Chapter 8

1.4K 41 1
                                    

Muling umihip ang hangin at naramdaman niya na parang malagihay iyon. May madilim na ulap sa ulunan niya at wala siyang nakikitang bituin. Nagbabadya ang pagbagsak ng ulan. Kailangan na niyang mahanap ang nobyo.

Palinga-linga sa kalsada. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Dong Uk. Kailangan nitong malaman na nasa Jeju Island siya na dapat ay kanina pa niya ginawa. Baka mamaya ay wala na naman ito sa cafe at nakaalis na. Nagsasayang lang siya ng oras. Wala pa siyang matutuluyan sa gabing iyon kundi niya mako-contact ang lalaki. Di niya alam ang home address nito. Sa kasamaang-palad, di nito sinasagot ang tawag matapos ang ilang ring.

Sa wakas ay natanaw na niya ang makulay na cafe na may mini garden sa gilid. Patawid na siya nang makita ang nobyo na nakaupo sa outdoor couch ng cafe. Mag-isa lang ito noong una habang may binabasang libro. Kakawayan sana niya ang lalaki at tatawid ng kalsada nang may isang babae na lumapit dito.

Iyon siguro ang kaibigan ng lalaki. Si Eu Jin iyon, ang kababata nito. Madalas itong nagta-tag ng picture kay Dong Uk at di kaila sa kanya na may crush sa nobyo. Pinagtatawanan lang ito ni Dong Uk noon at sinabi na lilipas din ang crush ng babae dito. Di naman daw nito ine-entertain. Wala naman sigurong masama kung magpakita siya sa mga ito. Magkaibigan lang naman ang mga ito.

Hahakbang na siya para tumawid nang kumandong si Eu Jin sa nobyo. Kandong? Ni di nga ako makakandong kay Dong Uk.

Gusto niyang sumugod na para hablutin ang babae mula sa kandungan ng lalaki. No. Kilala ko si Dong Uk. Ayaw niya sa mga babaeng aggressive. Siguro ako na ilalagay niya sa lugar ang babaeng iyon. Kinuyom niya ang palad nang halikan ito ng babae. Come on. This is the time to push her away. Do it.

Inaasahan niya na itutulak nito ang babae palayo. Sa halip ay hinila pa ni Dong Uk ang pisngi ng babae at pinalalim ang halik.

Naestatwa si Yana sa kinatatayuan. He is kissing her back. Hindi niya itinutulak. Ni hindi niya itinigil ang halik. He is enjoying this. Ni wala silang pakialam kahit na PDA sila.

Hindi makapaniwala ang dalaga na masasaksihan niya ang ganitong kataksilan. Hindi sila mahilig sa public display of affection ni Dong Uk. May reputasyon siyang pinangangalagaan. Ayaw din niyang lalampas sila sa linya. Ilang beses nilang pinagtalunan iyon. He wanted sex with her before he went to Korea. Pero hindi niya ito pinagbigyan. Sa huli, sinabi nito na naiintindihan siya nito.

Ito ngayon ang hindi niya maintindihan. Her perfect boyfriend who promised to wait for her for two years is now with another girl. Sana hindi totoo. Sana kamukha lang ni Dong Uk ang lalaki. Pero malabong mangyari iyon dahil suot nito ang statement shirt na ibinigay niya dito nang sagutin niya ito. Mahal kita.

Mahal kita daw pero iba na ang mahal niya. Mahal kita daw pero may kahalikan siyang iba. Hihintayin daw siya nito ng two years pero may kinakalantari na itong iba. Nakuyom niya ang palad at naramdaman ang pag-agos ng luha.

Gusto niyang sumugod. Gusto niyang magwala. Pero wala siyang lakas. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Ni hindi siya napapansin ng lalaki dahil nasa kay Eu Jin lang ang atensyon nito.

Umaayos ang luha sa mukha niya hanggang basang-basa na siya. Mabilis ang galaw ng mga tao sa paligid niya pati na rin ang mga sasakyan pero wala siyang ibang napapansin. She felt helpless while another woman kissed the man she loves.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig sa mga ito pero nang pagkurap niya ay pasakay na ng kotse ang mga taksil. Si Eu Jin pa ang nagmamaneho. Sinubukan niyang habulin ang mga ito at tumawid ng kalsada pero biglang humaginit na lang ang sasakyan sa harapan niya. Sinubukan niyang pumara ng taxi pero walang pumansin sa kanya.

Napaupo siya sa kalsada at niyakap sa sarili habang umiiyak. She felt lost. She felt helpless. Pumunta siya sa Korea para sa lalaking mahal niya. Tapos ay masasaksihan lang niya ang kataksilan nito? Saan siya pupunta mula dito? Ano ang gagawin niya? Nasa isang estrangherong bansa siya na wala halos kakilala.

"Agassi, gwaen chanh a yo?" tanong ng isang babae sa kanya. Nagulat siya na nito ang hinawakan ng balikat niya.

Tiningala ito ni Yana. Koreana ito. Strawberry blonde ang buhok nito. Nakaitim ito na T-shirt at may apron na nakatali sa baywang nito. "Ha?" usal ni Yana. Kinausap pala siya nito.

"Are y-you okay? Come inside. It is raining," sabi nito.

Nang tumingala siya ay saka lang niya napansin na malakas na pala ang buhos ng ulan. Basa na ang damit niya at ang maleta niya pero di man lang niya naramdaman. Nanginginig na siya sa lamig. Wala siyang pakialam dahil manhid na ang buong katawan niya.

Dahan-dahan siyang tumayo. Wala naman siyang ibang pupuntahan kaya sumunod siya sa babae kahit di niya alam kung anong mayroon sa papasukan niyang pinto. Restaurant ba iyon o cafe? The place looked cozy. Parang may yumakap sa kanya dahil mainit sa loob. Nagtinginan sa kanya ang mga tao sa loob. Karamihan ay mga Koreano pero mukhang may ibang lahi. Mukhang may isa o dalawa pa na mukhang Southeast Asian.

Noon lang siya naging aware sa itsura niya. Malamang ay magulo ang buhok niya dahil kumawala sa ponytail niya nang maglakad siya kanina. Basa din siya at ang coat niya. At may dala siyang maleta na basa din. She might have looked like a drenched puppy. Pakiramdam niya ay alien siya.

Umupo siya sa pinakamalapit na couch. Dali-daling idinulot sa kanya ang menu. Binuksan niya ang menu. Wala siyang maintindihan. Di niya alam kung sadyang lutang lang siya dahil sa pagod at gutom o dahil sa trauma sa nasaksihan niya kanina. Itinuro na lang niya ang isang picture sa pagkain. Di niya alam kung ano basta may ma-order lang siya.

"Your drink?" tanong ng waitress.

Tiningnan ulit niya ang dalawang mukhang Southeast Asian kanina. "What did they order? Those two girls," tanong niya at itinuro ang dalawang babae na nasa magkahiwalay na bahagi ng bar. Mangongopya na lang siya ng order ng mga ito tutal di naman siguro sila nagkakalayo ng taste. She didn't want to feel lost and dumb anymore.

"Uhmm...They are drinking soju."

Ibinalik niya sa babae ang menu. "Okay. I will order these and soju. I really need soju."

Kinuyo niya ang palad. Di na siya iiyak. Tapos na ang pagiging mahina niya. Isa lang ang malinaw sa kanya. Pumunta siya sa Jeju Island para makasama si Dong Uk. Kaya di siya aalis nang di ito nababawi. Pero kailangan niya na magplano bago ito kausapin at maraming lakas ng loob.

Ako ang mahal mo, Dong Uk. Babawiin kita kay Eu Jin. Babawiin kita.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon