Chapter 34

1.3K 36 4
                                    

"Hindi mo naman kailangang sabihin na girlfriend mo ako," sabi niya kay Gideon. "Baka di na bumalik sa bar mo iyon."

Nagkibit-balikat ito. "Don't worry about me. My bar will survive. At wala lang iyon kay Jhaede. She's a backpacker and she's not here for a long haul. Para namang in love siya sa akin para alalahanin mo."

"Yeah, right." Ibig sabihin ay potential one-night stand lang ang babae. Hindi importante kay Gideon at di rin importante ang binata para dito.

"I think this will look great with your dress," tukoy ni Gideon sa hawak nitong doll shoes. "Maupo ka. Anong size ng paa mo?"

"Uhmmm... size eight ako."

Inangat ng binata ang sapatos at bumaling sa matandang babae na attendant ng shop. "Ahjumma, size eight jusseyo," pakiusap nito.

Lumapit sa kanila ang matandang babae na may dalang kahon. Kinuha iyon ng binata. Sinenyasan siya ng lalaki na manatili sa kinauupuan. Umuklo ito sa harapan niya at inilabas ang sapatos. Di siya nakakibo nang alisin nito ang sapatos niya at isukat ang bagong doll shoes sa paa niya. He looked like Prince Charming at the moment. E devoted boyfriend. "Kasya ba?" tanong ng lalaki.

"Paano mo nagagawa?" tanong niya.

Nagtataka siya nitong tiningala. "Ano?"

"Hindi ko lang talaga maintindihan kung paanong naibibigay ng isang tao ang sarili niya sa ibang tao nang wala siyang nararamdaman na pagmamahal dito. I am not judging really."

"Control. Having sex with anyone we want gives us control without giving in to emotions," kaswal na sagot nito at kabiyak sapatos sa paa niya. "In Abraham Maslow's hierarchy of needs, nasa baba ng pyramid ang pagkain, tirahan kasama ang sex sa pisikal na pangangailan. So, it is a pretty basic need really."

"Pero ayon din sa heirarchy of needs ni Maslow, nasa third level ang sexual intimacy. Ibig sabihin kailangan pa rin ng connection ng dalawang tao. Ibig sabihin kailangan pa rin ng love kapag ibinigay mo ang sarili mo sa ibang tao."

Bumuga ang binata ng hangin. "Yana, kung ia-analyze mo ang pyramid ng hierarchy, mas makaka-survive ang isang tao sa sex na walang emosyon. You know why? Intimacy and love hurts. Mas mahina ka kapag nagmahal ka. While with just sex, you have more control. And I like control. I can control when I want it and when I don't. Makukuha ko ang gusto ko at ang partner ko. Then we can amicably part ways the next day. No tantrums. No broken promises. You don't have to give so much without asking in return."

Nahigit niya ang hininga. "So, mahina ako?"

"I am not judging you, Yana. Nagtanong ka lang kung paano ko nagagawa iyon at sinagot ko. And to be clear, I have no plans to cavort with another woman while you are here, Maslow's hierarchy of needs be damned. Kasya ba sa iyo ang sapatos?" tanong nito sa mariing boses. Parang sinasabi nito na tapos na ang usapang iyon.

Tahimik na si Gideon nang magbayad sila ng pinamili. Wala na siyang ganang mag-shopping dahil baka nairita ito sa pag-usisa niya sa sex life nito.

Natigilan siya nang makita ang isang shop na may naka-display na mannequin na may suot na couple's shirt. "Pwede nating tingnan?"

"Sure," sabi ng lalaki at pumasok sa boutique.

Tinanong niya sa shop attendant ang couple's shirt at marami palang design iyon. Napansin din niya na may iba pang items na para sa couple gaya ng mug at may customized pa na cellphone case at protector na para sa couple.

"Gusto mo ba iyan?" tanong ni Gideon nang damputin niya ang couple's mug na magkahating heart-hand kapag pinagdikit.

"Oo. Nakakatuwa." Ibinigay na niya ang dalawang mug sa attendant. Sunod ay namili siya ng T-shirt at idinikit sa katawan ng binata. "Pwede na siguro sa iyo ang size na ito."

"Isusuot ko talaga iyan?" nakangiwing tanong ng lalaki na parang nandidiri ito.

"Oo. Mahal mo ako, di ba? Dahil couple na tayo, kailangan natin ng ganito. Mas cheesy at corny, mas maganda. Ganito sa mga Koreanovela."

"Fine! Fine! Have it your way. Bahala ka kung anong gusto mo. Kung tapos ka nang mamili, bayaran na natin."

"Ako na ang magbabayad," sabi niya at inilabas ang wallet.

"No!" tutol ng binata. "Ako dapat ang magbayad."

"Ang dami mo nang nagastos sa akin. Hayaan mo nang gawin ko ang girlfriend duties ko sa iyo. Gusto ko na may parte din ako sa relasyon na ito. Ayoko ng pakiramdam na parang gold digger ako at umaasa sa pera mo."

"Your pride..."

"Pabayaan mo na lang ako para wala tayong pagtalunan." At wala nang nagawa ang binata nang iabot niya sa kahera ang bayad.

"I am sorry," usal ng binata nang nakabalik sila sa sasakyan. "Mali ako na akusahan kang gold digger noon."

"May dahilan ka naman. Inutangan ng pamilya ko si Dong Uk. Natural lang na isipin mo na idea ko iyon. Lumalabas talaga na mukha akong pera. At kahit na di totoo ang relasyon natin, gusto kong makita mo na nag-e-effort ako. Kasi ganoon ako magmahal. Di ko man mapantayan sa pera, gusto ko pa ring maipakita sa ibang paraan ang pagmamahal ko."

"Alright. Mukhang di naman ako mananalo sa iyo."

"Ibig sabihin kailangang isuot mo 'yung couple's shirt natin."

Umungol ang lalaki. "What have I gotten myself into?"

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon