"SSIBAL! Ssibal! Ssibal!" Napamura si Gideon nang paulit-ulit nang magising siya na parang ginugulpi ng sampung gangster. Parang inuumpog ang ulo niya sa pader at sunud-sunod ang tadyak sa sikmura niya.
"Bakit ba ako napasok sa sitwasyon na ito?" angil niya at isinubsob ang mukha sa unan.
Kasalanan talaga ng soju bomb iyon at isinusumpa niya kung sinumang sugo ng impyerno na naka-imbento no'n.
May-ari siya ng bar. Nabubuhay siya sa alak at sa mga umiinom. Itinuturing niyang ginto ang alak. He loved drinking. Di siya basta-basta natutumba. Pero may kahinaan siya - si Yana at ang soju bomb.
Sa bar niya nag-celebrate ang regular customer na si Ji Soo. May mga bisita itong babae na interesado sa kanya. Ayaw nitong maniwala na may girlfriend siya at faithful siya. So he put her to a test. Uminom daw siya ng soju bomb at unahan silang malasing para patunayan niya ang loyalty niya kay Yana - si Yana na fake girlfriend naman niya. Di niya alam kung bakit nag-volunteer siya na magiging loyal siya dito at di titingin sa ibang babae samantalang di naman niya ito totoong girlfriend. Now he was celibate and hungover.
No. Make that dying. Kinukuha na yata ako ng liwanag.
Umungol ulit siya habang paulit-ulit ang mura sa utak niya. Gumulong siya sa kama at napansin na naka-boxer shorts lang siya. Sinong nagbihis sa akin? Wala naman siguro akong babaeng inuwi dito.
Wala siyang maalala. Pinatulan pa rin ba niya ang babae sa party? Sinapo niya ang noo. Bakit wala siyang maalala? Si Yana lang ang naalala niya.
Paano kung nakita ni Yana ang babaeng iyon? Paano siya magpapaliwanag?
Kailangan niyang makausap si Yana. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Dali-dali siyang bumaba ng kama. Pero sumabit ang paa niya sa comforter at bumagsak siya sa sahig. Nakataas ang isang paa niya sa kama habang nakadapa siya sa sahig. At hinang-hina siya kaya di niya alam kung paano babangon.
"Babo! Babo!" Gusto na niyang iumpog sa sahig ang sarili sa katangahan niya. Di siya makatayo sa sakit ng katawan.
Nakarinig siya ng paparating na yabag at bumukas ang pinto. "Gideon!" bulalas ng dalaga at dali-dali siyang dinaluhan. "Anong nangyari sa iyo?"
"P-Pupunta sana ako sa restroom," sa halip ay sabi niya. Wala siyang nagawa nang tulungan siya nitong tumayo at inupo siya sa kama. Wala siyang dignidad sa lagay niya.
Mukha itong aparisyon sa maluwag na gray T-shirt at violet na pajama na may nakapatong na pink apron. Nakapusod lang ang buhok nito. Simpleng-simple pero bakit parang nanalo ito ng Miss Universe sa paningin niya?
"Anong masakit sa iyo? Gusto mo bang samahan kita sa banyo?" alok nito at hinaplos ang ulo niya. It was soothing. Parang pinapalis nito ang sakit na nararamdaman niya.
"Ang sakit ng ulo ko. Parang binabarena."
"Hangover iyan," sabi nito at hinila-hila ang buhok niya. That was nice. Her touch was soothing.
"Ano... masakit din ang sikmura ko."
"Gusto mo lawayan ko?" tanong ng babae at ngumisi sa kanya.
"Lawayan?"
"OO. Ganon ang ginagawa ng matatanda pag masakit ang tiyan."
"Yana, may hangover ako. Di ako nausog."
"O! Nagbibiro lang naman ako." At hinaplos nito ang likod niya. "Kung nasusuka ka at kailangan kitang alalayan sa banyo, magsabi ka lang sa akin. Huwag kang mahihiya. Baka bumalagbag ka na naman sa sahig at mas matinding injury na ang abutin mo sa susunod."
"Yana, ilang taon na akong nabubuhay mag-isa. Kaya ko na ang sarili ko. Kapag may hangover ako o lasing ako, inaalagaan ko ang sarili ko na mag-isa."
"Di ka na mag-isa ngayon. Nandito ako."
Nang tumayo siya at nakaalalay agad ito sa kanya at isinalabay ang braso sa balikat nito. Hinayaan niyang dalhin siya nito hanggang sa pinto ng restroom. Nakasandig lang siya sa pinto habang pinapanood ito na lagyan ng toothpaste ang toothbrush niya at ihinanda ang mouthwash niya.
"Maliligo ka ba o maghihilamos lang?" tanong nito nang ipaglabas siya ng tuwalyita. "Baka kailangan mo ng tulong."
"Paliliguan mo ako?" tanong niya sa may kataasang boses.
"Kailangan mo ba ng magpapaligo sa iyo?" kaswal na tanong nito. His jaw nearly dropped. She had no f*cking clue. So naive and innocent. Seryoso talaga ito na tulungan siya, walang malisya.
"Yana, kaya ko na ito. Kamsahamnida," pasasalamat niya. "Pwede mo na akong iwan."
"Okay," sabi nito at isinara ang pinto. Pero narinig niya na tumigil ang yabag nito sa labas lang ng pinto. "Gideon, huwag mong I-lock ang pinto. Dito lang ako magbabantay sa labas. Basta sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong."
"Nee," sagot na lang niya at naghilamos.
Di siya sanay na may nag-aaalaga sa kanya. He felt threatened. Baka masamantala ang kahinaan niya. Pero alam niyang di siya sasamantalahin si Yana. Gusto niya ang pag-aalaga nito. Di naman sa punto na paliliguan niya ito. He was weak but he was still a man. At wala siyang sex life mula nang dumating ito. Umungol siya nang maalala ang kamay nito sa hubad na katawan niya noong nasa rooftop sila. Innocent yet seductive. She would be his undoing.
Diniinan niya ang paghihilamos sa mukha para matauhan. Yana is off-limits. You touch her, you will take responsibility for her for life. And she is in love with someone else. She is in love with your friend. At kahit pa di sila magkabalikan ni Dong Uk, wala ka pa ring io-offer sa kanya. She needs a stable relationship. She needs a man who will take care of her. Not you.
Naggiyagis ang ngipin niya. This deal to help her take back Dong Uk was a bad, bad idea. Now, he was celibate and had a bad class of blue balls.
Sumalang siya sa ilalim ng shower kahit mahilo-hilo pa siya. Kailangan niyang mahimasmasan. They won't fit in the equation. Kailangan lang nila ang isa't isa ngayon dahil sa kanya-kanya nilang agenda. Hanggang kailan ba sila magpapanggap para makabalik na sila sa kanya-kanyang buhay? Having her around was not a bad thing. Gusto niya na inaalagaan siya nito at nag-aalala ito sa kanya. Pero ayaw niyang masanay siya sa presensiya nito.
Itinapis niya ang tuwalya sa baywang at lumabas ng banyo. Nagulat pa siya nang makitang nandoon pa rin si Yana at nakaupo sa kama niya, matiyagang naghihintay sa kanya. Dali-dali itong lumapit sa kanya para alalayan siya pero itinaas niya ang isang kamay. "I am feeling better now. Kaya ko 'to."
"Ako na namili ng damit para sa iyo para di ka mahilo sa pamimili. Shorts, cotton na T-shirt at boring na gray underwear."
Tumaas ang kilay niya. "You thought gray underwear is boring?"
"Mas cute 'yung binili ko na pinusuang briefs. Tuyo na kasi nilabhan ko kagabi. Gusto mo kunin ko?"
"Ikaw ang magsusuot sa akin?" naghahamon niyang tanong.
"Gusto mo?" ganting tanong din nito.
"Aniyo!" nanlalaki ang mata niya at umiling. Iwinaksi niya ang kamay bilang pagtataboy dito. "Kaya ko nang magbihis mag-isa. The boring underwear is better for me." Ang lakas ng loob nitong maghamon. Palibhasa mahina pa siya.
"Gusto mo ba na dalhin ko dito sa taas 'yung soup na niluto ko?" tanong nito at di tuminag sa kinatatayuan. "Baka di mo pa kayang bumaba."
"Susunod ako sa iyo sa baba," sabi niya para di na ito mahirapan pa na ipagdala siya ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)
RomanceYana's Steps on How to Take Back Her Korean Boyfriend - Dong Uk: 1.Uminom ng soju para may lakas ng loob. 2.Mag-practice ng speech sa mga paligid - bartender, ibang customer sa bar at pati ang aso. 3.Yakapin at halikan si Gideon Lee - half-Korean ex...