Chapter Eleven

566 20 0
                                    


She is not someone any man can keep, unless she wants to be kept. –NC

FOR THE first time in Cinaris' life, she felt extremely helpless while riding a horse. Dahil hindi niya magamit ang kanyang mahika ay wala siyang ibang makita. The fog was clouding the surroundings. Kaya hindi niya matukoy kung saan ang eksaktong kinaroroonan. Pati na ang ibang abilidad niya ay kasamang naselyuhan ng ginawang spell ni Aden.

Wala na sanang plano si Cinaris na umalis sa kanyang kwarto kung hindi lang siya nakatanggap ng royal command mula kay Nickolai. Ang utos nito ay ipinarating kay Oris. At dahil sa mataas na katungkulan ay wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod pa rin. Sa kalagitnaan ng gabi ay pinapunta siya ng binata sa isang partikular na lugar na sakop pa rin ng teritoryo ni Aden. Mahigit sampung minuto daw na biyahe ang layo niyon mula sa kastilyo.

Sa loob ng ilang araw ay pinilit ni Cinaris na hindi gaanong indahin ang mga pagbabago sa kanyang katawan. Mas madali na siyang magutom, mauhaw at mapagod ngayon hindi gaya noon na nagagawa niya pa iyong kontrolin. Pero gaya ng sinabi ni Aden ay nagawa ding makabawi ng kanyang katawan. Sinanay siya ni Saemis noon na gamitin ang pisikal na lakas sa pakikipaglaban para hindi madaling mahalata ng mga mortal ang pagiging kakaiba niya. Maraming tricks na itinuro sa kanya si Saemis na hindi mangangailangan ng mahika. With or without magic, she was confident that she could still fight and win against most of the supernaturals. Her physical strength alone was said to be ten times stronger than any mortal.

Kaya ang nararamdaman ngayon ay bago kay Cinaris. Kahit pa marahan lang ang takbo ng ipinahiram sa kanyang kabayo ni Oris ay hindi siya mapalagay, knowing that right at that moment, she could only trust the horse. And not her senses. Pero mayamaya ay unti-unti na siyang napalagay nang magsimula nang makatanaw ng ilaw. The fog disappeared. Ang bawat poste na nadaraanan nila ay sunod-sunod na umiilaw. She had never been in that area. And it was... beautiful.

Ang mga poste ay ginapangan na ng pulang mga bulaklak na maihahalintulad sa mga rosas pero mas malalaki at mababango. Kaya sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ang poste kundi ang mga bulaklak. Lalo na at halos ang ilaw na lang ng poste ang makikita doon. Nang bahagyang bumilis ang takbo ng kabayo ay wala nang natanaw pang poste si Cinaris. Pero namangha siya sa sumunod na nakita.

The road was suddenly covered by cherry trees. At dahil sa salamangka na nakapaloob sa buong lugar ay para bang kumikinang ang mga puno. Nang mabining umihip ang hangin ay naglaglagan ang mga dahon niyon. Nang huminto na ang kabayo ay agad na siyang bumaba. Eksaktong pagbagsak ng mga paa niya sa lupa ay sunod-sunod na nagliwanag ang buong kalangitan dahil sa fireworks. At mula sa mga iyon ay may nabuong mga salita: SHOW ME A SMILE.

Bago pa man mamalayan ni Cinaris ay unti-unti nang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Everything seemed surreal. Ibinukas niya ang mga kamay at sinalo ang mga dahon.

"So you do know how to smile."

Sa kabila ng pagsulpot ng pamilyar na boses ay nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Lumingon siya sa direksiyon ni Nickolai. Bakas ang pagod sa anyo nito pero agad pa rin itong ngumiti nang makita siya. Mukhang doon na dumeretso ang binata pagkagaling sa festival. Bumaba ito mula sa kabayo. Nakasampay na doon ang suit nito. Asul na long-sleeved polo ang suot nito na nakatupi na ngayon hanggang sa mga siko at ang unang dalawang butones ay nakabukas. Tinernuhan nito iyon ng maong na pantalon at leather shoes.

"Hello there." He said softly.

Sa halip na sumagot ay pumalatak si Cinaris. "I really don't understand you. Sigurado ako na maraming magagandang babae sa festival. Naroon ang lahat ng mga prinsesa at ang anak ng iba pang mayayamang pamilya sa lahat ng mga kaharian. I'm sure they also serve the best food and provide the guests with the best entertainment there. Pero parati ka na lang maagang umuuwi."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon