Chapter 64

1.2K 30 0
                                    

"THIS is beautiful. Ah! So is this one."

Ipinapakita ni Eu Jin kay Yana ang mga picture na kuha sa Seongup Folk Village. Nakasuot siya ng tradional Hanbok at ganoon din si Gideon kanina para sa pictorial nila. Mistulang museum ang lugar na iyon kung saan may sinaunang bahayan at mga shrine pa rin na nakatayo. Doon nag-shooting ang Korean drama na Jang Geum o Jewel in the Palace.

Bandang hapon na sila nag-shoot doon at papasara na ang folk museum. Ilang oras lang sila doon pero enjoy na enjoy siya sa pictorial. Pati kasi ang make up artist na kasama nila ay nag-hanbok para masamahan siya sa picture bilang mga alalay daw. Habang si Dong Uk naman ay mandirigma na kalaban ni Gideon. Parang naglalaro lang silang lahat. Isang masayang pagtatapos sa nakakatensyon at nakakapagod na araw.

Unang araw pa lang iyon ng pictorial at may dalawa pang natitirang araw gaya ng pangako nila ni Gideon. Dati masaya na siya sa pa-selfie-selfie kapag namamasyal pero iba pala kapag may kasamang magaling na photographer.

"You look like a princess and Jin Woo-na is like a prince. I hope that when you get married, you will have a traditional Korean wedding," excited na sabi ng babae.

"Why not?" Pero nawala ang ngiti niya nang maisip na malabo ma makasal sila ni Gideon. Fake ang relasyon nila at wala itong planong mag-asawa.

Kinilabutan siya nang maisip na ikakasal siya kay Dong Uk. Parang di tama lalo na't kasama rin niya si Eu Jin na matindi ang debosyon na ibinibigay kay Dong Uk. Sa maigsing panahon na nagkasama sila, mukhang di nito alam na di pa sila nagbe-break ni Dong Uk. Ano ba ang sinabi ng dating nobyo dito?

Nakagaanan na niya ng loob ng babae. Kaya ba niya itong saktan? Noong una, gusto niyang makuha ang dapat para sa kanya. Pero parang marami pa siyang di alam. Marami pang kulang sa kwento. Paano kung pareho lang silang inosente ni Dong Uk sa sitwasyon na ito?

"Di ka pa ba magbibihis? Magsasara na itong museum?" tanong ni Gideon.

"Nag-e-enjoy ako sa costume. Parang masayang tumira sa nakaraan."

"Ibibili na lang kita ng costume para mag-roleplay ka kung gusto mo. Hinihintay na ng mga staff 'yang damit mo."

"The boyfriend who is willing to give the world to you," nausal ni Eu Jin.

Nag-video call siya sa pinsang si Yulia bago magbihis. May isa pang bisita kasi ang binibihisan ng staff. Gusto niyang makita siya ng pinsan na naka-hanbok. "Anneong!" bati niya sa pinsan at kumaway.

"Yana, buti naman kumontak ka na. Kasi kanina pa kita tinatawagan."

"Pawala-wala kasi ang signal dito. Anong problema?"

"Nabangga kasi ang jeep na sinasakyan ng nanay mo at ng padrasto mo."

Tumiklop ang tuhod ni Yana at napaupo sa sofa doon. Bumalik sa alaala niya ang di magandang pag-uusap nila ng ina bago siya pumunta sa Korea. Tapos ay ganito ang malalaman niya. "Ano? K-Kumusta na si Nanay?" nanginginig ang boses niyang tanong kasabay ng pangingilid ng luha.

"Ayos naman na at ligtas. Nabugbog lang sila at may bali sa braso ang nanay mo. Yung padrasto mo may sugat lang sa ulo at na-CT scan na. Humampas kasi ang ulo nang bumangga ang jeep. Sana walang internal damage."

"Pero kailangan nilang pandagdag sa gastos sa ospital. Pati kasi yung mga pambili ng paninda nila naibayad na sa ospital. Wala na rin silang ibang pagkakabuhayan. Alam mo naman na gasino lang ang kita sa pautangang paninda ng nanay mo. May kapatid ka pa na nag-aaral."

May kaluhuan ang nanay niya. Umastang may kaya dahil nakaasa sa kanya. Nang mawala siya, kinailangang dumiskarte ng ina para madagdagan ang kita ng padrastong nag-aalaga ng mga manok na panabong.

"T-Totoo ba iyan?" tanong niya sa pinsan. Nadala na siya sa nanay at tatay niya. Minsan ay gawa-gawa lang ng mga ito ang problema at sakit para lang makakuha ng mas malaking pera sa kanya pero mapupunta lang sa luho.

"Alam mo naman na ako mismo ang magsasabi sa iyo kapag nang-uuto ang pamilya mo. Ako mismo ang dumalaw sa ospital." At ipinadala ng pinsan sa kanya ang mga picture ng magulang at padrasto. Impit siyang umiyak nang makita na may black eye pa ang nanay niya at may sling sa braso. Malayo sa glamorosang imahe na laging ipinapakita nito.

"Nagsisikap naman na ang nanay mo sa buhay. Ibinenta na niya ang alahas para pampuhunan sa negosyo," pagpapatuloy ni Yulia. "Pati nga tatay mo balita nagpapasada na ng jeep at may naglalako na ng kakanin ang madrasta at stepsister mo. Klaro na sa kanila na di ka na nila pwedeng abusuhin. May ganitong pagkakataon lang talaga na... nasa iyo kung tutulungan mo sila o hindi. Naisip ko lang kasi baka totoo na ngayon at kailangan talaga nila. Gusto ko sana silang bigyan pero next week pa ako susweldo." At nagpaalam na ang pinsan.

"Nanay! Nanay ko!"

Hindi tuloy siya mabihisan ng mga staff dahil iyak siya nang iyak. Kinakausap siya ng mga ito sa Korean pero di siya makasagot. Doble ang sakit sa kanya na may samaan sila ng loob ng nanay niya. Di niya ito kayang tikisin.

Itinaas niya ang isang kamay. "Changkamanyong. Wait." Nakakaunawa naman siyang iniwan ng mga matatandang babae.

Nanginginig ang kamay niya nang binuksan ang online bank account niya. Kailangan niyang mapadalhan ng pera ang nanay niya. Kailangan siya nito ngayon. Pero napaiyak siya sa sobrang frustration nang hingan siya ng pin para makapagpadala ng pera. Hindi siya naka-roaming kaya di makakapasok ang numero niya. Ayaw niyang bigyan ng problema ang pinsan niya at pag-abonohin. Alam niya na nag-adjust din ito dahil sa biyahe niya sa Korea.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Eu Jin nang puntahan siya. Nag-alala marahil ito dahil di pa siya nagbibihis.

"My mother had a car accident. She's in the hospital right now."

Natutop nito ang bibig. "Omo! You change your clothes first then we can discuss it with Jin Woo-na. Arasso?"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon