Chapter 22

1.3K 48 0
                                    

At pinutol agad niya ang pag-uusap nila ng pinsan. Muntik na siyang mag-hyperventilate doon. Paano kung adventurous si Gideon sa sex at ibang level na ang ituro sa kanya? Paano kung masyadong maging mainit ang lesson at manganib ang puri niya?

Kailangan may mga patakaran sila ni Gideon. Kailangang alam nila kung hanggang saan lang ang hangganan ng pagpapanggap nila bilang magnobyo.

Pero bago siyang maging girlfriend nito, kailangan muna siguro niyang namnamin ang Jeju Island. Isa pa, di pa siya bayad sa utang niya sa bar. Kailangan din siguro niyang I-settle iyon kay Gideon.

"Sir Gideon!" tawag niya sa lalaki paglabas ng kuwarto. Nang di ito sumagot ay tinawagan niya ang phone nito. Sumagot naman ito matapos ang dalawang ring. "Hello. Nasaan ka?"

"Nandito ako sa rooftop. Lumabas ka sa balkonahe sa dulo ng hallway. May hagdan doon papunta sa rooftop."

Sinunod niya ang instruction ng lalaki. Naabutan niya ito na nakaupo sa yoga mat at naka-Indian seat. Nakaharap ito sa magandang view kung saan tanaw ang dagat. "Wow! Ang ganda pala dito," usal niya.

Tinapik nito ang mat sa tabi. "Umupo ka. Kapag gusto kong mag-relax, dito lang ako sa rooftop. Dito rin ako nagme-meditate."

"Naabala ko ba ang meditation mo?" tanong niya sa lalaki.

Uminom ito ng tubig. "That is fine. Tapos na rin naman ako."

"I never pegged you for a yoga type of guy."

"Bakit naman?" nakakunot ang noo nitong tanong.

"Alam mo 'yung party boy na image, walwal araw-araw, inom dito at inom doon, babae dito at babae doon," pag-amin niya dito.

"You can't put people in a box. We are more complex than you think. And besides, yoga has a lot of benefit."

"Like?"

"Flexibility and endurance. Sa palagay mo paano nagagawa ng mga Indian noong unang panahon ang mga Kamasutra position? Yoga helped a lot. So you should try yoga," nakangising sabi nito. "I can teach you. Pwede na nating simulan ang lesson mo ngayon."

His warm breath caressed her ear and the side of her face. Sa halip na simpleng yoga position lang ang naiisip niya, naiisip na niya ang mga acrobatic Kamasutra position - nilang dalawa. Pagdating kay Gideon, wala nang ino-inosente. Pati nananahimik na yoga nadamay. He was corrupting her.

Bigla siyang tumayo at lumayo sa mat. "Uh! Pwedeng huwag muna tayong mag-lesson? Kasi 'yung bill ko sa bar ikaw ba ang nagbayad? Magkano?"

"Hindi mo na kailangang bayaran. Sagot kita. It is my bar."

Nanlaki ang mata niya. "Oh! Sa iyo palang bar iyon."

"Yes. Mabuti na lang doon ka napunta. No worries. I got it covered."

Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. "Pero kailangan ko pa rin magbayad."

"Ibili mo na lang ng bagong damit ang pera mo. You might need more thicker clothes. Malamig pa dito sa Jeju dahil spring." Lumapit ito at hinaplos ang magkabila niyang braso. "Sasamahan kitang mag-shopping."

"Pero Gideon..."

"Feel free to call me oppa."

"Oppa?" tanong niya.

"Yes. Katulad ng tawag ng mga babae sa partner nila sa Korean drama. Oppaaa!" pinatinis ng lalaki ang boses at kunyari ay nagpa-cute. Isang krimen para sa isang makisig na lalaki na magpa-cute pero bakit bagay ay Gideon? Hindi ito nakakainis o nakakabawas sa kakisigan nito.

Natawa na lang siya. "Isa pa nga."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon