Chapter 50

1.2K 31 0
                                    

NAPIRMI si Yana sa kinatatayuan niya nang makitang yakap-yakap ni Sang Hee si Moody na kanina ay kasa-kasama lang niya. Luhaan ang mga mata ng babae at bakas ang lungkot sa mga mata habang nakaluhod sa harap ng aso. Mukhang close ang mga ito. Maging si Mi u ay maluha-luha.

"A-Aneong hasaeyyo!" alanganing bati ng babae at bahagyang yumuko.

"H-Hi," usal niya. Ano kayang ginagawa ng babae doon matapos siyang saktan nito? "Uhmmm.. sorry for the bother. Maybe I should leave. I will just return later."

Siya ang nailang. Out of place siya doon. Malapit ang pamilya ni Gideon kay Sang Hee pati ang aso ng lola nito. Habang pekeng girlfriend siya ng binata. She didn't really belong. Panggulo lang siya sa masayang relasyon ng mga ito kay Sang Hee. Ang magagawa lang niya sa mga oras na iyon ay dumistansiya para makasama ng mga ito si Sang Hee.

"Aniyo! Please don't go," pakiusap ng babae at dahan-dahang tumayo. "I-I came here to say sorry. I am sorry for hurting you."

"I... I..." Hindi maituloy ni Yana ang sasabihin. Ang totoo, ano ba ang dapat niyan sabihin sa taong nanakit sa kanya pero wala itong ideya na may kasalanan din siya dito. Hindi niya alam kung paano hihigi ng tawad.

"She's not a bad person, Yana-ssi. She... she is a good girl like you," paliwanag ng lola ni Gideon. Naipagkamali nito ang pananahimik niya sa di pagtanggap sa paghingi ng tawad ni Sang Hee. "She just loves Jin Woo so much. I am partly the reason why she was disappointed. I kept on pushing her to Jin Woo-na. Please, she came here to make it up to you. Listen to her first.... for me."

Hindi alam ni Yana kung paanong haharapin ang babaeng sinaktan niya dahil sa pagpapanggap bilang nobya ni Gideon at pananakit niya sa kalooban nito. Binigyan niya ng bala ang binata para itaboy si Sang Hee. Nakaka-guilty.

Nang di agad siya nakasagot, lumuhod bigla si Sang Hee sa harap niya. "Mianhamnida, Yana-ssi."

Nanlaki ang mata niya. Mataas na uri ng pagpapakababa ang pagluhod. Ibinibigay lamang iyon sa mga taong nagawan ng matinding pagkakamali. "No! You don't have to kneel down." Hindi siya karapat-dapat sa ginagawa nito.

Umiling ito. "No. I am wrong. I just love Gideon so much. I did everything to make him like me. I... I stepped over the line and invaded his privacy. He told me over and over again not to love him anymore. I didn't listen. I couldn't accept that he will like someone else. I... I didn't mean to hurt you."

"Please get up," pakiusap niya at hinawakan ang balikat nito para itayo ito pero pumiglas ito.

"Not until you forgive me," tigmak ang luha nitong sabi.

Lumuhod siya sa harap nito at niyakap din ito. "I didn't mean to hurt you, too. I forgive you."

Naramdaman niya ang sakit ng puso nito kaya hinayaan lang niya itong humagulgol ng iyak. Umasa ito at nagmahal nang totoo sa loob ng ilang taon. Alam niya ang pakiramdam na ibinigay ang buong puso sa isang lalaki pero sa huli ay hindi pa rin sapat. Hindi pa rin sila ang pinili sa huli. Ang kaibahan lang, tanggap na nito na di ito ang mahal kahit na masakit. Pinatay na niya ang pag-asang iyon. Di niya alam kung sino ang mas maswerte sa kanila - ito na nabubuhay na sa realidad o siya na nabubuhay pa rin sa kasinungalingan. Tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ng isang babae na totoong nagmamahal, habang nagpapanggap siya na mahal ang lalaking mahal nito.

Minsan di talaga patas ang mundo. Heto ako, nilalamon ng konsensiya ko.

Hindi alam ni Yana kung gaano katagal niyang yakap si Sang Hee hanggang humupa ang pag-iyak nito. "How can I make it up to you?" tanong nito nang makabawi na sa wakas.

"You don't have to." Siya na nga ang nakapanakit, ito pa ang babawi sa kanya.

"I know you find it hard to trust me. But please give me a chance to prove that I am not a bad person."

"Sang Hee-ssi, maybe you can teach Yana-ssi how to cook dishes the way Jin Woo-na likes it," nakangiting sabi ni Mi Su.

"Nee! Arasso!" anang babae sa nagniningning na mga mata. "Is it okay if I teach you how to cook Jin Woo's favorite?"

Awkward. Pero ngayon lang niya nakita na nagningning ang mga mata nito. "Y-Yes, of course. So what dish will you teach me?"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon