HUMINTO na ang pagbuhos ng ulan. Mayamaya lang ay alam ni Cinaris na muling lalabas ang mga bata mula sa kastilyo para pagmasdan ang paglitaw ng bahaghari. And she wanted to be with the kids. She wanted to watch the amazement in their eyes. Pero hindi niya magawang bumangon. Dahil pakiramdam niya, ang bahaghari ay katabi niya na mismo. The rainbow was painted in Aden's eyes. Dahil kitang-kita niya sa mga iyon ang pag-asa.
Mahigit isang taon nang walang palyang napapanaginipan ni Cinaris ang mukha ng binata. Sa mga panaginip niya, nakikita niya ang ngiti nito. And those dreams had helped her endure the day. Walang araw na hindi niya nahiling na sana ay magkita na sila. She knew and believed that he existed somewhere. At ang kaisipang magkikita rin sila isang araw ang dahilan kung bakit excited siyang bumangon tuwing umaga. Pero dismayado siyang natutulog pagdating ng gabi dahil hindi iyon nangyayari. Dahil hindi niya magawang makalabas sa kanilang mansiyon sa cluster ng mga mortal.
Kaya naman ganoon na lang ang tuwa ni Cinaris nang bigla siyang dalhin ng kanyang ama sa Idreris. Luckily, her father was friends with the royal family there. Dahil sa lugar na iyon ay hindi niya na kinailangan pang magtago. Nakakalabas na siya. Sa wakas. Hindi na ang apat na sulok ng kanyang kwarto ang napupuntahan ng kanyang mga paa. Nang makarating doon at makita ang lugar ay natuklasan niya na iyon mismo ang lugar kung saan niya nakikita si Aden.
"Alam mo bang sa buong buhay ko, ngayon ko lang nagamit ang totoong mukha ko? I had to hide it from everyone. Halos nalimutan ko na nga kung ano ang itsura ko." May mga naging kaibigan na si Cinaris sa Idreris, ang kauna-unahang kaharian na hindi nahati sa apat na bahagi at isang hari lang ang namumuno. Si Ceron Graysen. Mahigit kalahating taon na siyang naninirahan sa kastilyo doon. Pero ngayon niya lang nagawang aminin ang tunay na nararamdaman sa iba. Aden made it so easy for her to confess. Maybe because she had been dreaming about him for a long time. Kaya pakiramdam niya ay sanay na sanay na siya sa presence ng binata.
"Ngayon ko na lang uli naalala ang totoong itsura ko nang tumira na ako dito. It took me twenty-three years before I was able to use my real face freely. Ibang pangalan pa rin ang gamit ko ngayon, but I no longer feel as miserable as before. And it was because of the kids that I was with earlier. Nakatira sila sa orphanage malapit dito. Nang mapadpad ako rito, natutunan ko kung paano bilangin ang mga biyaya sa buhay ko. Ang mga bata na naabutan mo kanina, lahat sila, iniwan ng mga magulang sa orphanage. Gaya ko, hindi rin nila kung sino sila o kung ano ang totoong pagkatao nila. I know they have so many questions, but they didn't let those questions dictate the course of their lives. They're happy, Aden. Masaya na silang nakakapaglaro, na nakakapasyal dito sa kastilyo, na nakakakain at nakakapag-aral. And it was embarrassing to stay broken in front of them. They taught me how to be thankful.
"I still have my father with me. Hindi kami magkadugo. I could feel it although he doesn't say. Pero hindi niya naman ako pinabayaan. Hindi niya ako inabandona. Hindi naman ako nagkulang sa pagkain o sa maraming bagay. At naisip kong baka mahal niya rin ako at iba lang ang paraan ng pagpapakita niya niyon sa akin. I'm slowly accepting the fact that if he locked me inside our mansion in the past, it was only because he was protecting me from so many people. You see, hindi rin madali ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari kay daddy at hindi niya pa ako binabalikan dito sa Idreris o kung hanggang kailan ako magtatagal dito. But King Ceron assured me that he is safe. You see, happiness is something that we have to choose day after day." Natawa siya. "Hindi ko akalain na sa mga bata ko pa iyon matututunan."
"Thank you." Ani Aden pagkaraan ng mahabang katahimikan na namagitan sa kanila. "Dahil hindi mo ipinagdamot sa akin ang mga bagay na natutunan mo. And thank you for sharing me your life story. If you don't mind me asking, what's your real name?"
Ngumiti siya. "Cinaris."
"Cinaris." Gumanti ng ngiti ang binata. "Kakaibang pangalan. Mas bagay sa 'yo kaysa sa pangalang ginagamit mo ngayon. I promise I won't tell a soul about it."
"I believe you." Bumangon na si Cinaris saka nag-inat. It was another well-spent day. Tumingala siya, pinagsalikop ang mga kamay at bumulong. Isa din iyon sa mga bagay na natutunan niya mula sa mga bata. "Thank You, Lord."
Pagdilat niya ay sandaling kumunot ang noo niya nang makitang titig na titig sa kanya si Aden. "What?"
"Nagtataka lang ako. You said you knew that I would come in this realm. Did you also know that I would fall in love with you?"
Napasinghap si Cinaris, pakiramdam niya ay sandaling tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. "You love me?"
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...