Chapter 27

1.3K 37 0
                                    

NAKAABANG na sa labas ng bahay sina Yana at Gideon nang pumarada ang taxi sa harap niyon. Kakawag-kawag naman ang buntot ni Moody habang nakatayo sa tabi niya pero tumakbo papunta sa taxi para salubungin si Mi Su.

Dali-daling lumapit ang binata sa sasakyan para alalayang bumaba ang lola nitong si Mi Su. "Anneong, halmoeni! How's your trip?" tanong ng lalaki.

"The party was wonderful. The canolas are starting to bloom." Hinaplos nito ang ulo ng aso nito. "I would love to extend my stay in Udo but I am excited to meet your girl." Nakangiting ibinuka ni Mi Su ang bisig. "Yana-ssi!"

"Anneong hasaeyo, sangjang-nim," magalang na sabi na bati niya dito. Nagmano siya sa babae na nakagawian na niya kahit noong nasa Pilipinas pa siya.

Tumawa ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. "How are you? Did my grandson treat you well?"

Sinulyapan niya si Gideon na parang kinakabahan sa isasagot niya. "Nee, sangjang-nim. We prepared dinner for you."

Sa kanya na kumapit ang matandang babae. Hirap itong maglakad dahil marahil sa pagod Malaki rin ang ipinayat nito kumpara sa isang taon nilang pagkikita. Dahil daw iyon sa chemotherapy ayon kay Gideon. Maigsi rin ang buhok nito na dating mahaba. Nagpakalbo ang matandang babae matapos maglagas ang buhok nito pero tumutubo na ulit. At sa kabila ng sakit, masayahin pa rin ito.

Tinapik ng matandang babae ang kamay niya. "Forgive this old woman. I should be the one fixing dinner for you."

"No big deal. I have lots of time and I don't have so much to do. It is my vacation after all. And I enjoy helping Gideon cook." Ang binata naman talaga ang nagluto at alalay lang siya. He was fascinating to watch when cooking. Parang iba itong tao. At alam nito kung ano ang ginagawa nito.

Napaungol siya nang matikman ang sabaw ng seafood hotpot. Pati ang inihaw na mackerel at tteokboki ay sumakto din sa panlasa niya. Di masyadong maanghang gaya ng mga nakagawian ng mga Koreano.

"Not too spicy today? It is a bit sweet," reklamo ng nurse ni Mi Su nang tikman ang tteokboki.

"Tteokboki Filipino style. I know she doesn't like very spicy food because it makes her cry. I don't want to make my gilfriend cry," sabi ni Gideon sa kanya at pinunasan ng hinlalaki ang gilid ng labi niya na may sauce.

She felt a jolt of electricity when he touched her. Di rin niya maintidihan kung saan galing iyon. Hindi naman uso sa kanya ang sparks-sparks. Minahal niya si Dong Uk nang di nakaramdam na parang kinukuryente tuwing tinitingnan siya nito o hinahawakan.

Baka nadadala lang ako sa pag-arte niya na boyfriend ko, na aalagaan niya ako at di paiiyakin. Siguro dahil na-touch ako na sinadya niyang huwag masyadong anghangan ang tteokboki at tinamisan pa para sa akin. Siguro dahil naalala niya na iniiyakan ko ang maanghang dati habang pinagtatawanan lang ako ni Dong Uk noon habang umuusok ang bibig at tainga ko kapag pinapakain niya ako ng maanghang.

"Are you impressed?" tanong kay Yana ni Mi Su at magaang tinapik ang braso niya. "I taught Jin Woo myself. I told him that to get a woman's heart, he must know how to cook."

"I love everything, sangjang-nim," sabi naman ni Yana. "I love the freshness of the seafood and the vegetables in the hotpot. The taste of Jeju. It makes me feel..."

"Loved?" nakangising tanong ni Gideon. Napilitan siyang tumango. "Siyempre may kasamang pagmamahal 'yan nang iluto ko."

"My Jin Woo is ready to get married. When will you settle down?" tanong ng matandang babae.

Nagkatinginan sila ni Gideon. Nakita ang pagkawala ng ngiti ng binata at namutla. Seryoso nga. May allergy ito sa kasal. Di niya alam kung maaawa dito o pagtatawanan ito. She had never seen him so frightened in his life.

Inilapit ni Gideon ang mangkok ng sabaw sa lola nito. "Halmoeni, have some soup while it's hot."

Di komportable si Gideon kapag pinag-uusapan ang kasal. Kahit naman siya. Ibang usapan na nagpapanggap siyang nobya nito pero masyado nang seryoso kapag kasal.

"So tell me, how did you two end up together? I never thought that you were close. Yana-ssi has a boyfriend. Go Dong Uk, right?" pag-iiba ni Mi Su sa usapan. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon