"Hindi. Parang ako 'yung girlfriend na gold digger. 'Yung may sugar daddy na bilmoko doon, bilmoko diyan at pati pagpaparetoke sagot ng boyfriend nila." Di sa nanghuhusga siya sa mga babaeng ginagastusan ng mga lalaki. Mabigat lang talaga sa dibdib niya dahil malaki ang gastos ni Gideon sa kanya. As if he was buying her.
"Tanggapin mo na lang. Pareho naman kayong makikinabang diyan. Siyempre kailangan niyang ipakita sa lola niya at doon sa babaeng naghahabol sa kanya na alagang-alaga ka niya at di siya interesado sa iba."
"Nakaka-guilty nga na malaki na ang gastos niya sa akin." Di naman biro ang pera na iyon. Pinaghirapan pa rin iyon ni Gideon.
"Okay. Para manahimik 'yang pride mo, e di galingan mo na lang ang pagiging girlfriend niya. Gawin mo kung anong ginagawa mo kay Dong Uk bilang boyfriend mo. Higitan mo pa. 'Yung ipinagdadala mo ng pagkain kahit na wala ka nang pera, 'yung may mga sweet reminders, at ipinaglalaba mo ng brief."
"Di ko naman ipinaglaba ng brief si Dong Uk."
"E di ipaglaba mo si Gideon."
Nanlaki ang mga mata niya. "Ay grabe siya o!" Natutop niya ang bibig nang maalala kung ano ang nasa ilalim ng brief nito.
"Uy! Bigla kang natahimik at namula. Gusto mo ang idea 'no?"
"Puro kalokohan naiisip mo! D-Di ko pag-iisipan ng ganoon si Gideon. Nakakahiya sa kanya. Ni minsan di siya nag-take advantage sa akin."
"Maglalaba ka lang ng brief pero ang dami mong sinabi. Basta galingan mo lang ang pagiging girlfriend niya at ipakita mo kay Dong Uk na wala na siya sa buhay mo dahil may mas guwapo at mas hot ka nang boyfriend." Pinanlakihan siya ng mata ng pinsan. "Ngayon pa lang maging sweet at clingy ka sa kanya. Di 'yung kung kailan nandiyan si Dong Uk, saka ka pa aarte. Di mukhang natural iyon. Simulan sa pagtawag ng "oppaaaaa" kay Gideon. Okay na 'yang damit mo. Wag mo nang hubarin para sure na babayaran na ni Gideon. Bye!"
Di rin ito nakatulong sa kanya. Di rin niya pwedeng limitahan ang pagiging generous sa kanya ni Gideon. Kailangan niya iyon sa role niya bilang nobya nito. Tama si Yulia. Galingan na lang niya bilang girlfriend nito para magmukhang natural at convincing sa harap ng ibang tao. At sisimulan na niya paglabas pa lang ng dressing room na iyon.
Nakita niya ang lalaki na may hawak na sapatos na kulay old rose. Gusto ba nitong bilhin ang sapatos para sa kanya? Sabagay lahat naman ng damit na pinapasukat sa kanya at binibili mula kanina ay si Gideon mismo ang namili. Mukhang wala itong tiwala sa taste niya sa fashion.
Humakbang siya palapit dito nang isang blonde na Caucasian ang humalik sa pisngi nito. "How are you, Gideon?"
"Anneong!" bati naman ng binata pero di naman nito hinawakan ang babae.
"Fancy meeting you here. Are you shopping for your grandmother?"
"S-Sort of," anang binata.
Yana's lips twisted. Na-deflate ang magandang mood niya. Sa ganda kong ito, lola levels na ako? Ibang klase!
Naging malagkit ang tingin ng babae dito at kinagat ang pang-ibabang labi. "I haven't seen you in a while. I miss hanging out with you." Nilaro nito ang kuwelyo ni Gideon at tumingkayad para mailapit ang mukha. "Last time, you promised to give me a good time if I will return to your bar. How about you fulfill your promise?"
Ngumisi si Gideon. "Well..."
Naging pula ang lahat sa paningin ni Yana. Di na niya binigyan ng pagkakataon ang binata na sumagot sa babae at pagtaksilan siya kaya tinawag na niya ito. "Oppaaaa!" Gulat siyang nilingon ng binata at napanganga. "What do you think of my dress?" malambing ang boses niyang tanong niya at namaywang.
Nag-thumbs up ang binata. "Definitely a winner. Kunin na natin iyan."
"Who is she?" tanong ng blonde at tinaasan siya ng kilay.
"Hi! I'm Yana, his grandmother," pagpapakilala niya sa babae at inabot ang kamay dito. "Sort of."
Nakita niya sa gilid ng mata ang pagkakapatda ni Gideon. Akala siguro nito ay di niya narinig ang usapan nito at ng babae.
"I am Jhaeda, Jin Woo's regular customer at the bar. You look so young to be his grandmother. Is he your biological grandson?" anang babae at nagbeso pa sa kanya. Regular customer? Parang hindi lang.
Nagulat siya nang hapitin ni Gideon ang baywang niya. "Yana is my girlfriend actually." Nahigit ng dalaga ang hininga at tiningala ito. Seryoso? Ipinakilala siya nito bilang girlfriend nito sa potential conquest nito?
Namutla si Jhaeda. "H-His girlfriend? I thought he doesn't do girlfriend?"
"I changed my mind," sabi ng lalaki at kinintalan siya ng halik sa ibabaw ng buhok. "I thought Yana won't come to me. That we were just flirting online. But she's here now and we are officially a couple."
"I thought you were buying stuff for your grandmother," the woman said in a low and hurt voice.
"She's the most important person to me next to my grandmother. That's why I said sort of." At lalo pang hinapit ng lalaki ang katawan niya na parang ayaw siya nitong pakawalan. Nice palusot!
"Oh! I see." Naging alanganin ang ngiti ng babae at tiningnan ang cellphone sa kamay nito. "Uhmmm... I really have to go. See you around." At nagmamadaling umalis ang babae.
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...