Chapter 39

1.3K 40 4
                                    

Obvious naman na lasing si Gideon. Lungayngay ang ulo nito at umuungol ng pabulong. Inilahad niya ang palad papunta sa direksyon ng kuwarto ng lalaki pero mukhang alam na ng mga tauhan ang gagawin.

"He owns a bar. How come he is drunk?" tanong niya nang ihiga ng mga ito ang lalaki sa kama. Pag may-ari ng bar, ang alam ni Yana dapat ay mas mataaas ang tolerance nito sa alkohol.

"He drank the soju bomb. Definitely a killer and even the toughest guy has no chance," sabi ng mahaba ang buhok na lalaki at ahit ang kilay. "The birthday celebrant was trying to set him up with another girl. He refused. In exchange he must drink several shots of soju bomb with them. He said his girlfrend is waiting for him at home. To think that he hates soju bomb."

Ngumiwi si Yana nang makita kung paanong tinamaan ng espiritu ng alak ang lalaki. Nagsakripisyo ito para lang sa kanya? Pambihira! Pwede naman siyang makipag-date sa ibang babae kung gusto niya. Maiintindihan ko. Bakit mas gusto pa niyang maglasing? Joke ko lang naman 'yung magiging impotent siya.

Nakonsensiya si Yana. Di naman ito malalasing kundi dahil sa kanya. Kumuha siya ng towel sa closet nito. Pinuno niya ng tubig na maligamgam ang maliit na palanggana sa banyo para mabanyusan si Gideon. Hinayaan na niya ang dalawang lalaki na alisin ang damit nito.

Pero paglabas niya ng banyo ay naabutan niyang nagwawala ang binata. Nagsisisipa ito at hinahawi ang dalawang tauhan. "Majima! Majima!" May pa iba pa itong sinabi pero di niya maintindihan.

"What's wrong?"' tanong ng dalaga sa dalawang lalaki.

"He doesn't want him to touch us. He asked us not to take off his clothes. He said he has a girlfriend and he wants to be faithful to her. To you," paliwanag ng blonde.

Buti pa si Gideon kahit na di siya totoong girlfriend, handang malasing para sa kanya para lang patunayang faithful ito. Kahit na lasing ito, siya pa rin ang inaalala nito. "Don't worry. I will take care of him. Why don't you go home and take a rest?" tanong niya sa dalawa.

Ibinigay ni Blondie ang susi sa kanya. "Here's his car keys. We'll find our way out. Don't worry. The the door and the gate automatically loc down once we close it."

"Just take care of the boss. We had never seen him this serious about a girl before, drunk or otherwise," sabi naman ng long hair at sumaludo pa sa kanya.

Bahagya siyang yumukod at nagpasalamat. "Kamsahamnida."

Natanggal ang sapatos at medyas ni Gideon pero suot pa rin nito ang maroon silk polo shirt nito na nakadikit sa katawan nito. T-shirt ang suot nito kanina. Sa bar na marahil ito nagpalit ng damit para sa pagdalo sa birthday celebration.

Bumuntong-hininga si Yana. Kailangan niyang hubarin ang damit ng lalaki para mapunasan ito. Kaya ko ito. Walang malisya.

Akmang kakalasin niya ang butones ng polo nito pero hinawi agad ni Gideon ang kamay niya. Hinalihaw din nito ang kamay para sigurado na di niya ito mahahawakan o makakalapit dito. "Majima! Don't touch me. I want my girlfriend! I want Yana. Si Yana lang ang makakahawak sa akin. Hindi ako katulad ni Dong Uk. Hindi ko siya sasaktan. Nangako ako sa kanya."

Sinapo niya ang mga kamay nito. "Gideon! Si Yana 'to."

Tumigil sa paglaban si Gideon. Dumilat ito at pilit na nag-focus sa kanya ang mga mata. "Yana?"

"Yes. Ako 'to."

Naniningkit ang mata siya nitong pinagmasdan. "Hindi ka nagpapanggap na girlfriend ko?"

"Errr..." Paano ba niya iyon sasagutin? Nagpapanggap naman talaga siya na girlfriend nito. "Basta ako si Yana. Bibihisan lang kita at pupunasan para maging komportable ka ha? Okay lang ba?" malumanay niyang tanong.

"Okay," sabi nito . Animo'y binigyan niya ito ng permiso na gawi ang kahit anong gusto niya. Nanginginig ang kamay niya habang kinakalas ang butones ng polo nito at unti-unting nahantad sa kanya ang katawan nito.

His muscles were lean and defined. Pero di nakakatakot tingnan. Sapat lang para ipakita na may disiplina ito sa katawan.

She remembered that time in the rooftop when he let her caress his body. He made her feel all-woman. Akala niya noon, siya ang babae na di basta-basta nadadala ng magandang katawan o guwapong mukha. Pero may ginising ito na apoy sa pagkababae niya.

How her lips touched his tough chest, and how she wanted to go lower. He made her want to explore the woman in her. I want him.

Iba sa pagmamahal na nararamdaman niya kay Dong Uk. 

What she felt for Gideon was basic. It was physical. May nararamdaman siyang pagkagutom na mas malaki pa kaysa sa pagmamahal na nararamdaman niya kay Dong Uk. At parang di siya matatahimik hangga't di niya napagbibigyan ang pagkagutom na iyon.

Matapos tanggalin ang polo nito, dumako ang kamay niya sa ibabaw ng sinturon ng pantalon nito. "Gideon, tatanggalin ko ang pantalon mo, ha?"

"Okay," sabi naman ng lalaki habang nananatiling nakapikit. Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya nang kalasin ang sinturon. Parang sasabog ang tainga niya nang dahan-dahan niyang ibaba ang zipper ng pantalon.

Na-trap sa lalamunan niya ang hangin nang makita ang imprint ng family jewels nito sa itim na brief na suot nito. He was well-endowned down there. Kasya kaya sa kanya ang pinusuang brief na binili ko?

Kinastigo niya ang sarili. Yana, huwag mong pagnasaan ang isang lasing. You are not an animal. Hindi rin ito lesson mo na may permiso ka na gawin ang gusto mo sa kanya. Di mo siya dapat samantalahin kahit sa isip mo. Alagaan mo siya.

"Yana?" ungol ni Gideon.

"Yes!" aniya at biglang tinakpan ng kumot ang baywang nito pababa. Shit! Baka naramdaman ito na nakatitig siya sa kayamanan nito.

Pero nakapikit ang lalaki at mukhang walang kamalay-malay sa tumatakbo sa isip niya. Muntik na siyang atakihin sa puso doon. Obvious ba na guilty siya?

"Huwag mo akong iwan," pakiusap ng lalaki.

"Hindi kita iiwan." Inilapit niya ang palanggana na may tubig at dinampot ang basang tuwalyita. "Pupunasan kita para maginhawahan ka na?"

Umungol lang ang lalaki pero nananatiling nakapikit. Magaan lang ang pagkakadampi niya ng tuwalyita dahil ayaw niyang masaktan ito o mairita. May mga lasing na sensitive.

Pinilit niyang kontrolin ang pagnanasa dito at pinunasan ito. Inisip na lang niya na batang paslit ito na may sakit. Walang malisya.

"Hindi ko hinayaan ang kahit sino na hawakan ako o hubarin ang damit ko. Gusto ko ikaw lang," parang pakanta pa ang tono nitong sabi.

"Okay," sabi niya sa malamig na tono habang pinupunasan ng tuwalyita ang dibdib nito pababa sa abs.

"Hindi ako interesado sa ibang babae. Gusto ko ikaw lang. Faithful ako, di ba?"

"Oo naman," kaswal niyang sabi at di nilingon ang lalaki.

"Huwag kang magagalit sa akin kahit lasing ako, ha? Ayoko kasing magalit ka sa akin. Good boy talaga ako," sabi nito habang nakalabi.

Hinaplos niya ang buhok at pisngi ni Gideon. Isang sex god ang tingin niya dito. Nakakapaso. Too hot to handle. Tapos ngayon ay good boy ito?

"Gideon, magpahinga ka na. Di ako magagalit sa iyo," sabi niya sa magaang boses. "Thank you dahil hindi mo pinatulan ang ibang babae para sa akin. Thank you kasi hindi mo ako gustong masaktan." Nakangiti ito habang nakapikit. Di na ito kumibo o gumalaw man lang. Nakatulog na ito marahil. Inayos niya ang kumot nito at kinintalan ng halik sa noo. "Goodnight, Gideon. Sweet dreams."

Palabas na siya ng kuwarto nito nang marinig niya ito na magsalita. "Jeongmal saranghaeyo, Yana-ssi."

Natigilan si Yana. I really love you, Yana.

Sabi nila, may mga tao na nagsasabi daw ng totoo kapag lasing. Ibig sabihin mahal ako ni Gideon? Paano nangyari iyon?

Hindi siya makahinga at pinakiramdaman ang lalaki. Pero di na ito kumibo o tuminag man lang. Kalokohan. Paano naman siya nito mamahalin samantalang takot nga itong ma-in love? "Lasing ka nga talaga, Gideon."

Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon