"She frustrates me most of the time. She knows she needs love, but she wouldn't know love even if it comes knocking on her door. She wouldn't recognize it even if it looks at her straight in the eye. She's too innocent to know that what she's been longing for is just right in front of her." -NC
"HINDI ko siya iniligtas para lang maging tagasilbi mo rito." Nagpapakahinahon na bungad ni Nickolai kay Aden pagpasok niya sa opisina nito. Tatlong araw siyang naglibot sa iba't ibang bahagi ng Viteron para hanapin ang estrangherang lumaban noon sa mga Impundulu pero nabigo siya. Iyon pala ay nasa East Castle lang ang dalaga. Gabi-gabi silang nagkikita ng kaibigan sa festival pero wala man lang itong binanggit sa kanya tungkol doon.
Sinadya ni Nickolai na iwan noon ang mismong kabayo niya para magamit ng estranghera sa magiging paglalakbay nito. That magical horse was his father's gift to him when he was a little boy. And it had been with him for more than twenty years. Kaya pinakaiingat-ingatan niya iyon. Pero nakipagsapalaran siya sa buhay ng kabayo nang iwan niya sa construction site. Dahil sa pamamagitan niyon niya lang magagawang ma-trace kung saan pupunta ang estranghera. As long as she was riding the horse or she was near it, Nickolai would be assured that she would be safe. Wala siyang idea kung marunong mangabayo ang dalaga. He just trusted his instinct. She looked capable after all.
Kaya ganoon na lang ang naging pag-aalala niya nang pati ang kanyang kabayo ay nawala. Hindi niya iyon na-trace kaya inakala niyang may nangyari nang masama sa kabayo lalong-lalo na sa estranghera. Iyon pala ay nasa East Castle ang mga ito. Hindi uubra ang kakayahan ng kabayo ni Nickolai sa ganoong lugar. Because East Castle contained magic itself. And it was concealing his horse's location. Ang teritoryo ng madax amiir ang nagtataglay ng pinakamalalakas na mahika sa bawat kaharian.
Nang bisitahin ni Nickolai si Aden sa opisina nito nang umagang iyon ay saka niya lang nakitang naroon ang babae at nagbabantay sa labas, suot ang uniform ng mga sundalo ng silangan. "I know that you also took a part in saving her. But come on, man. This is madness. You didn't even tell me that you brought her here."
Nagkibit-balikat si Aden habang nananatiling nakatuon ang mga mata sa binabasang mga dokumento. "She only became a part of the royal army today, Nickolai. Hindi ko alam na kailangan ko palang i-report sa 'yo ang tungkol sa kanya. I didn't think she matters that much for me to talk about her anyway. Besides, hindi ko siya dinala dito. Sisihin mo ang mga sundalo. They passed by her nights ago and brought her here."
"I will buy her freedom." Sa halip ay sinabi ni Nickolai. Ang lahat ng mga tagasilbi sa bawat kaharian ay maaring bilhin ang kalayaan ng mga ito depende sa mapagkakasunduang presyo. "Sabihin mo lang kung magkano."
"She already signed a contract with me, though. Pero sige, kung sasabihin niyang sasama siya sa 'yo, hahayaan ko siya. When that happens, you don't have to pay."
Nangislap ang mga mata ni Nickolai. "Really? Then mark my words, buddy. I'm going to steal that woman from you."
Sa wakas ay ibinaba na ni Aden ang binabasang dokumento at humarap sa kanya. "It might be hard."
"Let me give it a try. Kailan ba naman ako sumuko sa mga bagay na gusto ko?" Ngumiti si Nickolai. "Extended ang festival. And I told you I will be staying here until the celebration ends. Marami pa akong oras para makumbinsi siyang sumama sa akin sa Icrabet. Hinding-hindi ko siya gagawing tagasilbi doon. She will be my city guest there-and more if she wants."
Napasulyap si Aden sa pinto na para bang nakikita doon ang bagong bantay nito. "Go ahead. If she could be stolen, then that just goes to show that she doesn't deserve to become a part of my army."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormale(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...