Sofia Says: You can read the last exclusive conflict (around 10,000 words) sa book version at sa ebook version. Thanks for reading and I hope you enjoyed it.
Yakap ni Yana si Gideon habang nagluluto ito ng midnight snack. "Akala ko exciting ang stargazing. Di naman pala masyado."
"Ang sabihin mo, nilalamig ka lang," natatawang sabi ng lalaki.
Autumn na noon at hindi kinakaya ni Yana ang lamig. Nagtatrabaho na ang dalaga sa Korea International School, Jeju Campus bilang English teacher. Sinamahan nilang mga guro ang mga estudyante sa isang fair kung saan nag-stargazing sila sa Udo Island. Na-realize na lang niya na nakatulog pala siya.
Tatlong buwan na siyang nagtatrabaho sa Jeju Island pero naninibago siya.
"Ikaw pa rin ang hottest star para sa akin," sabi niya at ihinilig ang pisngi.
"Akala ko sun ako?" tanong nito.
"Di ba star din naman ang sun. Mas gusto ko ang araw dahil nagdadala ng kulay ang liwanag niya. As if everything it touches reveal it's real beauty. Sun is life. And you are my life."
"Nami-miss mo ba ang Pilipinas?" tanong nito.
"Sobra!" usal niya. "Gusto ko ngang magbakasyon sa El Nido pero next year pa." Kailangan muna niyang mag-ipon para kasama ang buong pamilya.
"How about we go to El Nido next year?"
"Yes!"
"For a wedding."
"Kaninong kasal?" tanong niya.
"Ours."
Napanganga siya. "A-Are you proposing?"
"Not yet. Bukas pa. I mean..." Bigla nitong tinampal ang noo. "Drat! It was supposed to be a surprise. Kunyari wala kang narinig."
"Nee. I will marry you." Tumingkayad siya at hinalikan ang labi nito. "Saranghae, Lee Jin Woo! Mahal kita, Gideon Lee."
"Wait! Hindi ka pa dapat sumagot ngayon. Bukas na. Wala pa akong singsing. 'Yung ihinanda kong proposal."
"Hayaan mo na iyon bukas. Kunyari na lang wala akong alam at kunyari di pa kita sinasagot. Sagot ko lang naman ang kailangan mo, di ba?"
In-off nito ang induction heat stove at niyakap ang baywang niya. "Saranghae, Yanamarie. You are the greatest surprise in my life. My greatest love. And I want to make you happy for the rest of our lives."
"Let's celebrate?" tanong niya. "May soju tayo..."
"No." Umupo ito at hinila siya sa kandungan nito. "I know just another way to celebrate without the hangover." Then he kissed her more passionately. Nakalimutan na nila nang tuluyan ang hapunan.
Yes, Gideon was better than soju. Pwede siyang malasing dito nang walang hangover. And was just glad to be Mrs. Lee Jin Woo soon.
***
I hope you enjoyed this story. Don't forget to like, share, and comment on the story. The book is still available at mababasa n'yo po ang exclusive chapters at kilig scenes doon. Just PM My Precious Treasures on Facebook.
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...