Sofia Says: The video was taken while I was walking from my inn to Seopjikoji. Dahil walang kabayo sa eksena, si Gideon Lee na lang ang kabayo. Hahaha! Really, this is my inspiration for the next Stallion Island story as well and Stallion Series: Yue Anthony Zheng new edition.
***PARANG batang tumatawa si Yana habang nakasalabay sa likod ni Gideon. Patuloy ang pag-click ng camera habang naglalakad ang binata sa beach kung saan tanaw ang Seongsan Ilchulbong, isang patay na bulkan na tumatayong simbolo ng Jeju Island. Kaysa sa mismong park na dagsa ng turista, sa beach na lang sila nagpunta para mas kaunti ang mga tao. The place was scenic just the same. At solo pa nila ang mundo.
My Girl naman ang theme nila ni Gideon. Ipinulupot ang magkabila niyang buhok. Nakasuot siya ng long sleeve stripped na manipis na jacket, green na pants at boots na may mukha ng unggoy gaya ng suot ni Lee Da Hae. Habang hinubad ni Gideon ang suit nito at iniwan ang pink long sleeve polo.
Mas masaya ang shoot na iyon lalo na nang ipa-internalize sa kanya ang character ni Lee Da Hae bilang makulit na raketera. Masungit naman ang character ni Lee Dong Wook doon kaya kailangan niyang mag-effort para kunyari ay pangitiin si Gideon.
Isinantabi niya kung anuman ang alalahanin kay Dong Uk. Naroon nga ito para I-assist si Eu Jin. Tagabitbit ito ng props, tripod, camera accessories at hagdan na gagamitin ng litratista pero walang kangiti-ngiti. Parang naiinis pa nga ito kapag hinihingan ng suggestion ni Eu Jin kung paano gagawing mas romantic.
"How about a kiss? Make it long and passionate," utos ni Eu Jin.
"No. Yana is a prude," biglang sabi ni Dong Uk. "Her kisses might look boring on camera and..."
"Who says that I'm prude and I'm boring?" naghahamong tanong ni Yana.
Nagrebelde ang kalooban ni Yana. Sira ulong ito. Boring pala ako kaya ipinagpalit mo ako sa iba. Hoy, Dong Uk! Ako lang naman ang sinayang mo.
Yumakap siya leeg ni Gideon at nilusob ito. Narinig niya ang impit na ungol nito dahil di siguro inaasahan na hahalikan niya ito basta. Naramdaman niya ang pagkapit nito sa braso niya, na parang gusto nitong kalasin ang pagkakayakap niya sa leeg nito.
Gideon, makisama ka naman. Huwag mo akong ipahiya.
Saglit na naghiwalay ang labi nila at suminghap ang lalaki. Pero di lumayo ang labi nito sa kanya. Akala niya ay magagalit ito pero malamlam ang mga mata nito na parang inuunawa siya nito. Na hinalikan niya ito dahil may gusto siyang patunayan.
Subalit ngumisi lang si Gideon. Hinapit nito ang baywang niya. Then he showed how to give a toe-curling kiss. Hindi siya nito inatake gaya ng ginawa niya. He was gentle and teasing at first that it made her smile. He kissed her leisurely as if it had all the time in the world. It was calming and languid. Parang sinasabayan ng halik nito ang hampas ng alon. At nagsimulang maglaho ang mundo sa paligid nila. Nakalimutan na niya na kailangan siyang may patunayan kay Dong Uk. She just enjoyed the kiss. It was magical and thrilling.
Hindi rin nakaka-suffocate ang haplos nito sa baywang niya at likod. Parang kilala na ng katawan niya si Gideon. She forgot that they were in a pictorial. Na may camera na kumukuha ng sandaling iyon. Na may mga matang nakatunghay sa kanila. It felt perfect. It felt right. At nagpatangay lang siya sa sensasyon.
Gideon evoked emotions she had never felt before. She wanted the kiss to go on forever. At ayaw din niyang mawala si Gideon sa tabi niya.
"Okay! Good shot!" sigaw ni Yana at pumalakpak.
Ilang segundo pa bago niya iyon naulinigan at tuluyang pumasok sa utak niya. Si Gideon ang kusang lumayo sa kanya pero hinahanap pa rin niya ang labi nito at hinabol ito. "O! Magtira ka naman mamaya," kantiyaw ng binata.
Nakakahiya! Siya pa ang naghahabol ng halik dito. Nang ma-realize niya ang ginawa ay naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito pero pasimple rin niyang hinampas ang balikat ng lalaki.
"That was hot," nausal ng make up artist.
"Yana, no need to be shy how much you want me. We are with friends after all," sabi ni Gideon.
Ipinadyak niya ang paa. "Kahit na! Nakakahiya pa rin. I acted like a hussy."
"No. Just a woman in love with her hot boyfriend," sabi ni Yana at kumindat sa kanya. "Time for lunch. Let's eat." Nakatayo lang si Dong Uk habang nakamata sa kanila. Siguro naman napatunayan niyang di siya ganoon ka-boring.
"Naiwan yata ng make up artist 'yung isang make up bag niya," anang si Gideon na nakalingon sa black and pink polka dots bag sa buhangin. Iniwan niya nito para damputin ang bag.
Umihip ang malakas na hangin at niyakap ni Yana ang sarili. Nagulat siya nang lumapit sa kanya si Dong Uk habang hinuhubad ang jacket. "You look cold. Do you need a jacket, Yana-ssi?"
"No. I can keep her warm," sabi ni Gideon at hinapit ang katawan palapit sa kanya. "And there's no boring girlfriend, only incompetent boyfriend." At sakal sila naglakad ni Gideon papunta sa sasakyan nito.
"Dong Uk-na, I'm cold," tawag ni Eu Jin na di maipinta ang mukha.
"Take my jacket. Here," sabi ni Dong Uk dito at inabot ang shirt.
"We just need five minutes," sabi ni Gideon at sumenyas kay Eu Jin. Nag-thumbs naman ang babae na nakapatong sa balikat ang jacket ni Dong Uk.
"Thank you for that, Gideon," aniya at tinapik ang pisngi nito. "Alam ko naman di ako tulad ng inaasahan niya. Nakita mo kung gaano kapalaban si Eu Jin at kung gaano ka-adventurous at liberal. Boring talaga ako kumpara sa kanya."
"Huwag mong hahayaan na iparamdam sa iyo ng kahit sinong lalaki na may kulang sa iyo kaya ka nila iniwan. Magpasalamat na lang si Dong Uk hindi ko siya sinapak sa ginawa niya sa iyo."
"You are my hero with pink lipstick." At humagikgik si Yana.
Pinunasan nito ang labi ng likod ng kamay saka siya tiningnan. "Wala ka nang lipstick. Come on. Let's fix it. Ako ang maglalagay."
"Huh?! Ikaw ang maglalagay ng lipstick ko."
"Yes. Ako ang naglalagay ng lipstick kay Lola kapag namimili kami ng cosmetics. Trust me on this. Consider it boyfriend duties. I ruined your lipstick so I will fix it. At ibibili pa kita ng ibang kulay next time."
Natatawa niyang ibinigay ang lipstick dito. Subalit di na niya nagawang tumawa nang dumampi ang lipstick sa labi niya. It was so intimate. Parang hinahalikan siya ng binata dahil sa lipstick.
"That is nice. Just keep swiping lipstick on her lips," sabi ni Eu Jin na patuloy ang pagkuha ng picture. "Perfect!"
"Is my lipstick okay?" tanong ni Yana pagkatapos.
"Yes. This is gold."
"I need five more minutes alone with Yana," sabi ni Gideon.
"Bakit?" tanong niya dito.
"I want to ruin your lipstick again," nakangising sabi nito at inangkin ang labi niya. Hindi niya alam kung parte pa rin ng pagpapanggap nila ang paghalik ng binata sa kanya o gusto lang talaga siyang halikan. She wished it was the later. Dahil hindi na niya alam ang linya ng pagpapanggap at totoo.
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...