"If I was his song, he was my lyrics. I would never have a meaning without him." –Yna
"THE MADAX amiir is sick. He had been showing symptoms like the ones who had been victimized by the rangdas. Thankfully, the rest of the officials had no idea about his illness yet. This is a very confidential case. Sa inyong dalawa ko pa lang po ito ipinaalam, kamahalan. Ayon sa research team namin mula sa Slavia, kung hindi magigising ang mga nabiktima ng rangda sa loob ng anim na oras, wala na siyang pag-asang magising pa habang buhay."
Agad na lumitaw si Cinaris sa tapat ng kwarto ni Aden habang patuloy na naaalala ang mga sinabi ni Jarin. Sumunod ito kay Nickolai sa museum dahil naniniwala raw ito na doon siya matatagpuan. Inihatid na si Aden pabalik sa East Castle matapos nitong mag-collapse at mawalan ng malay sa kalagitnaan ng meeting sa Tienne Aires. Sa kasalukuyan ay patuloy din daw ang imbestigasyon ng ibang madax tungkol sa nangyari sa binata. Sina Jarin at Nickolai ay kinailangang dumeretso na muna sa Tienne Aires para magpakita sa Boqor at magbigay ng update tungkol sa nangyari sa museum kaya nauna nang nag-teleport si Cinaris pabalik sa kastilyo.
Agad na binuksan ng mayordoma at ng iba pang tapat na mga bantay ang pinto ng kwarto ni Aden nang makita siyang humahangos. Patakbo pa rin na lumapit siya sa kama ng binata at mahigpit na inabot ang halos nagyeyelo nang kamay nito. May mga kandila nang nakasindi sa isang bahagi ng kwarto na ayon sa kwento ni Jarin kanina ay si Mikael ang may gawa bilang paunang lunas daw sa karamdaman ni Aden.
The blue candles' magical energy aimed to give Aden's body some warmth. Pero hindi pa rin iyon sapat para maalis ang cold spell o mas kilala sa wikang Viteron bilang dhaxanah. Itinapat ni Cinaris ang isang palad sa direksiyon ng mga kandila. Mula sa pagiging dilaw ay naging puti ang kulay ng apoy ng mga iyon at mas lumakas pa. Nakasara man ang pinto at ang lahat ng mga bintana ay nararamdaman niyang may kumokontra sa init kaya hindi iyon tumatagos sa katawan ng binata. Nakasisiguro siyang ang mga rangda ang may kagagawan niyon. Those women were not inside the castle. But she could feel their forces from outside. Mukhang sa halip na museum ay iba na ang ginustong bantayan ng mga ito.
Nang kumumpas si Cinaris ay nagkaroon din ng mga alitaptap sa paligid na pumaikot sa buong kwarto. They were enchanted fireflies which sole purpose was to magnify the heat inside the room. Pagkaraan ng ilang minuto ay unti-unti na ring bumalik sa normal ang body temperature ng binata pero hindi pa rin ito nagkakamalay.
"Damn it, Aden," Napasigok nang bulong ni Cinaris. "Kaya pala hindi mo sinabi kung anong klase ng protection spell ang ibinigay mo sa akin. Dahil alam mong hindi ako papayag. Why did you do that?" Nangilid ang kanyang mga luha. "Bakit mo sinalo ang dapat na parusa para sa akin ng mga rangda? Gumising ka dyan. You have a lot of explaining to do. Aden," Marahang tinapik-tapik niya ang pisngi ng binata. "Aden Aldary, wake up!"
Nang manatiling hindi kumikilos ang binata ay naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Nananakit na ang kanyang mga mata sa pagluha. Just when Cinaris thought that she had cried enough, this news about Aden came along to prove her wrong. Jarin had spent almost three hours traveling through his horse in order to reach her. Bago iyon ay inihatid na muna nito sa East Castle ang amo nito. Gumugol na ng mahabang panahon ang paglalakbay pa lang nito para mapuntahan siya kaagad. Kaya ilang minuto na lang ang natitira sa kanya at sa madax. If he wouldn't wake up anytime soon, they would lose him forever.
"Aden, come on. Ang sabi mo, sa oras na may mangyari sa 'yo, all I need to do is to call out to you. Pero bakit hindi ka pa rin bumabangon? Can't you hear my voice? You said you've been missing Cedany so much. Nandito na ako ngayon. Bumalik na ako sa tabi mo. I still have no idea about her-about who I was before and why I left you. I wish I know, though. Para maibigay ko sa 'yo ang paliwanag na hinihingi mo, na kailangan mo para matahimik na rin ang loob mo. But I couldn't remember anything." Gumalaw ang mga balikat ni Cinaris sa pagluha. "Forgive me for leaving you again even if I found out the truth. I was just scared. And I still am."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...