DALI-DALING tumalikod siya Yana para kunyari ay maglinis ng mesa. Mabuti na lang at binati na ito ng isa sa mga waiter at iginiya sa mesang bakante. Nanginginig ang buong katawan niya at muntik nang bumigay ang tuhod niya na makitang nang harapan ang kataksilan ng lalaki.
Alam na niya ang totoo pero masakit pa rin pala. Akala ni Yana ay nakokonsensiya ang nobyo dahil kinukumusta pa siya nito at handang magpadala na pera para pampagamot niya. Pero patuloy pa rin ang kataksilan ng lalaki. Ano kaya ang gagawin ni Dong Uk kapag nalamang nandoon siya sa Jeju?
"Yana-ssi, sangjang-nim's friends are asking about you," bulong sa kanya ni Jae Eun nang lapitan siya. "They want to meet the girl on the video. They saw someone share your video."
Yana could feel the blood rushing to her head. Napanood na ni Dong Uk ang video nila ni Gideon sa cherry blossom festival. Nakilala ba niya ako? Hindi naman siguro dahil iba na ang itsura niya. Paano ba aako ttakas nito? Parang di ko pa kaya na harapin si Dong Uk at ang babae niya. Baka bigla na lang akong matulala at umiyak katulad ng dati. Masisira ang lahat ng plano namin ni Gideon.
Ikiniling ni Jae Eun ang ulo at pinagmasdan siya. "Are you okay?"
"Ha?" tanong niya at napilitang tumango. "Nee. Yes, I'm okay."
"You look pale. Or maybe you are nervous to meet sangjang-nim's friends. You haven't met his friends?" tanong ng babae.
Tumikhim siya at ipinunas ang namamasa sa pawis na kamay sa apron. "Just nervous. I mean, I look like a mess."
Inaasahan niya na nakaayos siya kapag kaharap si Dong Uk at ang babae nito. Na taas-noo niyang titingnan sa mga mata nito at di siya mukhang aligaga. Na siya na ang bagong Yana. Sa halip na isa sa magagandang dress na binili ni Gideon sa kanya, naka-plain black pants at white long sleeve polo siya at may black apron. Nakatirintas lang ang buhok niya at di niya alam kung maayos pa ang buhok niya. Malamang ay hulas na rin ang make up niya.
Pinisil nito ang braso. "Don't worry. You will be fine. Fighting!" sabi nito at kinuyom pa ang palad bilang pagpapalakas sa loob niya.
"You really don't believe that I have a girlfriend?" tatawa-tawang tanong ni Gideon, papalapit ang boses nito.
Nakupo! Mapapalaban nga yata talaga siya. Gideon, wag muna ngayon. Please. Paghandain mo na ako.
Pumitlga siya nang hawakan ni Gideon ang balikat niya. "Sweetheart, my friends want to meet you."
Huminga muna siya ng malalim bagong ngumiti at pumihit para harapin ang mga bangungot niya. Hindi na ang Yana na uto-uto at inapak-apakan ng mga ito ang humarap kundi ang Yana na hindi magpapatalo at palaban.
"Anneong hasaeyo," bati niya sa dalawa at bahagyang yumukod. Ipinakilala din niya ang sarili sa Korean. "Jeoneun Yana-imnida. Cheoeum boepgesseumnida."
"Yana? Your name is Yana?" tanong ni Eu Jin na naging alanganin ang ngiti.
Nanlalaki ang mata ni Dong Uk habang nakatitig sa kanya. "Y-Yana?"
MATAPANG na sinalubong ni Yana ang mga mata ng nobyo at ngumisi nang sandaling nakilala nito kung sino ang kaharap nito. "Hello, Dong Uk! Long time, no see." Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. "How are you?"
Hindi nakakibo ang dating nobyo at naramdaman niya ang paninigas ng buong katawan nito. She didn't feel any love at the moment. Ni hindi siya makaramdam ng sakit o kahit pagmamahal. She could feel the acid of betrayal flowing in her blood. At nakadama siya ng tagumpay dahil na-caught off-guard ito. Nakangisi siya habang di inaalis ang tingin dito, na alam niya ang pagtataksil nito.
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...