob ng bahay at nilampasan si Gideon. "Bakit basta mo na lang itinaboy si Sang Hee?"

"Sinaktan ka niya. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa siya ine-entertain."

"Nakiusap nga ang lola mo kung pwede mong pagbigyan. Gusto niyang bumawi sa akin, sa iyo."

"Sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyo na gumawa ng Korean side dish?" Pagak itong tumawa at sinundan siya papunta sa kusina. "How can you be so naive?"

"Idea iyon ng lola mo. Gusto daw niyang hayaan kong makabawi si Sang Hee sa kasalanan sa akin."

"At pumayag ka naman? Ganoon-ganoon lang, pinatawad mo na? Bakit ba ang lambot ng puso mo?"

"Dahil sinaktan ko rin naman si Sang Hee. N-Nagsinungaling ako sa kanya."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon