"Isa siyang ulan. Kailangan niyang bumuhos para magkaroon ng bahaghari. Isa siyang ulan dahil dadaan lang siya sa buhay mo, magbibigay ng kaunting lamig at ginhawa pero hindi nakatakdang tumagal. Isa din siyang bahaghari na nakamamangha dahil sa angking ganda. Na kahit alam mong sandali mo lang ding makikita, magpapaloko ka pa rin. Pagmamasdan mo siya at magugustuhan mo pa rin... Mamahalin mo pa rin. Dahil napakahirap ang hindi mahalin ang isang bahaghari kung ang mga kulay niyon ang nagbibigay pag-asa sa puso mo. Napakahirap ang hindi magustuhan ang ulan kung napakatagal mong naranasan ang init na hatid ng tag-araw. She was that amazing. But she was everything that represents all that was fleeting in the world." –NC
"YOU can continue eating. Don't mind me."
Nahinto sa akmang pagtayo si Cinaris sa sinabi ni Aden. Dahil sa selyadong mahika niya ay hindi niya namalayan ang pagdating nito sa opisina. Dumeretso ang binata sa mesa nito at agad na hinarap ang mga naipon na dokumento doon dahil sa ilang araw na pagiging abala na may kaugnayan pa rin sa Red Tower.
Sa halip na magpatuloy sa pagkain ay pinagmasdan ni Cinaris ang binata na kasalukuyang hinihilot-hilot ang sentido habang tutok na tutok ang atensiyon sa binabasa. Gusot-gusot na ang cotton long-sleeved na suot nito at may bahid na din ng dumi, palatandaang sa opisina na ito kaagad dumeretso para magtrabaho sa halip na magpahinga matapos ng mahabang activities sa labas ng siyudad.
"Quit staring." Hindi tumitingin sa kanyang sinabi ni Aden mayamaya. "Just eat."
"Kumain ka na ba?" Sa halip ay tanong ni Cinaris. She didn't know what exactly happened but ever since he told her about Cedany, something inside her had changed. Siguro dahil nakikita niya sa lalaki ang kanyang sarili, patuloy na naghihintay pa rin sa pagmamahal ng isang taong nang-iwan sa kanila. Magkaiba nga lang siguro sila ng uri ng pagmamahal na hinihintay. Nevertheless, it was still love. Besides, the look in Aden's eyes when he mentioned Cedany for the first time was hard to forget. It had been etched in her memory for some reason.
Magkatulad sila. Iyon ang dahilan kung bakit nahirapan siyang magustuhan ang binata noong una. Aden's words kept getting on her nerves because he always hit a sensitive spot in her heart. Pero ngayon ay alam niya nang ang binata ang mas nasasaktan tuwing nagsasalita nang ganoon, tuwing nakakausap o nakakaharap siya. Because Cinaris was a reminder of a woman he had ever loved but failed to have. And Aden was a reminder of the man she wanted so badly to hate but failed miserably. Pati ang dating sarili ay naaalala niya rin sa binata. They both have an awful way of making each other feel vulnerable. Pero heto, magkasama sila ngayon at magkatrabaho pa.
And somehow, it didn't ache as much as it did before.
"I didn't have the time to eat." Pagkaraan ng ilang minuto ay sagot ng binata. "I've been on the road for the last nine hours to monitor the transfer of the artifacts."
She was surprised that he even explained. Tumayo siya. "I'll get you food-"
Ibinaba ni Aden ang binabasang papel at humarap sa direksiyon niya. "Can you just share with me some of yours instead? I'm getting a little tired of the chef's menu."
Sandaling nag-alinlangan si Cinaris. Napasulyap siya sa kanyang lunch box. Puno iyon ng hiniwang spinach, broccoli, cauliflower at amaranth leaves na lahat ay mapapait. Meron din siyang tinapay na ang main ingredient ay radicchio. Ang inumin niya ay purong lemon na piniga at inilagay sa tumbler. Nang malaman ni Dani na ang mga ganoong pagkain at inumin ang gusto niya ay ito ang nag-volunteer na personal na maghanda ng mga iyon tuwing umaga. Lalo na at walang isine-serve na ganoon sa kastilyo. The latter had the access to the kitchen because she was one of the helpers there.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...