Chapter 38

346 20 2
                                    


"Humihina ang tao kapag nagmamahal? Kalokohan. A man is at his strongest when he's in love. Dahil ang pag-ibig ang magbibigay lakas sa kanya para magawa ang pinakamahihirap na bagay. Love motivated me and her. Love was our most powerful weapon. We never thought that it could be used against us though." –NC

"DAD, I just woke up. How can you leave me like this?" Punong-puno ng sama ng loob na tanong ni Cinaris sa kanyang ama nang sundan niya ito sa sala ng kastilyong tinutuluyan. Her mind was still in a complete haywire. Noong nakaraang araw lang siya nagising. At hindi niya pa rin alam kung paano siya nakarating ng Igakegari. The last thing that she remembered was that she was still in the mortals' realm.

Ayon kay tita Kiara, ang asawa ng madax amiir ng Igakegari ay nagkaroon daw si Cinaris ng malubhang sakit na nakaapekto hindi lang sa kanyang katawan kundi pati sa kanyang isipan. Magpapasulpot-sulpot rin daw ang kanyang sakit hangga't hindi pa nahahanap ng mga ito ang lunas para doon. Ang dami niyang tanong. Pero heto ang kanyang ama at nagmamadaling iwan siya sa poder ng mga taong noong nakaraang araw niya lang nakita at nakilala. And worst, he told her not to wait for him anymore. "Sabihin n'yo na sa akin ang totoo. Hindi talaga kayo ang totoong ama ko, 'di ba? Because no father can ever abandon his own child this way."

"You want the truth? Fine! Tama ka. Hindi kita anak! Napilitan lang akong ampunin ka noon. Do I regret it? Yes. Every single day of my life. Adopting you was the biggest mistake that I've ever done in my life. Because I had to give up everything just to take care of you. Nalayo ako sa sarili kong kaharian at sa lahat ng mga taong mahalaga sa akin nang dahil lang sa-"

"Tama na, Dad." Halos pabulong na lang na sagot ni Cinaris. Noon niya pa nararamdaman na hindi sila totoong magkadugo. At tanggap niya na iyon. Ang hindi niya matanggap ay ang iba pang mga salitang idinagdag ng ama. That was not the kind of truth that she wanted to hear. Nagsisisi siyang nagtanong. And looking at her father's eyes now, and seeing the contempt all over his face, she regretted ever being born. God... why did she had to be alive in the first place?

Nagmamakaawang sinalubong ni Cinaris ang mga mata ng ama. Durog na durog na siya. Isa pang salita mula rito, pakiramdam niya, kahit ang tumingin sa salamin dahil sa sobrang pagkahabag sa sarili ay hindi niya na magagawa. "Tama na, please-"

"No. You started this. Kaya tapusin na natin ito ngayon." Saemis answered cruelly. "The truth is, I hate you. I hate you so much. And many times over the past years, I... I wish you had never been born, Cinaris."

Nang tuluyang lumabas ang kanyang ama ay ilang sandaling nanatiling nakatulala lang si Cinaris. Pero nang marinig niya ang paalis na mga yabag ng kabayo ay nagmamadali siyang humabol pa rin sa ama. Nag-teleport siya at humarang sa dinaraanan nito.

Lumuhod siya sa harap ng ama kasabay ng kanyang pagyuko. "I'm so sorry that you had to give up everything for me, Dad. And I'm sorry because after all that I've heard, I still can't let you go. Isama mo ako, Dad, parang awa mo na. Huwag tayong ganito, please. I-I'll change. Ang lahat ng ayaw mo sa pagkatao ko, babaguhin ko. Kahit na hindi mo na ako kausapin basta makasama lang kita. Hindi ako magiging pabigat sa mga gusto mong gawin. I will hide well, Daddy. Pangako."

Pero hindi natinag ang kanyang ama. Nilampasan lang siya ng kabayo nito. Muling hinabol ni Cinaris ang kabayo at pilit na sumakay din doon at yumakap sa likod ng ama. Saka lang nito pinatigil ang kabayo. Nang kumumpas ito ay pareho na silang nasa lupa, nakatayo at magkaharap. Hope rose in her chest when she saw her father's tears. "Dad-"

Pero nahinto si Cinaris sa pagyakap sa ama nang bigla nitong itarak sa kanyang balikat ang inilabas nitong patalim. At dahil nanghihina pa ay agad siyang bumagsak sa lupa. Napaawang ang kanyang bibig kasabay ng pagtutop niya sa nagdurugong balikat. Nagsimulang dumoble ang kanyang paningin. Sanay na dapat siyang nasasaktan sa ipinapakitang kalamigan ng kanyang ama. But this time, the hurt was beyond measure. Ngayon lang siya nito sinaktan sa pisikal na paraan. She could endure the pain. But what she couldn't endure was the fact that the pain came from the person she never thought who could hurt her that way. "D-dad..." Napahagulgol siya. "H-how could you do this to me? Do you hate me that much?"

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon