Madilim na sa labas nang magising si Gideon. Day off niya sa pag-aaring bar na Chwihangeon-anigo o I'm Not Drunk. He had the whole day all by himself. Naglaba siya, nag-asikaso sa garden ng lola niya, nagpaligo ng aso at natulog. At masakit pa rin ang katawan niya hanggang ngayon. And it was awfully quiet. Tahimik din kasi ang neighborhood na iyon na di kalayuan sa Seogwipo Harbor. Dalawang palapag ang bahay niya na may tatlong kuwarto. Malaki para sa isang bachelor na gaya niya. Sa bahay at sa bar nauwi ang perang pinagbentahan ng lola niya sa English tutorial school sa Pilipinas. Nagdesisyon kasi ito na sa Jeju na sila mag-base.
Hindi naman niya direktang lola si Mi Su. Kapatid ito ng lola niya sa ama. Ito ang umaruga sa kanya nang maulila siya sa ama nang kinse anyos siya. Nasa ibang bansa naman ang nanay niya na may sariling pamilya at wala na silang pakialam sa isa't isa. Sa Pilipinas siya nagbinata at tumutulong din sa negosyo ng tiyahin. Pero ngayon, masaya siya na nakabalik sa Jeju Island. Pangarap talaga niyang magtayo ng bar doon. Ni hindi niy nami-miss ang masalimuot at ma-traffic na Pilipinas.
Di siya makahinga sa buhay niya sa Pilipinas. Siguro dahil nagpapatakbo sila ng paaralan kaya di siya malayang gumalaw. Di siya pwedeng basta-basta makipag-date lalo na sa empleyado o estudyante ng eskwelahan. Ngayon ay malaya na siyang makipag-date kung sino ang gustuhin niya. Walang manghuhusga kung iba't ibang babae ang kasama niya. Why not? It was part of his business to flirt a bit with his customers. Walang magtataas ng kilay sa kanya... maliban sa Lola Mi Su niya. Di nito aprubado ang lifestyle niya. As if he would settle down. Not when he was still on his prime.
Bumaba siya ng hagdan. Nakayapak siya at suot lang ang harem pants. Narinig niya ang pag-ingit ng aso ng lola niya na si Moody. Hindi ito mapakali habang nag-aabang sa kanya sa baba ng hagdan. "Yaaa! Bae gopa yo? Meog go shipoyo?" tanong niya kung gutom na ito at gusto na nitong kumain.
Ngumiwi siya nang makitang mag-aalas nuwebe na ng gabi. Malamang ay nalipasan na ito ng gutom. Malilintikan siya sa lolang si Mi Su. Ibinilin nito si Moody sa kanya dahil birthday ng kaibigan nito na nasa Udo Island. Mabuti na lang at hindi nakakapag-text o nakakatawag aso kung hindi ay lagot siya sa lola niya. Pakiramdam niya minsan mas mahal pa nito ang aso kaysa sa kanya.
Natigilan siya nang malanghap ang amoy ng kimchi jilgae o kimchi stew. Paborito niya iyon kaya naman kumalam ang sikmura niya. Tumakbo agad siya sa kusina nang may narinig siyang nagbukas ng gripo. Shit! May invader na naman dito sa bahay ko.
Isang babae na nakasuot ng ruffled mint green dress at may dilaw na apron ang nasa harap ng kalan at naghahalo sa hot pot. Kulot ang light brown na buhok nito at nasa 5'5" ang height. Pakanta-kanta pa ito habang nagluluto. "Sang Hee, yeogi seo mwohae?" pasigaw niyang tanong sa babae kung anong ginagawa nito.
Nakangiting lumingon ang babae na may hawak pang sandok. "Oppaaa! Na neun jeonyeog hago jisgo iss-eo." Naghahanda daw ito ng hapunan. "This is your favorite. You hungry?"
Di siya komportable na may ibang babae na pumupunta sa bahay niya nang walang permiso. "You came here without my permission."
"Your halmeoni told me to take care of you. Do I need a permission?"
Mariing nagdikit ang labi niya. "I can take care of myself."
"Don't be shy. I will be your wife soon."
Nanlaki ang ulo niya. Ano daw? Huwag daw siyang mahiya dahil magiging asawa daw niya ito. Not in a million years.
Humalukipkip siya. Maganda naman ang babae. Maliit ang mukha nito na patulis ang baba, may double eyelid na ipinagawa daw nito sa magaling na doktor, and she got silicon boobs that was emphasized by her dress. Nagpa-plastic surgery ito noong isang taon matapos nitong itanong sa kanya kung ano ang ideal niyang babae o ang crush niyang artista. Ipinabago daw nito ang itsura para sa kanya pero wala pa ring nagbago sa sitwasyon. She was not his type.
Di dahil sa plastic surgery nito. Wala siyang pakialam nagparetoke man ang babae o hindi. Normal na ang plastic surgery sa Korea. Isa sa limang babae ang dumaan sa scalpel ng plastic surgeon.
Wala sa bokabularyo niya ang magpakasal. Ayaw niyang matali sa isang babae lang. He liked his women fast and temporary. Walang demands. Wife material si Sang Hee. Pero ngayon pa lang, sinisimulan na niyang manghimasok sa buhay niya sa tulong ng lola niya siyempre. Di na ito nakakatuwa.
Pinagsalikop niya ang palad. "Sang Hee-ssi. I appreciate everything you did for me but I am going out soon to fetch my girlfriend. It would be awkward if she will find you here."
Nagulat ito. "Y-You have a girlfriend? Serious one?"
"Yes," aniya at tumango. "So please don't waste your time on me. There are other nice boys out there for someone nice like you."
Tipid na ngumiti ang babae at mabilis na hinamig ang sarili. "Okay. I will be back some other day."
"Why?"
"Because I know you will break up with her after a few days. Women don't last in your life, Jin Woo. You always make them leave. I am the only one will keeps on coming back." Pinatay nito ang kalan, kinuha ang bag at hinalikan ang pisngi. "Enjoy the stew. Till next time, oppa."
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...