INABALA ni Yana ang sarili sa paghuhugas na mga nakatambak na urungin sa dishwashing area ng bar. Di rin sila nagtagal ni Gideon sa mesa nina Dong Uk at Eu Jin dahil natambakan na sila ng trabaho. Gusto pa sana niyang mag-stay sa mesa at magpanggap na devoted girlfriend ni Gideon pero pareho silang kailangan ng mga customer. Ipinakita na lang niya ang devotion sa mga hugasin at ibinuhos ang ngitngit niya sa paglilinis ng mga plato at baso.
Hindi siya na nakaramdam ng sakit kanina paglipas ng ilang sandali na magkaharap sila. Inis at yamot, oo. Siguro dahil nakita niya na mas apektado si Dong Uk kaysa sa kanya. Na mas nasasaktan ito. Kasi di naman niya ako nakita nang wasak na wasak ako. Pasalamat nga siya mabait ako sa kanya. Kung wala lang si Dong Uk sa tabi ko, baka ineskandalo ko na sila na noong una ko pa dapat ginawa.
"Take a break," sabi ni Tae Yang sa kanya, ang blonde na waiter nang mahugasan na niya ang nakatambak. "You've been here for three hours."
"Three hours?" bulalas ni Yana. Hindi man lang niya napansin. Kaya pala nangininig na ang braso at binti niya dahil sa pagod. Nangangalay na rin ang balakang niya.
"Sangjang-nim told us you must rest. If you refuse, he will kiss you in front of the customers and put it on Facebook Live," banta nito.
"Arasso yo!" Napilitan siyang tanggalin ang gloves at ihaghis sa gilid ng lababo. Napilitan siyang lumabas ng pantry. "Sira ulo talagang Gideon 'yon. Pagbabantaan pa ako."
"What do you want for snacks?" tanong ni Lee Tuk na head chef doon.
Umiling siya. "Aniyo. I know you are all busy. I will just grab some snacks at 7-Eleven. I will be back." Sa backdoor siya ng bar dumaan para di makaabala sa customers. Chocolate o tinapay lang pwede na niyang kainin. T-money card lang ang dala niya dahil pwede iyon na pambayad sa convenience store.
Tanaw niya ang 7-Eleven mula sa bar. Wala pang limang minuto kung lalakarin. She needed some time to herself. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Mahal niya si Dong Uk. He was her first love. Halos dalawang taon silang di nagkita kaya miss na miss na niya ito. Pero nang makita niya ito kanina, parang di man lang siya nasabik dito. Mas gusto niya itong hampasin ng bote ng soju para maramdaman nito kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya. Hindi rin siya makaramdam ng selos kahit halos lumingkis dito si Eu Jin. Parang sapat na siya na makitang nagseselos si Dong Uk kay Gideon.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Gideon was so attentive tonight. Habang maya't maya naman na nagsasabi si Dong Uk kung ano ang dapat at di dapat niyang kainin o inumin. Nasosopla lang ito dahil sinusunod ni Gideon ang gusto niya. Pinangatawanan nito ang pagiging perfect boyfriend.
Nagulat siya nang paglabas ng 7-Eleven ay nakasandal si Dong Uk sa labas. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at di ito pinansin, na parang di ito nag-e-exist.
"You are Gideon's waitress now, Yana? Did he send you to Korea just to be his hired help?" tanong ng lalaki na may kapaitan sa boses.
Tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahang pumihit sa lalaking mahal niya. Ang lalaking nanloko sa kanya. "Why is that any of your concern? You have a new girlfriend now. You don't have to bother with me and Gideon."
Nagtagis ang bagang nito at lumapit sa kanya. "Your cousin told me that you are sick. I even offered money to help you. But it is just a lie because you here... with your new boyfriend. How long have you been sneaking behind my back?" angil nito.
"The question is irrelevant when you have more than two hundred days of illicit affair with another woman. And you have the gall to question me? How hypocritical of you."
Biglang umurong si Dong Uk na parang sinampal niya ito. Di siguro inaasahan na lalaban siya. Gago! Di mo ako pwedeng baligtarin. At di kita iiyakan dito ngayon. Wala akong dapat na ika-guilty.
Napamaang ang lalaki, nawala ang balasik ng anyo nito. "Yana, let me explain. I love you. You know I do. But I was lonely because you refused to come to Korea to see me. And Eu Jin was there for me. She had always been there for me, taking care of me and..."

BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
Storie d'amoreYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...