Chapter 32

1.3K 33 0
                                    

"Open your eyes," anang hair stylist ni Yana.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Nag-adjust ang mga mata niya at napanganga nang makita ang bago niyang anyo. Mula sa pagiging boring black ay naging espresso ang kulay ng buhok niya. Pinutol ang hanggang balikat niyang buhok at naging long blunt bob . She also had side swept bangs now. Nagmukhang maliit ang buhok niya at maaliwalas. Hinaplos niya ang buhok niya. It was soft. Kusang dumudulas ang palad sa buhok niya. Ngayon lang niya nakita na ganito kaganda at ganito kakinang ang buhok niya.

"You like it?" tanong ng hairstylist sa kanya.

"Nee!" Tumayo siya at yumukod sa babae. "Kamsahamnida!" At niyakap niya ang babae. "I feel more beautiful."

Iba pala talaga ang nagagawa ng bagong hairstyle. Nakaka-boost ng self-confidence. She felt like a new person. Naiintidihan na niya ngayon kung bakit nagpapa-make over ang mga bigo sa pag-ibig.

Nang malaman niya na may ibang babae si Dong Uk, bagsak na bagsak ang self-confidence niya. Naiisip niya na di siya ang pipiliin ni Dong Uk sa huli lalo na't nakita niya kung gaano kaganda si Eu Jin. Ito ang tipo na sinundan ng tingin ng mga lalaki - maganda mula ulo hanggang paa, magandang manamit at alam sa sarili na maganda ito. Na makukuha nito ang lahat ng gusto nito.

Di naman niya kayang pantayan ang ganda ni Eu Jin sa ngayon pero kahit paano ay may laban na siya sa buhok.

"Wala ba akong hug, girlfriend?" tanong ni Gideon at ibinuka ang bisig.

Kusa siyang humakbang papaloob sa bisig ng binata. And she closed her eyes when she felt his arms around her. Parang natural lang sa kanya na ihilig ang pisngi sa dibdib nito. "Kamsahamnida, oppa," pasasalamat niya dito at nakangiting tumingala dito.

Natigilan ito habang nakatitig sa kanya. As if he was looking at her for the first time. "You like it?"

"Yes." Lumayo siya dito at ipinilig ang ulo dahilan para gumalaw ang buhok niya. "Parang model ako ng shampoo o sikat na salon o..."

"Bida sa isang teleserye," dagdag naman ng lalaki at hinatak siya papunta sa counter. Nakita niya na may isinilid ang salon attendant sa paper bag na shampoo, conditioner at hair mask saka inabot kay Gideon. "Gamitin mo daw ito para ma-maintain ang buhok mo."

Inabot na lang basta ng binata ang credit card nito at hindi na nagtanong kung magkano ang babayaran. Sinubukan niyang silipin kung magkano ang charge dito pero ihinarang agad ng binata ang likod sa kanya para di niya makita at itinabi agad ang resibo sa wallet nito.

"Huwag mo nang tingnan. I got it covered," sabi ng lalaki. "I am sure, matutuwa si Halmoeni kapag nakita ka. Makikita niya na alagang-alaga kita."

"Okay. So saan ang next destination natin?" tanong niya.

"I am sure you will like it."

"SHOPPING? Ipinag-shopping ka ni Gideon Lee?"

Ilang sandaling naka-freeze ang mukha ni Yulia sa screen ng cellphone ni Yana kaya akala niya ay nag-hang na ng video chat nila. Nasa loob siya ng fitting room ng isang boutique at isinusukat ang light blue floral dress na ipinasukat sa kanya ni Gideon. Kung ipapakilala daw siya nito bilang girlfriend nito, kailangan daw buil ng damit na babagay sa new hairstyle niya.

Marahan siyang tumango. "Oo. Gusto daw niya na manghinayang si Dong Uk kapag nakita ako at gusto siguro niya na maipagmalaki ako sa ibang babae bilang girlfriend niya."

"Oo naman. Wala nga namang maniniwala na girlfriend ka ni Gideon at patay na patay siya sa iyo kung mukha kang losyang na may sampung anak at iniwan ng asawa. Baka isipin pa ginayuma mo si Gideon."

"Sira ka talaga. Kaso masyadong mahal ang mga bilihin dito at ginto ang presyo ng mga services. Alam mo ba na lampas twenty thousand won ang dress na ito? Isang libo! Ang dami nang mabibili nito sa atin."

Kung tutuusin, di naman nalalayo ang damit na suot niya sa mga dala niyang damit galing sa Pilipinas. Gusto lang yata talagang magtapon ng pera ni Gideon. Parang gusto nitong ubusin ang laman ng bank account nito.

"Tapos magkano na lang 'yung presyo ng buhok ko pati 'yung mga binili namin sa Innisfree kanina para lang isalpak sa mukha ko. Baka isang buwan ko nang sweldo 'yung nagastos niya sa akin sa isang araw."

"Ano naman ngayon? Libre naman niya iyan. Di ka naman niya sinisingil sa lahat ng ginastos niya para sa iyo, di ba?" 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon