Chapter 62

1.2K 29 0
                                    

Nahigit ng dalaga ang hininga nang sa wakas ay makita ang Seopjikoji. Isang pathwalk na may sementadong fence pero pinintahan ng brown para magmukhang kahoy. Mistulang gulugod iyon ng dragon habang papunta sa simbahan na kulay peach. Sa isang bahagi ay dagat at ang magkabilang gilid ng daan ay dilaw na dilaw dahil sa pamumulaklak ng rapeseed o canola.

"Ang ganda dito!" sigaw ni Yana at ibinuka ang mga kamay.

"Yana, lean back against the railing on this side and Gideon on the other," anang si Eu Jin na hindi nag-aksaya ng panahon. Simula na agad ng pictorial.

Masaya ang pictorial pero nakakapagod. Parang nakailang daang pose na sila ni Gideon at marami pa siyang gustong gawin. Nagbibigay din kasi ng suggestion si Yana sa gusto niyang shot na pinagbibigyan naman ni Eu Jin. Puro tango lang si Gideon.

"Let's do this!" sabi ni Yana at itinuro ang standee kung saan nakahawak si Lee Byung Hun sa pisngi ni Song Hye Kyo habang magkadikit ang noo ng mga ito.

Malamig ang mga kamay ni Gideon nang humawak sa pisngi niya. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki.

"You are beautiful. I could stare and listen to you talk all day," bulong ng lalaki.

Napanganga siya. "Ano iyan? Dialogue sa teleserye?"

"Aniyo."

"Iniisip mo siguro na ako kunyari si Song Hye Kyo?"

"Si Song Hye Kyo ba ang nasa harap ko? Hindi ba ikaw?"

Tumirik ang mata niya. "Bolero!"

"Why can't you just accept the compliment?" tanong nito.

"Kamsahamnida, oppa," maarteng sabi niya gaya ng nakasanayan niya kapag nagpapa-cute dito. At kinintalan ito ng halik sa gilid ng labi.

"Okay. Great shot!" narinig ni Yana na sabi ni Eu Jin.

Sa ilang sandali, parang may sarili silang mundo ni Gideon. Hindi sila umaarte lang. Hindi para sa pictures ang mga sinabi nito. Para sa kanya.

Bigla siyang niyakap nito. "Ang lamig dito. Pwede huwag muna tayong umalis?"

Tinampal niya ang balikat nito. "Pero lilipat na tayo ng location. Magiging Lee Dong Wook ka na."

"Ayoko munang maging Lee Dong Wook. Five minutes lang. Ayoko munang maging kakompitensiya ni Lee Min Ho sa pagiging ultimate leading man."

"Okay," usal ng dalaga at hinayaan ang mga bisig niya na yumakap din dito. She didn't know she was cold until she felt his warmth.

She would miss being his girlfriend. She would miss him. Ilang araw na lang ang natitira para hayaan niya ang sarili na yakapin ito at alagaan nito. Malapit nang matapos ang panahon na siya lang ang babae sa buhay nito. While he would go back to his meaningless one-night stands, she must take back her boyfriend.

Dahil kahit na bumalik pa siya kay Dong Uk, isang bahagi na ng puso niya ang hawak ni Gideon Lee. Alam niya na hindi na siya ang parehong Yana pagbalik kay Dong Uk. She won't settle for less. Itinaas ni Gideon ang standard niya. At may mga bagay na hindi siya dapat pumayag na ikompromiso.

Sa loob ng limang minuto, hindi niya kailangang magpanggap.

"Bumalik na tayo?" tanong ni Yana. "Baka nainip na sila."

"Sandali," sabi ni Gideon at inilabas ang cellphone ito. "Patugtugin natin 'yung soundtrack ng All In. Pakinggan natin habang naglalakad."

Umikot ang mga mata niya. "Ano naman iyan?"

"You want romantic? I am giving you romantic. Iyon 'yung nabasa ko sa isang forum na ginagawa ng mga teenager para sa date nila ng girlfriend nila."

"Wow! Nag-research ka pa para diyan?" natatawang tanong niya. "Akala ko naman marami ka nang alam at expert ka na..."

"Ngayon lang ako nagka-girlfriend. This is the first time I do this romantic shit. Konting appreciation naman diyan," nagtatampong sabi nito. "Nag-download ako ng lahat ng soundtrack ng mga Korean drama na isu-shoot natin."

"Akala ko kasi napipilitan ka lang dito sa pictorial na ito. Siempre kailangan nating kumbinsihin ang lola mo at si Dong Uk..."

"Hindi kailangang tungkol lagi sa kanila. Gusto ko mag-enjoy ka dito at maging masaya ka sa Jeju. Nasabi ko na sa iyo dati, 'di ba?"

Yumakap siya sa braso nito. "Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Di ko na alam paano ako makakabawi sa iyo."

"Just be happy. That is more than enough for me."

"Masaya ako kasi kasama kita," sabi niya at tahimik silang naglakad papunta sa parking lot. Gusto niyang maging perfect ang araw na iyon para sa kanila ni Gideon. Wala sanang maging problema.

"Dong Uk-na! I miss you!"

Napanganga na lang si Yana nang makitang yakap ni Eu Jin si Dong Uk. Kasasabi lang niya na ayaw niya ng problema, sabay parang nananadya naman ito.

"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Yana.

"Malamang sinusundan ka," anang si Gideon at nakangiting kinawayan ang lalaki. "Anneong!" Magkaibigan pa rin pala ang dalawa kahit ano pa ang "relasyon" nilang dalawa ni Gideon.

Isang magalang na "Anneong hasaeyo" lang ang ipinambati niya.

Kinamayan nito si Dong Uk. "What are you doing here?"

"I am here to assist my girlfriend," sabi ng lalaki.

Yumakap si Eu Jin kay Dong Uk. "Ahhh! That is so sweet. I don't have to be envious anymore. They are so sweet together and it made me miss you so much. He is such a supportive boyfriend."

Alanganin ang ngiti ni Yana. Dapat ba siyang matuwa na nandoon si Dong Uk? It was supposed to be her moment. Gaya nga ng sinabi ni Gideon, iyon ang panahon na para sa sarili niya. Magre-relax lang siya. Ni di niya kailangang isipi si Dong Uk. But now, the good feeling was gone.

"Okay lang ba sa iyo na nandito si Dong Uk?" tanong ni Gideon nang nakasakay na sila ng kotse at papunta sa susunod nilang destinasyon. Mabuti na lang at dala ni Gideon ang sariling sasakyan kung hindi ay makakasama pa nila sa isang van si Dong Uk. Nag-taxi lang daw ito para sundan sila.

"Wala naman akong choice, hindi ba?" aniyang di maipinta ang mukha.

"Huwag mo siyang isipin. Focus on me, on us. Isipin mo na hindi siya nag-e-exist at hindi siya importante."

"Oo na. Habang di ko siya pinapansin, mas lalo siyang maghahabol sa akin, tama?" tanong niya sa lalaki at huminga ng malalim. "I will do my part."

"Yana, don't let him ruin your mood. Huwag mong pilitin ang sarili mo para sa kanya. Gusto ko maging masaya ka lang. Please?"

He synced his car music player with his phone. At pumailanlang ang Happy Day na soundtrack naman ng My Girl. Pumikit siya at huminga ng malalim habang pinapakinggan ang violin intro ng kanta.

Love. Bakit napalitan ng inis at galit ang pagmamahal niya kay Dong Uk? Hindi na niya makapa ang saya kapag nasa paligid ito. Ni ang kilig. Kahit ang pagmamahal niya dito, di niya alam kung saan huhugutin.

Ano pa bang ipinaglalaban ko? Ano pa bang babawiin ko?

Tama si Gideon. Kailangang pag-isipan niya kung worth it pa ba ang ginagawa niya. Kung si Dong Uk pa ba ang gusto niyang makasama. Hanggang saan ang kaya niyang isukong respeto sa sarili para lang dito.

Sa ngayon, ayaw muna niyang isipin iyon. Gusto niyang maging masaya. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon