Chapter 6

1.5K 41 0
                                    

Humikbi ang dalaga nang maalala kung paanong nagalit sa kanya ang ina noong anim na taon siya at nakikipagtalo sa ama niya kung sino ang magbabantay sa kanya sa ospital nang magka-pneumonia siya matapos makalimutan ng mga ito na sunduin siya sa eskwelahan. Mag-isa siyang umuwi at nabasa sa ulan. Na kesyo abala daw siya sa pagtatrabaho nito. It was a heartbreaking memory. Kung kailan tumanda siya ay saka nabuksan ang mga mata niya sa trato ng magulang sa kanya mula noong bata pa siya. At masakit pala dahil nawalan na siya ng pag-asa na makuha ang pagmamahal na gusto niya mula sa mga ito.

Ngayon na lang niya hinayaang madama ang sakit. Ngayon na lang niya nakita ang tunay na kalagayan sa buhay ng mga magulang. At mahihirapan na ang mga ito na lumapit sa kanya ngayon. She was broken. Too broken.

"Tiyang, kami ni Lola ang nag-alaga sa anak ninyo. Ni hindi nga ninyo siya masilip kapag may sakit siya. Ayaw na ayaw nga ninyo na may sakit siya, di ba? Baka mahawa kayo," pambabara dito ni Yulia. "At mas maganda siguro kung ibenta na lang po ninyo ang mga alahas ninyo para naman magastusan ang luho ninyo at makabayad sa utang. Kita naman ninyo na may sakit si Yanamarie. Di niya kayo matutulungan. Kayo na ang papatay sa anak ninyo."

"How dare you talk to me like that!" bulyaw ng nanay niya. "Yana is my daughter. Ang sabihin mo, baka ikaw ang nakikinabang sa sweldo niya. Gusto mong solohin."

Humalakhak nang nang-iinsulto ang pinsan. "Tiya, totoo na mas malaki ang sweldo ni Yanamarie sa akin pero lahat po halos nauuwi sa kanya. For your information, ako pa ang bumili ng bagong laptop para sa kanya nang masira ang laptop niya noong isang taon. Kasi nakakahiya naman daw sa inyo dahil it is a matter of life and death daw na makapag-Hong Kong kayo. Bigay ko na po iyon sa kanya. Di ko kailangan ang sweldo niya. Pero kailangan ko na pong tumawag ng security para kaladkarin kayo palabas ng ospital dahil lalong magkakasakit si Yanamarie inyo."

"H-Hindi ko susukuan ang anak ko. M-Magpapahinga lang ako sa ngayon," sabi ng ina niya. "Bukas ako naman ang magbabantay sa kanya." At nakaismid na umalis.

"Huwag na po kayong bumalik. Ipapa-ban ko na kayo sa security." Inabutan siya ng tubig ni Yulia at pinainom. "Ano? Natauhan ka na ba?"

Tumango siya. "Oo. Sorry rin kung hindi ako nakinig sa iyo dati. Sino ba namang anak ang gustong tanggapin na walang kwenta ang pagsisikap niya para mahalin siya ng mga magulang niya?"

Noon pa siya sinasabihan ng pinsan na inaabuso na siya ng nanay at tatay niya. Na nariyan lang ang mga ito kapag may kailangan sa kanya. Para sa isang anak na nangungulila sa magulang, masaya na siya sa konting atensyon na ibinibigay ng mga ito. Parang importante sa pakiramdam niya kapag tumatakbo ang mga ito sa kanya para humingi ng tulong. Di niya alintana kahit siya ang nahihirapan.

"Oo. Magulang mo sila pero nakalimutan mo naman na mahalin ang sarili mo. Bigay ka lang nang bigay sa kanila at kabig lang sila nang kabig. Kahit magkasakit ka na wala pa rin silang pakialam."

"Natatakot kasi ako na baka lumayo na naman sila sa akin kapag wala na akong maibigay sa kanila. Ayoko na ng iniiwan, Yulia."

Niyakap siya nito. "Oo. Naiintindihan ko. Pero paano naman ang mga opportunities mo na nawala dahil sa pag-intindi mo sa kanila? 'Yung trip mo sa Palawan na di ka biglang sumama kasi mas kailangan ng pambili ng gown ng kapatid mo. 'Yung trip to Hong Kong na premyo mo bilang top employee, in-encash mo pa para lang ipang-shopping ng madrasta mo at anak niya. 'Yun bang ipinampa-caesarian ng malandi mong stepsister naibalik kahit singko? Tapos itong love life mo puro nauunsiyami dahil hinihigop nila 'yung pang-Jeju mo. Ano ka na? May pasalamat ba sa iyo? Wala kahit plastic na thank you. Martir na martir ka na. Oras na para intindihin mo ang sarili mo."

"P-Pero hindi ba ako masamang anak kung tatanggihan ko sila na tulungan?"

Umiling ito. "Tama na 'yang pagpapakamartir mo. Ngayon, sabihin mo sa akin kung may isang lugar na gustong-gusto kang puntahan paglabas mo dito, saan iyon?"

Pumikit siya at naalala ang magandang panaginip niya kanina. "Korea. Gusto kong pumunta sa Korea. Gusto ko nang makita si Dong Uk."

May pinindot ito sa cellphne. "Okay. South Korea. Hmmm...Jeju..."

Ikiniling niya ang ulo. "Anong ginagawa mo?"

"Ipinagbu-book kita ng flight sa Jeju Island. Siguro naman nakalabas ka na dito sa ospital after one week."

Nanlaki ang mga mata niya. "Baliw ka ba? Isang linggo lang?"

"Kailan pa, aber? Kapag time is up ka na sa taning sa iyo ni Dong Uk? Hindi ka naman niya forever hihintayin. Napapagod din 'yung tao. Saka naka-credit card naman itong plante ticket mo. Hulugan mo nalang."

Hinawakan niya ang braso ng pinsan. "S-Sandali. Wala akong pocket money."

Pinanlakihan siya nito ng mata. "Meron. Ipinagtatabi kita ng pera in case of emergency. 'Yung budget natin para sa bahay, kinukuha ko 'yung one thousand kada nag-aabot ka sa akin. Alam ko kasi na darating ang panahon na kakailanganin mo iyon dahil wala ka namang aasahan sa pamilya mo. Okay na. Pwede ka nang pumunta sa lupain ng mga oppa?"

Muli na namang nanariwa ang luha sa mga mata niya at niyakap ang pinsan. "Yulia, ikaw talaga! Pinapaiyak mo na naman ako. Thank you."

"Bilin sa akin ni Lola alagaan kita. Masyado daw kasing malambot ang puso mo. Ibang tao ang lagi mong inuuna at nakakalimutan mo ang sarili mo. Di kita pwedeng pabayaan. Ikaw ang bestfriend ko. Kasama ako sa mga tao na tinitiyak mo na masaya kaya gusto rin kitang makita na masaya. Huwag mo naman pagkaitan ang sarili mo."

Humupa na ang pag-iyak niya pero nagsimula muling gumapang sa katwaan niya. Happiness was starting to wash over her. "Jeju Island. Makakapunta na talaga ako ng Jeju Island. Makakasama ko na si Dong Uk."

"Makakasama mo na ang oppa mo."

At sabay silang tumili na magpinsan sa kilig saka nagyakap. Parang nawala ang mabigat na bloke sa dibdib ng dalaga. Lahat ng alalahanin at pagod niya ay naglaho. Malaya siya sa responsibilidad. Sa wakas ay sarili lang niya ang iintindihin niya. Makakasama na niya ang lalaking matagal nang naghintay sa kanya.

Parating na ako, Dong Uk.

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon