"Ah! Sangjang-nim, how can I help you?"
"The woman who owns the phone is my friend. She's alone in Jeju."
"Yes, Sir. I saw her crying under the rain outside our bar. She looked miserable so I asked her to get inside. She ordered food and soju. And she made new friends. She looks happy and buzzed."
"Those are not her friends. They could be rapists for all we know. Keep an eye on her. Make sure that those men won't lay a hand on her. Make sure she won't leave the establishment. I am on my way to fetch her."
"Arasaeyo, sangjang-nim," anitong nauunawaan daw siya.
Lumabas siya ng bahay pero kasunod niyang lumabas si Moody. "Uh! Moody, di pwede. May susunduin ako. Huwag ka nang sumunod."
Pero di na niya mapilit pa ang aso na bumalik sa loob ng bahay. Walang choice ang binata kundi isama na lang ang aso. Pinasakay niya ito sa backseat. Tumigil na ang ulan pero mamasa-masama pa ang kalsada. Malaking problema ang dala ni Dong Uk. Kapag may nangyaring masama kay Yana, masasapak talaga niya ang lalaki. At least, nasa bar na niya si Yana. Di ito pababayaan ng staff niya.
Dalawang Koreano ang kasama nito sa couch. Naka-maroon silk shirt ang isa habang ang isa pa ay naka-long sleeve polo. Office boys. Di nalalayo sa edad niya ang itsura ng mga ito. Nakita niya ang maleta sa gilid. Mukhang normal pa si Yana pero sa palagay niya ay tipsy na ito sa pinagsasabi nito kanina.
"Yana!" tawag niya sa babae.
Nilingon siya nito at ngumiti nang makita siya. Nagulat siya nang biglang siyang yakapin nito. "I am so glad you are here."
Napaurong ng binata. He didn't expect that hug from her. Lagi silang pormal kapag nag-uusap noon. Hindi sila friendly sa isa't isa.
"Hi!" bati niya sa dalaga at nag-aalangan man ay umikot ang bisig niya sa katawan nito. She needed his comfort. Di madali ang pinagdadaanan nito. He didn't mind that she felt so good in his arms. She was warm and squishy. May laman ito, di payat katulad ng ibang nakaka-date niya. And he liked it. A lot.
"I love you, Dong Uk!" bulong ng dalaga.
Nanigas ang buong katawan ni Gideon. Napagkalaman pa siya nito na si Dong Uk. Ngayon lang siya napagkamalan na ibang tao. Sa guwapo niyang ito. "Hindi ako si Dong Uk," aniya sa malamig na boses.
Nakangiti itong tumingala at tiningnan siya sa namumungay na mata. "Nagpa-practice lang ako ng sasabihin ko kapag nagkita kami." Isinubsob ulit nito ang mukha sa dibdib niya. "Dong Uk, nami-miss ko na ang yakap mo. Huwag ka nang magalit sa akin. Di ka na malulungkot kasi nandito ako. Hindi mo na kailangan ang babaeng iyon. Give me a chance. Please."
Tumingkayad ito at inilapit ang mukha sa kanya. As if she was asking him to kiss her. He could feel her warm breath. He could smell the alcohol on her breath but there was still something sweet about her.
Hinawakan niya ang balikat nito. Muntik na niya itong hilahin palapit sa kanya pero sa huli ay itinulak niya ito palayo. Pam-practice lang siya dahil ang taksil nitong boyfriend ang gusto nitong makasama. Nakaka-insulto naman iyon sa kakisigan niya. "Okay. Enough of the practice. Let's go."
"S-Saan tayo pupunta? Pupuntahan ba natin si Dong Uk?"
Di sumagot si Gideon. Hinawakan niya ang baywang ng dalaga. Sa halip na sagutin ito ay binalingan niya ang isa sa service crew niya at inutusan na dalhin ang maleta ng babae sa kotse niya.
"S-Sandali! Magpapaalam ako sa ibang Dong Uk," sabi ng babae at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa baywang nito.
"Ibang Dong Uk?" naguguluhan niyang tanong.
Nakawala ang babae sa kaya at nilapitan nito ang mga kasama sa mesa kanina. "Kamsahamnida! Kamsahamnida, chinggu!" anang dalawa at yumukod sa dalawa. Maang na pinagmasdan ni Gideon ang mga ito. Hindi pala siya ang unang practice partner ni Yana kay Dong Uk. May nauna pa sa kanya.
"How about a kiss?" tanong ng isang lalaki at itinuro ang pisngi.
"A kiss?" tanong ni Gideon at kulang na lang ay maglabas ng apoy ang mga mata nang tingnan ang dalawang lalaki. E kung pahalikan kaya niya ang kamao niya sa mga ito?
Itinaas ng dalawang lalaki ang kamay. "Joke! Joke! Bye, bye, gongju-nim." Isang beses pa niyang binigyan ng nagbababalang tingin ang lalaki bago umalis.
At inalalayan ni Gidon si Yana papunta sa kotse niya. "Bakit pa tayo aalis? Hindi pa ako tapos na mag-practice sa speech ko."
"Sa biyahe ka na lang mag-practice."
Maayos pa naman ang lakad nito pero masyado nang madaldal. Ipinasok niya ang babae sa kotse at inupo sa tabi ng driver's seat. Ikinabit ni Gideon ang seatbelt nito at saka lumipat sa driver's seat. Naabutan niya na hinahaplos nito ang ulo ng asong si Moody na sumingit sa gitna ng dalawang upuan sa front seat. "Dong Uk, bakit ganoon? Bakit basta ka na lang humanap ng iba? Two years ang usapan natin. Wala pang two years pero may iba ka na. Iba ba ang kalendaryo ng Korea sa kalendaryo ng Pilipinas? Baka two years na pala ang lumipas dito pero sa Pilipinas hindi pa."
"Huwag mong kausapin iyan. Di ka sasagutin ng aso. Di iyan si Dong Uk." Pati ba naman sa aso ay nagpa-practice ito? "Matulog ka na. Gigisingin kita kapag nandoon na tayo."
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...