Chapter 20

1.4K 44 0
                                    

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yana nang maisip ang sitwasyon niya. "Anong kalokohan ito, Sir Gideon?"

"Gusto kang makita ni halmoeni. Kaya di ka pa makakaalis ng Jeju Island."

"At magpapanggap na girlfriend mo?"

Nagkibit-balikat ito at kumuha ng Jeju tangerine sa refrigerator. "Nakita ka na ni Sang Hee. Alam niya na ikaw ang girlfriend ko. Nakausap mo na rin si Lola at kinumpirma mo ang kwento. Too late to back out."

"You put me on the spot." Okay. Kasalanan niya dahil nagpadala siya sa pagpapaawa nito kanina. May utang na loob naman talaga siya dito. Pero di sa puntong harap-harapan siyang magpapanggap sa lola nito. "Di ko lolokohin ang lola mo. Mataas ang respeto ko sa kanya. Saka maaatim mo ba na lokohin siya?"

"Kaysa naman ipagpilitan niya na pakasalan ko si Sang Hee. Sige nga. Nakita mo kung paanong umasta si Sang Hee kanina. Di ko pa siya girlfriend, kung umakto siya parang nabili na niya ako at ang bahay na ito. To think na di ko pa siya nahahalikan. And this is for my grandmother's own benefit. Ayoko nang problemahin niya ako. Matanda na ako. At least, nang malaman niyang ikaw ang girlfriend ko, kumalma na siya. She loves you." Hinawi nito ang buhok niya at inipit sa likod ng tainga niya. "And she thinks we are perfect together."

Nanginig siya nang haplusin ng daliri nito ang tainga niya. Shit! Inaakit niya ako. Pumiksi si Yana. "Huwag mo akong isama sa kalokohan mo. Babalik na ako ng Pilipinas ngayon."

"Paano ang dinner kasama si halmoeni?"

Tumayo siya at nagmartsa papunta sa guestroom para kunin ang maleta niya. Di na siya mapipigilan pa ni Gideon. "Sabihin mo na may emergency sa amin. Kailangan kong umuwi na ng Pilipinas. Sigurado ako na maiintindihan naman ako ni Madam Mi Su."

Ayaw niyang gawin ito. Ayaw niyang umalis ng Jeju Island nang hindi man lang nakakausap ang lola ni Gideon. Mabait si Madam Mi Su sa kanya. Marami itong naitulong sa kanya lalo na kapag gipit na gipit siya noon. Hindi niya kaya na magpanggap na girlfriend ni Gideon. Daig pa niya ang isang daang beses na pinagtaksilan ni Dong Uk kapag pumayag siya. Pati sarili niya ay niloloko niya.

"Ayaw mo bang magkabalikan kayo ni Dong Uk? Pwede kitang tulungan."

Natigilan sa paghakbang si Yana at dahan-dahang nilingon ang lalaki. "Ano naman ang maitutulong mo para magkabalikan kami? Malamang lalo siyang di babalik sa akin kung magpapanggap ako na girlfriend mo."

Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya at ikiniskis sa dalawang daliri nito. "Kung magiging boyfriend mo ako at iisipin niyang napatino mo ako, mare-realize niya kung ano ang itinapon niya."

"Kaya mong magpanggap na seryosong boyfriend?" tanong niya dito. "Seryoso? Baka magkasakit ka niyan."

"I am tougher than you think. Ipapa-experience ko sa iyo kung gaano kaganda dito sa Korea. Ako ang tour guide mo. Libre ka pa ng soju sa bar ko. Libre kiss ka pa sa akin." Inikot pa nito ang daliri sa buhok niya habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa kanya. Humakbang siya palapit at muntik mawalan ng balanse. Naitukod tuloy niya ang palad sa sikmura nito. Nanlaki ang mata niya. It was hard. Ni di man lang natinag ang binata nang tukuran niya. "Libre hawak sa abs. Libreng lesson sa love."

Mabilis niyang binawi ang kamay. "Love?" Mahina siyang tumawa kahit na gusto sana niyang humalakhak. "Ano naman ang alam mo sa love?" Sino naman ang inuto nito?

Idinikit nito sa labi ang hibla ng buhok niya na nasa daliri nito. "Making love."

Di na magawang tumawa at mang-asar ni Yana. Nakatitig lang siya sa nang-aakit na mga mata ng binata na animo'y naengkanto. Titig pa lang nito nakaka-devirginize na. Hindi nga siya hawak nito maliban sa buhok niya pero parang inangkin na siya nito. Anong ginagawa nito sa kanya? She had never been affected with words or just a stare before.

Hinawakan niya ang daliri nito at inalis sa pagkakaikot ang buhok niya. Kailangan niyang dumistansiya dito. "Making love?" Umurong siya. "You don't make love, Gideon. Sex lang ng alam mo."

"Paano mo nasabi? Di mo pa naman nae-experience. You didn't even get to see me perform," naghahamong tanong nito. "You didn't even know how I kiss."

"Hinalikan mo ako kagabi..."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon