"I think cruel should be the right term. And not clueless. He was in pain because he fell in love with an extremely cruel girl. Hindi gaya ng iniisip niya, napapansin ko lahat. I know that he is happy when I'm happy. Nasasaktan rin siya kapag nasasaktan ako. And his eyes shine when I smile. Hindi siya kailanman magiging isang daanan lang. He was not just a place. He was home to me. I just couldn't come back home yet. I wanted to. It just wasn't possible at the moment. I'm trying all that I can. But the journey towards home seems to be taking longer and longer each day." –Yna
"NOT now, please," Napu-frustrate na bulong ni Cinaris nang magsimulang makaramdam ng pagkahilo. Iyon ang unang senyales na aatake na naman ang kanyang sakit. Agad na humawak siya sa pader matapos tumayo. May salamangkang nakapaloob doon kaya matatagalan bago niya iyon mabuwag. But she had to try. Because she had to see Nickolai before it was too late. Nahihirapan itong tanggapin ang mga nangyari. What he witnessed was too much for him to bear and it was poisoning his mind. Gaya iyon ng nangyari sa Boqor. The latter also witnessed a very tragic incident in the past. At nakaapekto iyon sa buong buhay nito. Nalaman niya iyon noong ginamit niya ang katawan ng rangda.
Kaya kung hindi niya iyon ginawa sa Boqor ay mas marami pa itong masasaktan nang hindi sinasadya dahil sa takot na nararamdaman nito na sumisira hindi lang ng buhay nito kundi ng mga taong nakapaligid dito. Gaya ng naging desisyon nito sa mga Connell pati na sa adoptive parents niya. Nahatulan ang mga inosenteng angkan na iyon dahil sa approval ng Boqor. And Nickolai suffered so much. He could end up worse than Mortiz. Itinapat ni Cinaris ang mga kamay sa pader habang patuloy na naririnig ang pagsigaw ng binata sa mga kawal na bantay. "Nick!" Nahihirapang sigaw niya nang magsimulang magdoble ang kanyang paningin. "Can you please help me destroy this wall?"
Wala siyang narinig na sagot. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay nakita niya na ang unti-unting pag-crack ng pader. May asul na usok na tumatagos mula sa kabila na humahalo sa puting liwanag na nagmumula sa kanya. Mayamaya ay tuluyan nang bumigay ang pader kasabay ng panlalambot din ng kanyang mga tuhod. Nang makita siya ng binata ay agad itong lumapit sa kanya at gaya ng dati ay sinalo siya bago pa man siya bumagsak.
"Ikaw si Yna, hindi ba? Naikuwento ka sa akin ni Nickolai nang minsang sumulat siya. Nangyari iyon noong mga panahong hindi pa hinaharang ang mga sulat namin sa isa't isa. Please do me a favor, Yna. Be with my son. He badly needs someone to stay with him especially right now. At ikaw na lang ang maaasahan kong makagagawa niyon. Please promise me to never leave my son's side in these tough moments until such time that he could make it on his own. Nakikiusap ako sa 'yo, Yna, hindi lang bilang ina ni Nickolai kundi bilang matriarka ng mga Connell at bilang isa sa mga tagapangalaga ng mga mamamayan ng hilagang Icrabet. My son needs to come back to our city. The citizens need him there." Ang mga sinabing iyon ng ina ni Nickolai ang agad na pumasok sa isip ni Cinaris habang pinagmamasdan ang anyo ng binata.
"I promise." Namamasa ang mga matang sagot niya sa ginang gamit din ang kanyang isipan. Ngumiti ito sa kanya. It was as if she was just waiting for Cinaris' answer. Dahil matapos niyang mangako ay sumenyas na ang ginang sa mga kawal na handa na ito para sa parusa...
Inabot niya ang kamay ni Nickolai at dinala sa kanyang mga labi. His eyes were as confused and as troubled like that of a little boy. Pakiramdam niya ay nakikita niya muli pati ang kanyang batang sarili. "Nick, maniwala ka. Naiintindihan kita. Gusto ko rin sanang makilala pa ang pamilya mo. I know and I believe that they will treat me nicely. Kasi alam kong nagmana ka sa kanila. And I want to taste your mother's soup and other delicacies as well. I've never had someone cooked for me before. Dahil gaya ko, hindi rin marunong magluto ang umampon sa akin. It would have been so nice to eat together with all of your family, and to be welcomed by them." Pumiyok ang kanyang boses. "Pero Nick, wala na sila. And don't you ever feel guilty for being alive. Hindi mo iyon kasalanan." Pumatak ang mga luha ni Cinaris. "You don't have to be afraid of starting over. Nandito pa ako. Hindi kita iiwan. Sasabayan kita sa pagsisimula uli. I will stand by you, Nick." She gently squeezed his hand. "Itong kamay na ito, umasa kang hindi ko ito bibitawan kagaya ng hindi mo pagbitaw sa akin noon. As long as you will hold me, too, I won't let go. I am fighting for you, Nick. But I can't do this alone. You have to fight for yourself, too. Please come to your senses. 'Wag mo naman akong iwan sa ganitong paraan. Kasi mas masakit iyon. Huwag kang magpahila sa nakaraan. Harapin natin ang kasalukuyan. Sasamahan kita."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...