Sofia Says: Anneong!! Para chapter na ito, here's the official OST.
Epic fail ang Spring Waltz dream ko sa Jeju dahil almost summer na 'yung second time na nagpunta kami doon. I finally fulfilled my Spring Waltz dream someplace else - in Yunnan, China. Kung sa Jeju kawawa ang rapeseed field dahil niluluray ng mga turista, dito sa Yunnan di ka mauubusan kahit isang buwan kang gumulong. Tapos na ang Tipsy In Jeju na isulat nang nagpunta ako sa China.
Anyway, dream ko pa rin mag-Spring Waltz sa Korea kasama si Lee Dong Wook.
ISANG beses pang umikot si Yana sa salamin saka ngumuso. Alas sais pa lang ng umaga pero handa na siya para sa pictorial niya. Nag-text na si Gideon kay Eu Jin nang nagdaang gabi pa na sa Udo Island na sila magkita. Thirty minutes lang ang layo niyon sa Jeju Island at excited na siyang ikutin ang maliit na isla na punong-puno ng dilaw na canola field. Kaya naman ang sikat na Endless Love: Spring Waltz ang theme nila para sa araw na iyon, isa sa paborito niyang Korean drama. Kaya nga yata niya nagustuhan si Dong Uk noon dahil sinabi nito na taga-Jeju Island ito kung saan sikat ang canola field.
Handa na rin siya sa muling paghaharap nila ni Dong Uk kung sakaling bubuntot na naman ito kay Eu Jin. Ito ang unang-una nilang na-conceptualize ng babae dahil di talaga siya matatahimik hangga't wala siyang pictorial sa canola fields.
Nagha-hum pa siya ng Clementine na kasama sa soundtrack nang samahan si Dong Uk sa sala ng cottage. Nakasuot ito ng white overall coat na may powder blue polo shirt. Habang orange floral dress ang suot niya.
"I'm ready!" aniya at itinaas pa ang dalawang kamay.
His lips twisted. "Cancel daw ang pictorial natin. Masama ang pakiramdam ni Eu Jin."
"Ganoon ba? Sana gumaling agad siya," malungkot na usal ni Yana.
Maaring may sakit nga ang babae pero pwedeng dahil din kay Dong Uk. Nautusan ba ito ng lalaki na huwag nang matuloy ang pictorial nila? Dapat siyang malungkot dahil di niya makikita ang nobyo. Sa halip ay nakahinga siya ng maluwag. Sa lakas ng negative vibes na inilalabas ng lalaki mula nang magkita sila, parang mas mabuting dumistansiya muna ito sa kanya. Masyadong maganda at romantic ang Udo Island para sirain nito ang mood niya.
Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng palda ng dress niya. "Excited pa mandin ako sa pictorial. Uuwi na ba tayo?"
"No. Kung okay lang sa iyo, tayong dalawa na lang ang magpictorial."
"Paano?'' tanong niya. Iba pa rin siyempre kapag may official photographer.
"May tripod ako. Nasa trunk ng kotse ko."
"Di naman tayo photographer tulad ni Eu Jin."
"Yana, may hanggang bukas tayo dito sa Udo Island kung gusto mo. Kahit ilang beses nating ulit-ulitin ang shot na gusto mo, okay lang sa akin. May timer naman ang cellphone ko. Game?" tanong ng binata.
Biglang lumalad ang ngiti niya. "Game!"
Nagdesisyon sila ni Dong Uk na lakarin na lang ang isla kaysa gamitin ang kotse nito. Maliit lang naman daw ang Udo Island. Kayang ikutin nang naglalakad.
"Wowww!" sigaw ni Yana nang di pa siya nakakalayo sa cottage ay malawak na canola field na ang sumalubong sa kanya. "Di ko ito nakita kagabi."
"Surprise! Sabi na nga ba magugustuhan mo iyan."
Ibinuka niya ang kamay at umikot. "Sobrang ganda dito! Thank you!" sabi niya at patalong yumakap sa lalaki na parang bata.
Natawa si Gideon. "Ang babaw lang talaga ng kaligayahan mo 'no?"
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...