Chapter 65

1.2K 31 0
                                    

Tumango lang siya at kinausap na nito ang mga ahjumma o matatandang babae na nag-aasikaso sa mga hanbok. Inalalayan siya ni Eu Jin nang makalabas dahil nanlalambot siya habang naglalakad.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Gideon na dali-dali siyang nilapitan.

Di agad nakasagot si Yana kaya si Eu Jin na ang nagpaliwanag dito sa Korean. Lutang na lutang siya. Wala na halos siyang maintindihan. Di niya alam ang gagawin.

Hinaplos ni Gideon ang buhok niya. "Ano daw ang nangyari? Kumusta na ang n nanay mo?"

"Nawalan daw ng preno 'ung jeep kaya bumangga sila sa puno. Buti bali lang sa kamay ang nakuha ni Nanay at bugbog. May head trauma naman ang stepfather ko. And I can't access my bank account from here. Di ako makapagpadala ng pera." She felt helpless. Wala siyang magawa para matulungan ang nanay niya.

"Your family is at it again. They are always weak when you it comes to them. Do they need money again?" Dong Uk sneered at her.

"Dong Uk, her mother and stepfather was in an accident. How could you be so cruel?" tanong ni Eu Jin dito.

"Because they are manipulative. They always want money from Yana. Everytime Yana wants to do something for herself, they always ruin her plans and take her money. I am sure that accident is invented to extort money from you again."

"My mother and stepfather are really hurt. I know that my mother has her faults but she really needs me this time," depensa ni Yana sa ina.

Tinampal ni Eu Jin ng braso ni Dong Uk. "Enough! You are not helping."

Binalingan ni Dong Uk si Gideon. "She's your girlfriend now. I know you can put her in her place. If you want to be serious with Yana-ssi, she must know her limits when it comes to her family. It will also ruin your relationship. You were the one who taught me that. You learned the lesson the hard way, remember?"

"Yana, tawagan mo ang pinsan mo. Gusto ko siyang makausap," utos ni Gideon sa mababang boses. Madilim ang mukha nito.

Nanlamig si Yana nang maalala ang pag-uusap nina Dong Uk at ng binata noon. Ayaw ni Gideon sa mga Pinay na loyal sa pamilya at uto-uto gaya niya. Di na kailangan ng panunulsol ni Dong Uk. Wala siyang maasahan kay Gideon. Wala siyang kakampi nang mga oras na iyon, wala siyang matatakbuhan.

Nanariwa na naman ang luha niya. "Gideon, please. Mamamatay ako kapag wala akong nagawang para sa nanay ko. Ngayon niya ako kailangan." Hindi niya alam kung kanino pa siya tatakbo.

Inilahad ni Gideon ang kamay. "Open your messenger and give me the phone."

Sinunod niya ang binata. Nanlalamig ang kamay niya nang inabot dito ang cellphone. Tinalikuran siya nito at naglakad palayo. Pinaupo siya ni Eu Jin sa kotse ni Gideon na naiwang nakabukas at inabutan siya ng canned tea.

Umiikot na ang plano sa utak niya. Kapag di siya tinulungan ni Gideon, mapipilitan siyang kumuha ng flight pabalik sa Pilipinas kasehodang magkautang-utang siya sa credit card. Kahit pa magalit sa kanya si Gideon, wala siyang pakialam. Nanay niya ang pinag-uusapan dito.

"Gideon knows what to do with manipulative mothers, Yana-ssi. This is for your own good," sabi ni Dong Uk habang nakapamaywang sa harap niya. Wala itong konsiderasyon sa nararamdaman niya. Ni di man lang nito inalala na malayo siya sa nanay niya. Ganoon ba kalaki ang kasalanan niya dito samantalang ito nga ang malaki ang atraso sa kanya.

Matalim niya itong tiningnan. "Manahimik ka. Di ka nakakatulong."

"There's your Tagalog again. I can't understand you," angal nito.

"Wala ka naman talagang naiintindihan. Sarili mo lang kasi inaalala mo. Ano bang problema mo? Bakit masyado kang malupit sa akin?" Hindi ito ang Dong Uk na nakilala niya. Considerate at maunawain ito sa kanya noon. Iba na ito. Anong nangyari dito nang bumalik ng Korea?

"Yana-ssi," sabi ni Gideon at ibinalik sa kanya ang cellphone.

"A-Anong sinabi mo kay Yulia?" tanong niya at tumayo.

Nagkibit-balikat ang binata. "Walang problema. Pinadala ko na ang pera na kailangan sa ospital ng nanay mo."

"Talaga? Thank you!" Niyakap niya ang lalaki. Umiyak siya nang umiyak sa tuwa. "A-Akala ko talaga pababayaan mo na ako. Akala ko pipigilan mo ako na magpadala ng pera sa nanay ko."

Hinaplos ng lalaki ang likod niya. "Yana-ssi, I don't want you to worry anymore. Si Yulia ang bahala sa bills at groceries nila. Wala ka nang iisipin. Okay?"

"You sent money to her mother? That is wonderful," anang si Eu Jin at pinagsalikop ang palad. "Yana-ssi has nothing to worry now.

Biglang sumabog si Dong Uk. "Hyung," tawag nito kay Gideon dahil mas bata ito. "Are you crazy? Why did you help out her mother? You know what she did to Yana and me..."

"I know. But her family needs her now. Her mother and stepfather was really in an accident. I don't know what kind of asshole you are if you can't help your family if they are in need," pambabara ni Gideon sa lalaki.

"What happened to you, hyung?" tanong ni Dong Uk. "You told me to beware of Filipinas because they will only go after my money to support their family. And now you are falling for the same trap. Babo!"

Nahigit ni Yana ang hininga. Sinabihan nitong tanga si Gideon. Ayaw niyang pag-awayan pa iyon ng dalawa. May lamat na nga ang pagkakaibigan ng mga ito nang dahil sa kanya.

"Dong Uk-na, geumanhae!" pagpapatigil ni Eu Jin sa lalaki at hinila ito palayo. Yumukod ito sa kanila at humingi ng paumanhin. "Mianhamnida!"

"That is my money and she is my girlfriend now. She is my responsibility. I didn't ask any help from you. I didn't ask for you money," anang si Gideon sa malamig na boses at humarang sa pagitan nila Dong Uk. "That's our difference. I may be careful with my money and the people I deal with I am not heartless. Maybe you should think about that the next time before you open your mouth." Tumango ito. "Eu Jin-ssi, take your boyfriend home. I think he is not in his right mind."

Hinila ni Eu Jin papunta sa van si Dong Uk. Isinara ni Gideon ang pinto ng kotse pero malungkot niyang tinanaw si Dong Uk na nakikipagtalo pa kay Eu Jin.

"Let's go?" tanong ni Gideon sa kanya nang nakauo na ito sa driver's seat.

Tumango siya at ngumiti sa unang pakakataon mula nang malaman niyang nadisgrasya ang nanay niya. "Yes. Let's go."

Nagpapasalamat talaga siya na ito ang kasama niya sa oras ng pangangailangan. Hindi siya nito pinabayaan. 

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon