"Jin Woo-na knows what she wants even back then," sabi ni Eu Jin at sinapo ang pisngi. Parang kinikilig ito sa kwento nila. Kinikilig din siya nang mga panahon na iyon. Nagsisimula pa lang manligaw sa kanya si Dong Uk no'n at crush pa niya si Gideon. Muntik na nga siyang kalbuhin ni Yulia no'n. Hanggang I-date nito ang isang bakasyunistang Koreana at nawalan na siya ng gana dito.
"Don't worry. My burger is better than his. You will love it," anang si Dong Uk na puno ng kompiyansa.
"I want your usual cheese black pork burger. It is my favorite" sabi naman ni Eu Jin. Kung nasasaktan man ito na napag-uusapan ang nakaraan nila ni Dong Uk, hindi nito ipinahahalata.
"Kimchi black pork burger," sabi naman ni Gideon at itinaas pa ang isang kamay.
"Anong lasa no'n?' tanong ni Yana sa binata.
"Huwag na. Maanghang iyon. Saka di mo gusto ng kimchi," paalala ng binata.
"Except kimchi stew," nakangisi niyang dugtong. Luminga siya sa paligid. "You really did great, Dong Uk. I thought you will only start small..."
"He is made for bigger things, Yana-ssi. My Dong Uk-na is a hard worker. I am proud of him," pagmamalaki ni Sang Hee. "My dad was so impressed with his plan to create a black pork burger chain store so he decided to help out Dong Uk-na with..."
"You haven't called your dad yet," putol ni Dong Uk sa kwento ng babae. "He said you must discuss your application to Seoul National University."
Bumagsak ang balikat ng babae. "Nee. Jankammanyo. Excuse me." Parang may si Dong Uk na malaman niya.
"So, will you help me decorate this place, Yana-ssi?" biglang tanong ng dating nobyo.
"Ha?" Nananadya ba ito? Bakit siya ang magde-decorate ng restaurant nito? Di naman siya artist. Si Eu Jin ang artist sa kanila.
Gaga! Binibigyan ka na nya ng chance para magkalapit ulit kayo. Malay mo pwede mo na siyang akitin ngayon.
"Aniyo," negatibong sagot agad ni Gideon at hinawakan ang kamay niya. "Yana-ssi came to Korea to visit me. And we are going on a tour around Jeju. After all, this place is perfect for couples. I will make her fall in love with me more so she'll stay longer in Jeju Island."
"Wow! Are you planning to marry her soon?" Biglang natutop ni Eu Jin ang bibig. "Are you pregnant?"
Nanlaki ang mga mata ni Yana. "Of course not!"
"She is not in a hurry to get married or have kids. I am ready if she is," sabi ni Gideon at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya habang nakatingin sa mga mata niya.
Natensyon si Yana. Kasal agad at anak? Pero parang nanghihipnotismo ang mga mata ni Gideon. Parang gusto siyang gawing sunud-sunuran sa lahat ng gusto nito. Magaling itong umarte. Parang gusto niyang maniwala na handa itong magpapikot sa kanya kahit anong oras.
"Please do me a favor. I know you want to spend time with just you two. But I am planning to add entries in my portfolio. I can take your pictures as you visit different tourist spots here in Jeju Island. You can also pretend like you are actors in Korean dramas," sabi ni Eu Jin at inilahad ang kamay.
Nagningning ang mga mata ni Yana. "We can even do Koreanovela shots? For real? That is my dream." Pinagsalikop niya ang palad. Pangarap niya iyon mula nang mahilig siya sa mga Korean drama. "I want to do Spring Waltz. Perfect for spring."
"Or Legend of the Blue Sea because they shot it in Mazeland," excited na sabi ni Eu Jin. "Princess Hours, My Girl, and Jang Geum, too."
Impit siyang tumili. "Gusto ko iyan!"
"That is silly," usal ni Dong Uk na parang walang bilib sa kakayahan ng nobya.
"These are my shots," sabi ni Eu Jin at ipinakita ang mga picture sa iPad nito. Magaganda nga ang shots ng babae pero karamihan ay landscape o mga stolen shots ng mga tao. Kaya nitong mag-capture ng emosyon ng tao.
"I will even do it for free. Please agree to this, Jin Woo-na," magkasalikop ang palad na sabi ni Eu Jin.
"You don't have to be desperate about it, Eu Jin-ssi. Maybe Yana-ssi is just being nice. Your cheeseburger is here. Eat," utos ni Dong Uk.
Gustong magprotesta ni Yana lalo na nang makita niya ang lungkot sa mga mata ni Eu Jin. Totoo namang nagagandahan siya sa pictures nito. Kahit siya na lang ang kuhanan nito ng picture kung ayaw ni Gideon. Pero isa pa nga palang suspetyoso ang lalaki. Paano kung isipin nito na hindi makakabuti sa kanila kung hindi sila sasamahan ni Eu Jin? Iniisip ba nito na baka mabuko ang pagpapanggap nila?
"Yes, you can take our picture," bigla ay sabi ni Gideon nang makuha ang order nitong kimchi burger.
"Jinja?" tanong nito kung totoo.
"I will treat you like a pro, Eu Jin-ssi. Make it look like a prenuptial pictorial. I want the world to see how perfect Yana is for me." Hinawakan ni Gideon ang baba niya at kinintalan ng halik ang labi niya. "Happy now?"
Di niya alam na napapikit pala siya nang halikan nito hanggang idilat niya ang mga mata niya. "Oo naman!" At pinaliguan ng halik ang mukha ng binata. "You will put all those Korean drama actors to shame. Who you sa iyo si Lee Min Ho."
"I know right," puno ng kompiyansang sabi ni Gideon. Ni di nito sinabi na baduy ang pictorial. Game na game ito. Bibigyan pa nito ng talent fee si Eu Jin.
"Kamsahamnida," maluha-luhang pasasalamat ni Eu Jin. "Thank you for believing in me."
"Let's eat," sabi ni Dong Uk sa mababang boses. Ni hindi man lang binati ang nobya.
Parang gusto itong bambuhin ni Yana. Kay Eu Jin lang ba ito ganoon? Paano kung sa kanya rin? Ano ba ang nangyayari kay Dong Uk?
"Gusto mong ipaghiwa kita ng burger?" alok ni Gideon. Di pa pala niya nagagalaw ang burger niya na ipinaluto ni Dong Uk para sa kanya.
Inusod niya ang burger dito. "Thank you."
"Do you want me to taste it first?" alok pa ni Gideon sa kanya.
"My food is not poisoned. I am insulted," angil ni Dong Uk dito.
Tumawa lang si Gideon. "I just want to check if it is to her liking. I am not saying it is poisoned. No need to feel insulted."
"It is okay. I am a big girl," sabi ni Yana kay Gideon at tinapik ang balikat nito.
Dumampot siya ng isang hiwa ng burger at sumubo. Alam niya na sikat ang black pork burger sa Jeju Island. Native at organic ang baboy na iyon. Natikman na niya ang inihaw na black pork nang mag-ssamgyupsal sila ni Gideon kasama ang lola nito at ibang kaibigan ng matandang babae pero ngayon pa lang siya makakatikim ng black pork burger.
Ang burger na matagal na niyang pangarap matikman. Ang burger na ipinaluto ni Dong Uk para lang sa kanya. Kumagat siya at ngumuya. Pumikit siya dahil crunchy ang gulay at manamis-namis ang lasa ng pinya. Langhap din niya ang sarap ng inihaw na black pork bago pa man siya kumagat. Kumagat pa siya nang dalawang beses dahil bigla siyang nagutom.
"How is it? Does it taste good?" puno ng pag-asam na tanong ni Dong Uk.
![](https://img.wattpad.com/cover/187051927-288-k299531.jpg)
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...