"YANA, parang uulan na. Dito na lang tayo sa bahay," sabi ni Gideon habang nakasilip sa bintana.
Nakisilip din ang dalaga sa bintana. "Hindi iyan. Asul na asul ang langit. Anong uulan? Masisira ang OOTD ko kapag umulan."
Nilingon niya ito. Nakasuot ito ng pink sundress at white sneakers habang may nakapatong na light blue bolero. Hawak din nito ang shades at ang wide-brim hat. Nagkasundo sila ng dalaga na dalawin si Sang Hee sa gift shop kung saan ito nagtatrabaho. Ready daw ito for pictorial dahil may windmill daw malapit sa kung saan nagtatrabaho ang babae. Pero wala pa siya sa mood harapin si Sang Hee.
Sinapo niya ang dibdib at umupo sa kalapit na couch. "Parang masama ang pakiramdam ko."
Namaywang si Yana sa harap niya. "Gideon, napag-usapan na natin ito. Ang bilis mong sungitan 'yung tao pero pag gagawa ka ng maganda para sa kanya, hirap na hirap ka."
Tinakpan nito ang mga tainga. "You sound like a nagging wife."
"Allergic ka pa mandin sa pag-aasawa. Anong gusto mo? Ina-nag kita hanggang pumunta ka sa bar mamaya o magso-sorry ka kay Sang Hee?"
Natigilan si Gideon nang makita ang kaseryosohan sa mukha ng dalaga. Nang nakaraang araw, hinayaan niya itong sumama sa bar. Pero tahimik lang ito at umaakto na parang isa sa tauhan niya.
"You will really do that?" tanong nito. "You are not confrontational, Yana. You are a lady..."
"Sinong may sabi? Isang tagay lang ng soju iyan, mawawala na ang hiya ko at non-stop na ang daldal ko. Mukhang mas okay sa iyo na talakan kita."
Bigla siyang tumayo at isinuklay ang daliri sa buhok. No. Yana and soju simply didn't mix. Mahirap itong kontrolin kapag nakainom. Baka mamaya ay mag-eskandalo pa ito kapag napagtrip-an nitong mag-striptease sa bar niya. Mapapaaway pa siya.
"Arasso! Heto na nga palabas na ako. Daig mo pa lola ko sa panenermon. Basta huwag kang hahawak ng soju.."
Ngiting tagumpay ito nang tumango. "Nee, oppa."
Pinili ni Gideon na tumahimik habang nagmamaneho. Why was he in this predicament again? I can't say no to Yana.
Hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin siya sa handang gawin para sa babae. He was supposed to protect her and corrupt her at the same time. Pero parang siya yata ang binabago nito. He was supposed to be an asshole. After all, assholes are attractive by nature. Madali lang sa kanya na ilayo ito kay Dong Uk.
But she never saw him as an asshole. Isang anghel ang tingin sa kanya ng babae. At siya pa ngayon ang sunud-sunuran dito. Bakit kailangang ako ang magbago? It should be the other way around.
Makalipas ang kalahating oras ay tumigil ang kotse sa harap parking lot ng Hyeopje Beach na sikat sa puting buhangin nito at dinagdagan pa ng mga nagtatayugang windmill. Tourist spot iyon pero walang naliligo ngayon sa beach dahil sobrang lamig. Subalit may mga turista pa rin na nagpapa-pictorial.
Isinuot niya ang shades at bumaba ng kotse. Umikot siya sa kabilang pinto at ipinagbukas si Yana. Matapos I-lock ang kotse, hinawakan niya ang siko ni Yana at naglakad papunta sa hilera ng establishment kung saan matatagpuan ang gift shop na mina-manage ni Sang Hee. Pag-aari iyon ng tiyahin ng babae at ito ang pinamahala. He was tense. Magso-sorry siya pero kailangang maging malinaw dito na wala na itong kailangang asahan sa kanya. Di na ito pwedeng mangulit at kapag sinaktan ulit nito si Yana...
Naramdaman niya na pinigilan ni Yana ang braso niya. "Sandali. Hindi pa okay ang mukha."
Sinapo niya ang pisngi. "May dumi ba ako sa mukha?"
Hinila nito ang magkabilang gilid ng labi niya. "Ngumiti ka. Alam ko napipilitan ka lang. Pero sana naman kapain mo sa puso mo na minsan sa buhay mo, inalagaan ka rin niya. Do it right."
Marahan siyang tumango. "Arasso. I won't disappoint you."
"I know you won't," anang babae at magagaan ang hakbang na naglakad papunta sa gift shop. Parang di nito alintana na kinakaladkad siya nito papunta sa teritoryo ng babaeng obsessed sa kanya.
Pagdating sa pinto ay siya ang unang itinulak ni Yana papasok. Pinauna na siya nito at binantayan pa ang pinto para tiyakin na di siya makatakas. Wala halos customer noon. Nasa counter si Sang Hee at kausap ang isang staff nito. Narinig nito na nag-ring ang bell kaya yumuko agad ito. "Anneong hasaeyo!"
"Anneong!" bati naman ni Gideon at di alam kung ano ang susunod na gagawin.
Nanlaki ang mga mata ni Sang Hee nang makita siya. "Jin Woo-na!" Nahimigan niya ang excitement sa boses nito.
"Anneong, Sang Hee!" bati ni Yana at kumaway dito nang sumilip mula sa likuran niya.
"A-Anneong," malungkot na usal ni Sang Hee at malamyang kumaway. Akala ba nito ay pupuntahan niya itong mag-isa?
Inabot ni Yana ang balutan ng lunch box. "Rice cake for you. This is a popular delicacy in the Philippines and Gideon's favorite."
Nanlaki ang mata ng babae nang tanggapin ang lunch box. "D-Did you cook this for me?"
"Gideon helped me out." At saka siya siniko ni Yana.
"Nee," naisagot na lang niya at pilit na ngumiti.
"I will just leave you two. Enjoy the rice cake," anang nagpapanggap na nobya at lumabas ng gift shop.
Pinilipit ng babae ang sariling palad nang iwan sila ni Yana. "Did you come here to buy your girlfriend a gift?"
Umiling siya. "I...I came here to apologize."
"Are you okay? Are you sick?"
"I am serious."
"L-Let's talk at somewhere private."
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...