WHEN the truth gets distorted, it can separate people. That's why it separated the two of us. Gaya ng dati, umalis na naman siya sa tabi ko. At gaya din ng dati, naalarma na naman ako. Natatakot ako tuwing umaalis siya. Dahil para siyang ibon na hindi marunong lumingon. Ginawa ko na ang lahat para mapanatili siyang ligtas sa isang kastilyo, sa isang napakalaki at napakagandang kastilyo na hindi niya gugustuhing iwanan. But I've completely forgotten the fact that a bird will always be a bird, and a cage will always be a cage. Kahit na gaano pala kalawak ang kastilyong liliparan ng ibon, isang hawla pa rin iyong maituturing para sa kanya. Iba pa rin ang pakiramdam na malaya siyang nakakalipad sa iba't ibang lugar. And so the bird suffered inside the beautiful castle. It became lonely until I had no other choice but to open the gates of the castle to set it free, knowing full well that it will come back on its own... if it wants.
And maybe that's the right way to love a bird, that's the right way to love someone like Cinaris. Hindi mo pala pwedeng angkinin ang ibon. Ang magagawa mo lang ay humiling na bumalik ito-na parati itong bumalik tuwing umaalis. Pero hindi na siya bumalik...
"Ano'ng ibig sabihin nito?" Pigil ang emosyon na naitanong ni Callum matapos niyang mabasa ang liham. Humarap siya kay Merek, ang sergeant major ng hukbong sandatahan ng Hedia, ang siyudad ng kahariang Icrabet. Pagkaraan ng ilang dekada ay ngayon na lang siya uli nagkaroon ng balita tungkol sa kanyang nawawalang anak. But it was not the kind of news that he wanted to hear. Nakasisiguro siya na si Yna o mas kilala ng lahat sa tunay nitong pangalan na Cinaris ang inilalarawan sa mga naunang liham na nabasa. Tumugma din ang description ng lalaking kaharap sa anyo ng hinahanap niya.
"What happened next?" Tanong niya sa wikang Icra. Bago pa man nagpunta si Callum sa Icrabet ay pinag-aralan niya na ang iba't ibang lengguwahe ng iba't iba ding kaharian. May mga librong ibinebenta tungkol doon sa naunang kaharian na napuntahan niya. At dahil sa likas na kakayahan ay naging mas madali para sa kanya ang maka-adapt kaagad. Ang nagsulat ng katatapos niya lang basahing liham ay pinaghalong wikang Vitera at Ingles ang ginamit na nangangahulugang multilingual din ang lalaking iyon. Ganoon din ang kausap niya na pinaghalong Icra at Ingles ang gamit sa pagsasalita.
"The prince had set the bird free. But another cage seemed to catch her. Perhaps the bird struggled to be freed... until it bled. Dahil ganoon ang anak n'yo, Mister Carter. Lalaban siya sa abot ng makakaya niya para makalaya sukdulang ikapahamak niya dahil parang napakarami niya parating gustong gawin sa buhay. She was indeed, a bird. And she was such a mysterious woman. Kahit pa nakasama namin siya nang matagal na panahon ay hindi pa rin namin maarok ang nilalaman ng isip niya. There was no way of telling what was going on her mind."
Kumuyom ang mga kamay ni Callum. Nakasisiguro siyang buhay ang kanyang anak. He could sense it. "Sino? Sino ang nakahuli sa kanya? Ano nang nangyari kay Cinaris? Nasaan na siya ngayon?"
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin niya ang pamamasa ng mga mata ni Merek bago ito mabilis na naglihis ng tingin. "We have the same questions, too, Mister Carter. But those questions had been left unanswered for a year now. Cinaris was never the type to leave her soldiers behind. Kaya para mawala siya nang ganito katagal, siguradong may nakahuli sa kanya."
"How about the one who wrote this?" Itinaas ni Callum ang hawak na papel. May royal seal na nakalagay sa papel na may initials na nangangahulugang isang lalaking may mataas na katungkulan sa isang kaharian ang nagsulat niyon. Napag-aralan niya na ang simbolo at kulay ng bawat kaharian sa nagdaang mga taon. At ang pulang seal na iyon sa papel ay mula mismo sa palasyo ng Viteron. "Sino ang NC na ito? Baka sakaling alam niya kung saan matatagpuan si Cinaris o kung sino ang nakahuli sa anak ko."
"Iisang tao lang sa lahat ng royal families sa cluster ng mga supernaturals ang may ganyang initials. Ginawa iyon para madaling matukoy ang bawat miyembro ng mga opisyal sa gobyerno. Ang nag-iisang NC ay ang mismong amiir ng Icrabet, si Nickolai Connell. Datirati ay nagpapadala siya ng sulat tuwing may gusto siyang ipagawa sa amin. Kaya kabisado na namin ang penmanship niya. Ganyan din iyon. Ang mga sulat na iyan ay natagpuan sa drawer ng kuwarto niya sa kastilyo. That paper was from Viteron. The amiir must have written that when he was still staying in that realm."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...