Chapter 33.5

293 18 0
                                    


NAGISING si Cinaris sa narinig na tunog pero hindi na nagmumula sa mga sigawan, pagsabog o pagyanig, kundi sa flute. It was the same sound that used to soothe her broken heart. Pero hindi nakalma ang puso niya nang mga oras na iyon. What she could only feel was sadness. Ilang beses niya pang tinapik ang kanyang mga tainga. Nang hindi pa rin nawala ang tunog ay saka niya nakumbinse sa wakas ang kanyang sarili na nagbalik na si Nickolai. Ang binata lang ang kilala niyang ganoon kung tumugtog na tumatagos hanggang sa kanyang puso.

Agad na bumangon si Cinaris. Magaan ang pakiramdam ng kanyang katawan. Maliban sa pasa sa kanyang braso na hatid ng mahiwagang lalaki sa kabaong na napanaginipan niya noon ay wala nang iba pang masakit sa kanya. The potion from the stranger last night was effective. Nang maalala ito at ang mga sinabi nito ay natutop niya ang dibdib na kay lakas ng naging pagkabog nang mga oras na iyon.

The man's voice... she was sure that it was Aden's. Ito ba at ang mga tauhan nito ang nagsilbing back-up nila sa nakalipas na mga araw?

Nahinto si Cinaris sa pag-iisip nang makarating sa balcony ng kanyang kwarto at makita ang libo-libong mga tauhan ni Nickolai sa labas. Nabanggit na noon sa kanya nina Dinfar na napakarami ng mga sundalo ng binata pero ang makita ang mga iyon ngayon ay iba pa rin ang epekto sa kanya. Patay na ang lahat ng mga kaaway at wala na ring gulo. Malinaw na tinapos na ng mga ito ang laban. Pero pakiramdam niya ay may komplikasyon na nakaamba na namang magsimula hindi na sa labas kundi sa loob mismo ng kastilyo. Nang makita siya ng mga mamamayan at nina Merek ay saka lang tumigil ang mga ito sa kanya-kanyang mga ginagawa at sabay-sabay na yumukod sa kanya at hindi sa madax ng mga ito.

Huminto sa pagtugtog sa hardin si Nickolai nang mapansin ang ginawa ng mga naroon. Lumingon ito sa direksiyon niya at nang makita siya ay nagmamadaling tinalon ang kinaroroonan niya. Dahil sa mga matang nakatingin sa kanila ay yumukod pa rin siya sa binata bilang tanda ng paggalang, saka lang nagsunuran sa pagyukod rin ang mga mamamayan sa ibaba.

Matapos iyon ay dere-deretso nang pumasok sa kanyang kwarto si Cinaris.

"I'm so sorry-"

"Sabihin mo sa akin, Nickolai." Nagtitimping sinabi niya. "Kaninong demonyo mo isinanla ang kaluluwa mo para lang makapaghiganti? Para magkaroon ng ganoon karaming mga sundalo?"

"I did that for you, Cinaris." Nagpapaunawang sagot ng binata. "I wanted to be powerful so I could protect you better. Dahil ayokong may mawala na naman sa buhay ko. Lalo na ikaw."

"At gusto mong paniwalaan ko 'yan? Nick, ang linaw ng mga plano natin. Pero ako lang pala ang natuwa sa planong iyon. Because all along, you have other plans. And you made all of that behind my back!"

"Because I know you wouldn't allow it."

"Of course, I wouldn't! Nick, iniwan mo sa ere ang sarili mong mga kababayan!"

"Dahil mga duwag sila. At ang mga tulad nilang ayaw sumama sa ipinaglalaban ko ay mga walang silbi!"

Napasinghap si Cinaris. "Kaya hahayaan mo na lang silang mamatay, gano'n ba? Alam mong lulusubin sila dito ng mga kaaway pero iniwan mo pa rin sila. Nick, you have no right to judge their choices in life! Kung ayaw man nilang lumaban, it's because they knew it's futile to fight against the government! They're powerless! Hindi nila kasalanan kung gustuhin man nilang manahimik na lang kaysa ang lalo pang mabawasan ang miyembro ng kanilang pamilya dahil d'yan sa ipinaglalaban mo! You also have no right to force them to fight!" Hindi na naiwasan ni Cinaris ang pagtaas ng boses.

Ngayon lang sila nagkasagutan nang ganoon ni Nickolai. But she had to say those words, as harsh as they may be. Because they were family. And because she loved him. "Besides, don't you realize it yet, Nickolai? Revenge is endless! They hurt you. You will hurt them back. Pero gaganti sila. Pagkatapos ay gaganti ka rin uli. Paulit-ulit iyong mangyayari hangga't hindi n'yo nauubos ang mahahalagang tao sa buhay ng bawat isa, hangga't hindi kayo namamatay! Wake up, will you? Do you think this is what your parents what you to do? Nakaganti ka na. Nakaganti na tayo. Sapat na iyon."

"Malayo pa 'yon sa pagiging sapat."

"Puwes, 'wag mong gantihan pati ang mga tao rito sa Hedia! 'Wag mo silang basta na lang iwan. Dahil noong panahong nakakulong ka, they had the chance to leave this city. But they didn't! Instead, they patiently waited for your return. They knew the stakes. They weren't stupid. Alam nilang manganganib ang buhay nila dito. Still, they chose to stay here. And you didn't even need to ask them to do so. That's love and loyalty, Nick, the things that you seemed to be forgetting."

Nang maalala ang ilan sa mga batang namatay at ang mga batang nawalan ng magulang ay lalo pang sumama ang loob ni Cinaris. Nickolai knew how much she hated seeing innocent people die. It reminded her of the hopelessness that she felt back in Igakegari. Pero ipinaranas nito sa kanya uli ang bagay na iyon. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapaniwalaan ang ginawa ng binata sa mga taong pinakamamahal ng mga magulang nito. "We were one, Nickolai. Or so I thought we were. Like me, you hate being abandoned, too. But you abandoned your own people. You hurt people because you're hurting. How is that fair?"

"Cinaris-"

"Tell me, this revenge, was it worth it, huh?" Mahina na ring naitanong niya. "Was it worth losing yourself?"

Sa halip na sumagot ay yumuko ang binata. Ngumiti si Cinaris kasabay ng pamamasa ng kanyang mga mata. Hindi man magsalita ay alam niya na ang sagot nito. The fact that he took this long to come back was already an answer.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon