"YOUR real name is Cinaris Carter. You were born like your mother. You're a celestial being, also known as Dharma Alas and was often seen as bodies or emanations of light or energy called the 'shining ones.' Pero mas kilala kayo ng mga mandirigma bilang devi na sa kahariang Umaria nagmula. Sa lahat ng supernatural na kaharian ay kayo ang may taglay na pinakamalalakas na kapangyarihan. At mga babae lang ang may kakayahang maging devi. Pero nang minsang bumaba sa lupa ang mga devi noon, nag-ugat ang mga problema. Lalo na nang ma-inlove ang dalawang matalik na magkaibigan noon na sina Azalea at ang iyong ninuno na si Keturah sa isang lalaki na nagngangalang Avilius. It happened more than two thousand years ago.
"Avilius is my twin brother. He was abducted by another devi when he was born. Kaya napunta siya sa nakaraan kung saan niya nakilala sina Azalea at Keturah. Something happened and Avilius died. The devis used a very dangerous spell to bring him back. But he had become an evil when he came back. Taglay niya ang kapangyarihan ng mga devi na naisalin sa kanya dahil sa itim na salamangkang ginamit para buhayin siya kaya walang makakatalo sa kanya. Tinawag siyang strigoi. Siya ang pinagtulungan naming labanan noon. Napakarami sa mga kasamahan namin ang nalagas. But we couldn't kill the strigoi. Creatures like them cannot be killed. We could only create a spell to put him on slumber. Pero bago namin napagtagumpayang gawin iyon ay nagkalat siya ng panibagong lagim. Ang iba't ibang mga supernaturals ngayon ay mula sa sarili niyang dugo. Ang lahat ng mga mortal na napatakan ng dugo niya ay nagkaroon ng kanya-kanyang mga kapangyarihan na dumami na nang dumami sa paglipas ng panahon kaya nahati ang mundo sa iba't ibang clusters o kaharian. He created them to make sure that we will still suffer even after he's gone. And his life was linked with mine, para makasigurong walang iba na makagigising sa kanya. Habang buhay ako ay mananatili siyang tulog. The problem is, I'm not an immortal. Kaya kailangan ko ng kadugo ko na may koneksiyon sa amin pareho ni Elisha na siyang magpapatuloy ng nasimulan ko. Bukod sa akin ay ikaw na lang ang nag-iisang tagapagbantay. We have to link your life with the strigoi's as well, to make sure that he will sleep forever. That was also the reason why I can't let you die, Yna. Maraming buhay ang nakasalalay sa 'yo."
Napahugot ng malalim na hininga si Cinaris sa naalala habang binabaybay ang daan papunta sa hardin ng Aiwidel. Noong nagdaang araw ay sinundo siya ng mga rangda sa guest house na tinutuluyan ng kanyang ama malapit sa Slavia at sinamahan sila papunta sa Aiwidel kung saan nila nakita ang iba pang mga kalahi ng ina at ni Saemis na napag-alaman niyang isa palang dia o diyos mula sa kahariang Axairos na halos katulad ng kaharian ng kanyang ina. Nalaman niya rin na pinakiusapan si Saemis noon ng kanyang ina na itakas siya at dalhin sa hinaharap para ilayo sa strigoi. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya nakasama ang kanyang totoong pamilya.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa nila kung ano ang totoong nangyari kay Saemis. Bigla na lang daw itong nakalaya mula sa espada noon pero agad rin daw itong naglaho. Abala rin ang kanyang ama at ang mga elders para makahanap ng antidote sa sakit niya para mas magampanan niya nang maayos at walang hadlang ang kanyang mga tungkulin bilang mandirigmang tagapagbantay.
Aiwidel, Cinaris later found out, was built for the gods and goddesses who had been banned to enter their realms. Hindi pa raw maintindihan ng mga ito sa ngayon kung ano ang nangyayari. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang magkita sila ng kanyang ama at hanggang ngayon ay ipinoproseso niya pa rin sa kanyang isip ang totoong pagkatao at ang mga natuklasan tungkol sa mga kasamahang mandirigma na gaya niya ay iba't ibang lahi din ang pinagmulan. Tama rin ang sinabi noon ni Aden. Cinaris had a vampire-wolf hybrid blood, na namana niya mula sa mga magulang ng kanyang ama.
Ilang sandali pa ay natanaw na niya si Nickolai na mag-isang nakaupo sa hardin. Sinagip ito ng mga rangda at sa Aiwidel dinala sa utos ni Ceron na kalahi ni Saemis. Ang mga hybrids na hukbong-sandatahan ng binata ay ikinulong na muna ng mga ito sa basement kabilang na si Oris. Kay Nickolai lang nakikinig ang mga ito. At sa oras na makasiguro silang maayos na ang kalagayan ng binata, saka nila ito muling ihaharap sa mga tauhan nito. May mga tauhan din daw si Aden na nagawang iligtas ng mga rangda at naibalik na sa Tienne Aires.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...