Chapter 39

1.3K 39 2
                                    

Naamoy ni Gideon ang bango ng sabaw nang bumaba siya ng ilang minuto nang pababa siya ng hagdan. Dati kapag nakakaamoy siya na may ibang nagluluto sa kusina ay nagpa-panic na siya. Ayaw niyang may intruder sa bahay niya tulad ng ginagawa ni Sang Hee dati. Pero di siya nakadama ng banta kay Yana. Her presence was actually welcome in his house. Gusto niya ang presensiya nito.

Tatlong baitang na lang si Gideon pababa nang biglang sumulpot si Yana. "Di mo ako tinawag. Sana inalalayan kita pababa."

Pumatalak siya. "You worry too much."

"Nakita ko kung paano ka malasing kagabi saka nakita pa kitang nakangudngod sa sahig kanina. Sino ang di mag-aalala?"

"Normal lang iyon dito sa Korea," sabi niya at nagkibit-balikat. "Kinabukasan buhay ulit kami na parang walang nangyari. Anong niluto mo?"

"Nagluto ako ng yukgaejang!" deklara ng babae. "Effective daw iyon sa hangover saka mukhang masarap."

Inalalayan siya nitong umupo sa dining set. "Alam mong iluto?"

"May recipe naman sa internet saka nagtanong ako kay Ma'am Mi Su kung paano ginagawa at anong timpla ang gusto. Available naman ang ingredients sa ref mo kaya ginawa ko na," paliwanag ni Yana. Maya maya pa ay idinulot na nito sa kanya ang sabaw na nakalagay sa metal bowl. "Kain na."

Gawa sa mapulang sabaw na may chili flakes ang yukgaejang. May sahog na hiniwang karne ng baka, shitake mushroom, onion leaks at bean sprout na effective din sa pag-alis ng hangover. Napahiyaw siya sa anghang at umubo.

Inabutan siya ni Yana ng yoghurt drink at tinapik ang likod niya. "Ano? Okay ba?"

"Akala ko hindi masyadong maanghang dahil ayaw mo ng maanghang."

"Ikaw ang may hangover at hindi ako. Saka kumain na ako kanina ng hindi masyadong maanghang na version," paliwanag nito.

"Gomawo," pasasalamat niya. "Bisita kita. Dapat di ka na nag-abala."

"Bisita ka diyan. Girlfriend mo ako. Responsibilidad ko na alagaan kapag lasing ka lalo na kung ako ang dahilan kung bakit ka nalasing."

Nanlaki ang mata niya. "Alam mo na?"

"Oo. Sinabi ng dalawang bartender mo. Sila ang naghatid sa iyo dito kaninang madaling-araw. Pinainom ka daw ng soju bomb ng birthday celebrant dahil ayaw mong makipag-flirt sa babaeng inirereto sa iyo. Kaya nalasing ka."

Nailing na lang siya at muling humigop ng mapulang sabaw. "Tsismoso sila."

"Nagsabi lang naman sila ng totoo. Mas masama kung siniraan ka nila sa akin," sabi nito at nagbukas ng sarili nitong yoghurt drink.

"Sila rin ba ang nagbihis sa akin?" tanong niya.

"Hindi. Ako."

Halos lumuwa ang mga mata niya sa pagkagulat. "Ikaw ang nagbihis sa akin?"

"Ayaw mong magpahawak sa kanila nang huhubarin nila ang damit mo. Akala mo ibang babae sila at baka pagsamantalahan ka. Kaya ako na lang ang nagbihis sa iyo para maging komportable ka sa pagtulog," kaswal na kwento nito.

"Ikaw talaga ang nagbihis sa akin hanggang boxers na lang ang natira?" His prude fake girlfriend. Talaga bang ito mismo ang nagbihis sa kanya nang kusa?

Di nito sinalubong ang tingin niya. "Walang malisya. Wala naman akong nakita."

"Wala kang nakita? Walang malisya?" tanong ulit niya.

Umingos ito at humalukipkip. "Wala nga. Sasamantalahin ko ba ang lalaking lasing? Where is the fun in that?" biglang nanulas sa dila nito.

"You are right. I can perform better when sober."

Nahigit nito ang hininga at nilingon siya na nanlalaki ang mga mata. She got the message. Then he gave her a sensual smile that could make every woman's panties melt. Mas matapang na si Yana pero napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. Ah! Of course, she saw his tool. At least while covered with his underwear. So innocent and pure. If he was a lesser man, he would love to corrupt her. In his world, he could only give her pleasure. Di niya ito mamahalin pero di rin niya ito sasaktan.

Gustong iumpog ni Gideon ang sarili sa pader. Babo! Tanga! You are no hero or Prince Charming, Gideon. Fake girlfriend mo si Yana. Fake. Kulang na lang alayan mo ng forever. Do you really have to kill yourself for her? Bakit kailangan mo pang pangakuan na di ka titingin sa ibang babae? This is silly.

"O! Ubusin mo 'yang soup mo. Tapos bumili ako ng hangover drink katulad ng binili mo sa akin. Buti na lang tabi-tabi lang ang 7-Eleven dito," sabi nito bilang pag-iiba sa usapan.

"Sorry. Di ko naman gustong malasing. Ayokong maging alagain mo."

"Maliit na bagay." She ruffled his hair like a good boy. "Saka reward mo rin iyan sa pagiging loyal boyfriend mo. Mantakin mo mas pinili mo ang soju bomb kaysa pagtaksilan ako. Hindi mo naman kailangang gawin."

"Nangako ako. Hindi kita sasaktan, Yana," aniya sa malumanay na boses. Mas gugustuhin niyang araw-araw na gumapang sa hangover kaysa makita itong malungkot o umiiyak.

Katangahan nga siguro 'yon pero masaya ako na alam kong napapangiti ko siya. It was an outrageous promise really. Pero worth it ang lahat ng hangover sa mundo kapag nakikita niya itong nakangiti tulad ngayon.

Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. "Gomawo, oppa," pasasalamat nito.

Gideon steeled himself. Sweet sensation washed his body. It was just a simple kiss. Parang teenager siya na unang beses hinalikan ng crush niya. It was better than having his orgasm with random women. Ano bang nangyayari sa kanya? Ano bang ginagawa ni Yana sa kanya?

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon