Chapter 41.5

364 17 0
                                    


"UNCLE, this is an emergency. Natatandaan n'yo pa ba ang lugar sa Icrabet kung saan sinabi n'yong naghihintay ang tapat na mga tauhan ni Cinaris? Pinuntahan namin iyon ngayon ni Andreas. Ang sabi n'yo ay ang mahika ng inyong anak ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin ang bandila ng Icrabet hanggang ngayon. Pero ilang minuto na ang nakararaan nang makita namin ang biglang pagbagsak ng bandila nila."

Callum's knees started to shake upon hearing Stephanos' voice. Hindi. Hindi iyon totoo. Hindi pwede. Sa kabila ng panlalambot ng mga tuhod ay binilisan niya ang pagsunod sa nakikitang trace ng petals mula sa partikular na mga bulaklak na noon ay sa buhok at mga bisig ng asawa niya lang nakikita. Sa buong mundo ay iisa na lang ang nagmamay-ari ng mga ganoon ngayon. Ang kanyang anak.

Hindi nagtagal ay may nalanghap siyang pamilyar na amoy ng dugo na katulad mismo ng dugo ng kanyang asawa. Nakita niya ang bakas niyon sa isang malapad na bato. Hindi pa iyon natutuyo, katibayan na kagagaling lang doon ng kanyang anak. Nang mahawakan ang dugo ay mariin siyang pumikit habang ang isip ay paulit-ulit na umuusal ng desperadong dasal. Sa muli niyang pagmulat ay nakatayo na siya sa harap ng isang napakataas na bato. Kumabog ang dibdib ni Callum. It was sealed by blood magic, iilan lang sa mga supernaturals ang nakagagawa niyon. Nanginginig na idinikit niya sa bato ang sinugatan niyang mga kamay. Ilang sandali pa ay gumalaw ang bato at nagbigay-daan. Dere-deretso siyang pumasok sa kweba.

Sandaling hindi nakagalaw si Callum nang makita ang dalawang bulto roon, isang babae at lalaki, nakahiga sa mga bulaklak. Pakiramdam niya ay sandaling tumigil sa pagtibok ang kanyang puso sa matinding takot na nararamdaman. Magkayakap ang mga ito. And they both looked... lifeless.

Tinakbo ni Callum ang natitirang distansiya palapit sa babae. Nang makita ang namumutla nang anyo nito, pakiramdam niya ay ang anyo ng asawa ang nakita noong araw na nagpapaalam ito sa kanya. Kinakabahang niyakap niya ang anak. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha nang mahawakan ito at matuklasan kung anong uri ng mahika ang pinakawalan nito para manghina nang ganoon.

Napasulyap si Callum sa lalaki, sumunod sa kanyang anak. He wept. "I'm sorry. I'm so sorry, young man. And forgive me, Yna. But I just lost your mother. I can't lose you, too. I've been trying so hard to find you for so many years. Tapos ganito kitang madaratnan. Hindi ko kaya, anak. Hindi ko kaya. You might never forgive me for this but I can't allow this because I'm a father, Cinaris, a father who just saw his daughter for the first time." Aniya bago pinutol ang salamangkang ginawa ng anak. Mayamaya pa ay narinig niya ang paghinto ng tibok ng puso ng lalaking naroon.

Diyos ko... Naghihirap ang loob na nausal ni Callum. Pakiramdam niya ay siya ang pumatay sa lalaking alam niyang pinakamamahal ng kanyang anak. Nanlalata man ay sinugatan niya uli ang kanyang kamay at ipinatak ang dugong tumulo mula roon sa bibig ni Cinaris.


NAGISING si Cinaris sa init ng araw na tumatama sa kanyang balat. Unti-unti siyang nagmulat. Pagkaraan ng isang taon, ngayon lang siya gumising na walang nararamdamang sakit sa kanyang katawan. Hindi na rin siya nakadarama ng panlalamig. Ang unang bumungad sa kanya ay ang isang lalaking nakayukyok sa kanyang kama habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Hindi niya makita ang mukha nito dahil hindi ito nakaharap sa direksiyon niya. But for some unknown reason, she felt... at peace.

Pero mayamaya lang ay natigilan si Cinaris nang maalala si Aden. Nagmamadali siyang bumangon. Sa ginawa ay nagising ang lalaki. Kumunot ang noo niya nang makilala ito. Ito ang lalaking parati niyang inaabangan noon sa cluster ng mga mortal. Kasama nito parati ang mortal na babaeng kamukhang-kamukha niya. "You? What are you doing here? And why am I here?"

"I've seen some of your memories when you were weak. You've seen me. Ilang beses mo na pala akong nakita noon." Namamaos na sagot ng lalaki. Tumayo ito at para bang gusto siyang yakapin pero sandaling nag-alinlangan. His eyes... seemed to know who she was. "You've seen me with your mother." Pumatak ang mga luha nito. "Nasa iisang lugar tayong tatlo sa napakatagal na panahon noon. Pero hindi man lang tayo nagkatagpo. Wala kaming ibang pinangarap ng mama mo maliban sa ang makita ka." Ngumiti ito. "I'm Callum Carter and I... I'm your father, Cinaris. And the woman that you saw with me back then... was your mother."

Umawang ang mga labi ni Cinaris. Bigla ay napuno ng napakaraming mga tanong ang kanyang isipan. Pero sa ngayon ay isa lang ang pinakagusto niyang malaman. "I will ask you the hows and whys later." Tumayo siya. "Right now, I need to see Aden. Siya ang lalaking kasama ko sa kweba. Hindi kami pwedeng magkalayo. He's depending on my magic to live and-"

"He's... he's dead." Naglihis ng tingin ang nagpakilalang ama niya. "Patawarin mo ako, Yna. I had to cut off the spell that you linked between you and him. Otherwise, you'll die with him." Napailing ito. "And I can't take that-"

"N-no!" Hysterical na sigaw ni Cinaris kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. "How dare you do that? You have no right to just barge in my life and do whatever you please! You should have let me be! That is my choice! Nangako ako sa kanyang hindi ko na siya iiwan." Napahagulgol siya. "And I was going to keep my promise this time. Dahil ako dapat ang nasa sitwasyon niya. Ako dapat ang namatay. Hindi siya. If only he didn't give me half of his emerald talisman that was meant to protect him, he wouldn't have died! He would have survived those arrows!"

"I know. And I will forever be thankful for all the things that he had done for you." Lumapit sa kanya ang ama at sinikap siyang yakapin sa kabila ng pagwawala niya. "Forgive me if my only excuse for meddling with your life is because I'm your father. Ni hindi pa kita nayayakap, anak. Ngayon lang. Ngayon lang kita nakita. Ngayon ko lang narinig ang boses mo. Ngayon lang kita natawag na anak. Napakaraming mahahalagang pangyayari sa buhay mo ang wala ako. I wasn't there all your life.

"Ilang beses kong pinangarap ang magkaroon ng ganitong pagkakataon na makapagpakilala sa 'yo. How could you expect a father to just let his only daughter die? Hindi ko gustong mawalan ka ng minamahal, anak. Believe me, I've suffered so many losses already. Paulit-ulit ko iyong nararanasan sa pamamagitan ng iyong ina. And I don't want anybody to experience that, lalo na ikaw. Kasi masakit. Iyong pakiramdam na araw-araw, para kang sinasaksak. Ramdam na ramdam mo na may napakalaking bahagi ng pagkatao mo ang nawawala sa 'yo. But you have to deal with the loss every hour of the day. Pero nandito na ako, anak. Hindi ko man magagawan ng paraan para mawala ang sakit sa puso mo pero ipinapangako ko na may hahawak uli sa mga kamay mo, may pupunas uli sa mga luha mo, may yayakap sa 'yo tuwing natatakot ka at may sasalo pa rin sa 'yo. Ako."

Hindi nakasagot si Cinaris. Sumusukong naibaba niya ang mga kamay na kanina lang ay tumutulak palayo sa kanyang ama. Sa halip ay hinayaan niya itong yakapin siya. Because she could feel his heart at that moment. It was as if their hearts were one. His heart was as troubled as hers. Naisubsob niya ang mukha sa balikat nito saka niya hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon