Chapter 16

358 21 1
                                    


"She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her. So that once the song ends, once her life ends, so was mine." –NC

NANLALAMBOT na sumalampak si Cinaris sa marmol na sahig nang hindi pa rin binibitawan ang espada. Kahit pa anong hawak ang gawin niya roon ay wala siyang maramdamang enerhiya na nagmumula doon. Ang pagpapalaya kay Saemis na lang ang nag-iisang bagay na magagawa niya para rito. Pero... pumalpak pa siya. All those efforts for nothing. Kahit ang binigay sa kanyang protection spell ni Aden laban sa mga rangda ay nasayang niya. She wasted his trust and efforts, betrayed him and Nickolai just for some useless sword.

Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta ay parati na lang siyang nabibigo. She always had plans. But none of them ever worked out. And realizing that only now was squeezing her heart.

"You are a complete failure, Yna. You have always been a complete failure. I wonder why you're still alive." Bulong niya habang pinagmamasdan ang sarili mula sa basag na estante. For the first time after several years, she dared to look at herself in the mirror. But the image staring back at her was her worst enemy. How she hated the eyes of the woman there. It was so vulnerable... so weak, and miserable. Wala sa sariling dinuro niya ang salamin. "Bakit ba kasi nabuhay ka pa? Bakit ba ipinanganak ka? Your existence is meaningless. Pabigat ka lang sa lahat ng taong nakikilala mo. Everyone here has a purpose, a real one, except you. They know exactly what to do with their lives... except you. They know where to go, they have plans, and they have dreams. You don't. They know who they really are. You don't. At dahil doon, nakakaawa ka. Nakakahiya ka. At nakakabwisit ka! Wala kang kwenta!"

Tumaas-baba ang dibdib ni Cinaris kasabay ng sunod-sunod na pagsuntok sa salamin hanggang sa magkadurog-durog ang mga iyon... hanggang sa hindi niya na makita ang pinakapangit na taong nakita niya sa buong buhay niya... ang kanyang sarili.

Kahit pa naramdaman niya ang paparating na mga kawal at ang isa pang pamilyar na presensiya ay hindi siya kumilos hanggang sa bumukas ang pinto. But she lacked the courage to defend herself or even to stand. Paulit-ulit na nagri-replay sa isip ni Cinaris ang mga boses ng napakaraming mahahalagang tao na nawala sa kanya para muling ipaalala na bukod sa sarili ay wala nang natira pa sa kanya. "Diyos ko. All those that died held very important roles in the society. Tama si Saemis. Dapat ikaw na lang ang namatay, Yna. Much better if you had never been born."

Tinakpan ni Cinaris ng duguang mga kamay ang kanyang mga tainga nang ang boses ni Saemis ang muling pumasok sa kanyang isipan. Malakas na tinapik-tapik niya ang mga tainga kasabay ng impit na paghikbi. Nanginginig na isinubsob niya ang ulo sa kanyang mga tuhod. "N-no, Dad. Tama na. T-tama na, p-please. H-hindi na po a-ako uulit. H-hindi na po ako m-magtatanong uli sa inyo. Just p-please s-stop." Nabasag ang kanyang boses. "Stop."

"Your highness, hindi na ho kayo sumagot. May nakita ho ba kayong tao diyan sa loob? Did you catch the culprit?"

"No." Anang pamilyar na boses. "No one's here. Nakatakas na siguro. Bumalik na kayong lahat sa Tienne Aires. Maiiwan lang ako sandali para tingnan kung may mga nawawala rito. I will follow you shortly."

"Masusunod, kamahalan."

Narinig ni Cinaris ang mga papalapit na yabag. But Saemis' voice was louder in her head. Gumalaw ang kanyang mga balikat kasabay ng paglakas ng kanyang pag-iyak. "D-daddy, have m-mercy, please. A-ayoko na po. T-tama na p-po. D-dad, ang s-sakit na. Ang sakit-sakit na."


NAHINTO si Nickolai sa tangkang paglapit kay Yna matapos marinig ang mga sinabi nito. She was hysterical. Mabuti na lang at maagap niyang nalagyan ng mahika ang paligid para walang ibang makarinig rito. Her body was shaking. And she was crying so hard that it was crushing his heart.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon