"SIGURADO ka na ba sa gagawin mo? This opportunity may not happen again, Elisha."
"I know." Mahinang sinabi ni Elisha habang pinagmamasdan ang kanyang anak na nakayukyok sa kama ni Aden. Pumatak ang kanyang mga luha. Hearing her daughter's cry was crushing her heart. Ngayon niya lang nakita ang anak. Pero ang mga luha nito ang unang bumungad sa kanya. Ang paghagulgol nito ang una niyang narinig. She had grown so fast. Ni hindi niya man lang namalayan ang paglaki nito. How she longed to hear for Cinaris call her 'mama'.
At ngayon na sana ang pagkakataon ni Elisha para marinig iyon mula sa mga labi ng anak. Dahil nakagawa siya ng paraan para mabuhay uli... para makapiling sa wakas ang kanyang anak, para mabuo na ang kanilang pamilya. "Wala namang magbabago. Pagbalik ko, mortal pa rin ako. At mamamatay uli ako. My daughter doesn't need me, Azalea. She's powerful and brave, she could do things on her own. Hindi ko rin sila matutulungan nang husto. But Aden is a supernatural. Matutulungan niya ang anak ko. Most of all, he can surely make her stop crying. He can bring a smile on her lips again."
"Kaya ibibigay mo kay Aden ang pagkakataon mo sanang mabuhay, gano'n ba?"
Tumango si Elisha.
"But-"
"Gaya lang din ng naging dahilan ko noon at ni Callum nang matagpuan niya ang anak namin. I'm doing this because I'm a mother, Azalea. Because then and now, my daughter's safety and happiness would always come first than my own. Napakatagal kong nawala sa buhay niya. At sa ganitong paraan ko lang maipaparamdam ang pagmamahal ko." Niyakap ni Elisha si Cinaris. Hindi niya alam kung naramdaman iyon ng anak. Pero napansin niyang natigilan ito. "Wala akong hindi gagawin o hindi isusuko para sa 'yo. Is tu mo ghra, a leanbh." Aniya sa wikang Vrakha sa Umaria na nangangahulugang, "you are my love, my child."
Anak. How she yearned to call Cinaris that way. Ang pangungulila sa puso niya ay habang-buhay na yatang mananatili. Mayamaya pa ay tumalikod na siya at sa palapit na sana kay Azalea nang bigla siyang matigilan.
"Mama? Mama, I know it's you. I heard your voice. And dad said that you and I have the same voice." Humihikbing sinabi nito. "Where are you?"
Napasinghap si Elisha. Nagmamadaling humarap siya sa direksiyon ng anak. Hindi man siya nito nakikita, pakiramdam niya ay agad na naibsan ang kirot sa kanyang puso dahil sa mga narinig. "Can you say it again, anak? I've always dreamed to hear you call me that way."
"Mama... Mama... Mama..." Paulit-ulit na bulong nito habang iginagala ang tingin sa buong paligid.
Muli siyang lumapit sa anak at niyakap ito. She cried in her daughter's arms. Ganoong-ganoon din sila noon bago magkahiwalay. Ganoon din kalakas ang naging pag-iyak ni Elisha habang kalong ang sanggol pa lang na anak at habang ipinapasa ito sa iba para maitakas ito sa kaguluhan noon. Her baby was crying at that time, too. At ang iyak na iyon ng kanyang anak ang nagpahirap sa kanyang loob sa matagal na panahon. "Masaya na akong aalis ngayon. Thank you. Thank you so much for fulfilling my dream, Yna."
It took all of Elisha' willpower to walk away from her daughter. Nang humarap siya sa naluluha ring si Azalea ay nagawa niya nang ngumiti. Dahil sa kapangyarihan at dugo ng kanyang anak sa katawan ni Aden ay sigurado siyang magiging matagumpay ang plano. "Nakahanda na ako. Gawin na natin."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...