"Ano? Cute ako?" tanong ni Gideon sa kay Yana na inangat ang tingin mula sa plastic bag ng pinamili nila.
"'Yung apron. Parang mas bagay sa akin iyan," palusot ni Yana at hinugasan ang gulay na inilabas nito.
"That apron looks good on you. Canola flower field. Iyan ang dahilan kaya gusto ni halmoeni dito sa Jeju Island. Pakiramdam daw niya bata ulit siya. May mga canola siyang tanim sa labas. Malapit nang mamulaklak iyon."
"Oo nga pala. Spring na dito sa Jeju Island. The most romantic time of the year." Nangako sa kanya si Dong Uk na ipapasyal siya sa Jeju at pupuntahan nila ang canola fields. Pero parang malabo nang mangyari iyon ngayon.
"Bakit bigla kang nalungkot? Naiisip mo ba si Dong Uk?" tanong ni Gideon na bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Paano kung di ko siya mabawi? Parang nakakalungkot na magtagal sa Jeju at puntahan ang canola fields tapos sawing-sawi naman ako."
"Then I am coming with you. Ako ang kasama mong mamamasyal sa canola fields. Kung gusto mo I-remake pa rin natin ang mga eksena sa canola fields para naman di sayang ang punta mo dito."
"That is so nice of you." At dama niya na sinsero ang lalaki na tulungan siya. Awa siguro iyon pero naa-appreciate niya ang tulong nito. "Hindi ka ba natatakot sa akin?"
"Hmmmm....?" tanong nito habang hinihiwa ang gulay. "Bakit?"
"Kasi mabait ka sa akin. Ikaw ang tatayong boyfriend ko. At kahit di ko mabawi si Dong Uk, nandiyan ka pa rin para sa akin. Baka bigla akong ma-in love sa iyo lalo na't nakikita ko ang ibang side mo at nagpapanggap kang boyfriend ko. Paano kung madala ako?"
His forehead crinkled. He gave her a puzzled look. Di yata nito nagustuhan ang tanong niya. Baka iniisip nito na interesado siya dito o nadadala siya sa pagpapanggap nila. Gusto niyang kutusan ang sarili. Baka bigla itong mag-back out sa kasunduan nila.
Bigla itong tumawa nang malakas. "Di naman ako naniniwala na ipagpapalit mo si Dong Uk sa akin. Come on. I am the proverbial fuckboy. You wont fall in love with me. Mas matalino ka naman kaysa diyan."
"Minsan tanga ang puso. Parang ako. Ipaglalaban ko pa si Dong Uk samantalang niloko na nga ako. Di ba tanga lang?"
"May ipaglalaban ka sa kanya. Minsan ka niyang minahal. Malay mo kapag nagkita ulit kayo, malaman mo na ikaw naman talaga ang mahal niya. Pero kung alam mo nang wala kang mapapala sa akin at mai-in love ka pa, parang kumuha ka lang ng lubid na ipinambigti sa leeg mo."
"Paano kung ikaw naman ang ma-in love? Di mo ilalaban?" tanong niya.
"No. Maisip ko pa lang, daig ko pa ang kumain ng buhay na octopus," maasim ang mukha nitong sabi. "Can we change topic? Like kung ano ang sasabihin natin kay Halmoeni kung paano mo ako naging boyfriend?"
"Uhmmm... hindi ko alam. Hindi naman kasi tayo... close."
"Then we'll be secret friends. Then we sort of fell in love just a few weeks ago. At nandito ka sa Jeju Island dahil gusto kong ma-experience mo ang romantic spring kasama ako. I will give you that Koreanovela dream."
Ngumisi si Yana. "Nice. Para sa isang lalaki na di kailangan ng romance sa buhay niya, mukhang alam mo kung ano ang gusto ng mga romantic na babae."
"I know women. Alam ko kung ano ang gusto ang gusto ninyo. Di ko nga lang maibibigay lahat. After all, I only cater to women who are not into real relationships."
"Oo na. Ikaw ang Lalaking Walang Forever. But can you pull this off?"
"Just trust me. Sa sobrang galing ko, hihilingin mo na sana ako na lang ang boyfriend mo."
Pinagtawanan lang niya ito. Habang nagluluto ay ihinahanda ni Yana ang sarili sa sasabihin sa lola ni Gideon. Sana lang ay magawa niyang maging convincing. Pero kaya ba ni Gideon na umakto na devoted boyfriend?

BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...