"TITA Carrie, what are you doing here? Hindi ko nabalitaang pupunta ka rito. And why aren't you with my father?" Kunot ang noong naitanong ni Cinaris nang mamulatan niya itong nakaupo sa kanyang kama. Namumutla ito at nanginginig. Pinigilan niya ang insecurities na muling sumalakay sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang maamong anyo ng babae na anim na taon nang secretary ng kanyang ama. Noong nakatira pa siya sa kaharian ng mga mortal ay si tita Carrie ang maswerteng mas madalas na nakakausap ng kanyang ama. There were times when she felt like her father trusted the mortal more than her. Ang balita niya ay engaged na ang dalawa. At sa Idreris balak na magpakasal ng mga ito.
"I'm so sorry, Cedany." Garalgal ang boses na sinabi nito.
Bumangon siya. "Hindi kita maintindihan, tita. Ano ba'ng-" Hindi niya na natapos pa ang mga sasabihin nang bigla nitong itinarak ang isang syringe sa kanyang braso. Nanlalamig na bumagsak siya sa kama.
"THE DRUG that was injected into her body was so strong that it was weakening her. Siniguro ng mga mortal na sakali mang matakasan sila ni Cinaris ay hindi siya tuluyang makakalayo. The drug is made to suppress her powers so she wouldn't be able to fully use it against the enemies. Kung hindi dahil sa kapangyarihan na ibinigay ko sa kanya noong nasa sinapupunan pa lang siya ng kanyang ina ay duda ako kung aabot siya nang ganito katagal."
Nagsikip ang dibdib ni Saemis sa narinig na sinabi ng kaibigang si Waros. He was a god of strength and the latter was the god of abundance. Pareho silang nagmula sa kaharian ng Axairos kung saan naninirahan ang mga diyos o dia. Pero ayon dito, matapos ng huling digmaan sa pagitan ng mga mandirigma at ng strigoi ay hindi na raw ito nakabalik pa sa kaharian nila. Hindi ito tinanggap ng mga kawal pati na ang iba pa nilang mga kalahi. Sabay-sabay raw na bumagsak ang mga ito sa lupa nang sumubok na makapasok sa Axairos. Hindi pa nila alam kung saang bahagi ng mundo bumagsak ang iba pang mga dia.
Waros found him first. Pero sa kasalukuyan ay kilala ang lalaki bilang Ceron Graysen, ang hari ng Idreris kung saan niya pansamantalang itinago si Cinaris mula sa mga mortal sa kanilang cluster na nakipag-ugnayan sa iba pang mga opisyal para matunton sila ng kanyang anak. Nagsimulang magduda ang gobyerno tungkol sa kanyang anak na hindi niya hinayaang malantad nang matagal sa mapanuring mga mata ng publiko. May ilang mga mortal na nagawang makatuklas ng kakayahan ni Cinaris na gawing ginto ang anumang mahawakan nang minsang tumakas ito sa kanilang mansiyon. Mabuti na lang at may mabait na mortal na nagtago rito mula sa iba pang humahabol rito. Si Marius iyon, isang reporter. Hindi nito isinumbong sa iba ang kanyang anak kahit pa nakahandang magbigay ng pabura ang mga opisyal. Sa halip ay tinawagan siya ni Marius para masundo ang dalaga. Nangyari iyon noong panahong hirap na hirap pa ang kanyang anak na kontrolin ang kapangyarihan.
The mortals sent him a spy and it was Carrie. Naihilamos ni Saemis ang mga kamay sa kanyang mukha. For the countless time ever since he discovered about his fiancée's betrayal, he felt his heart and soul being smashed into pieces. Carrie was the only mortal who knew about Cinaris' real face. Dahil ang babae rin ang kauna-unahang mortal na pinagkatiwalaan niya. Hindi siya kahit na kailan nagduda sa tunay na intensiyon nito. Because he loved the woman with all his heart. Hindi niya akalain na habang nasa ibang kaharian siya para iligaw ang mga kaaway na tumutugis sa kanya at sa anak ay nagpunta pala ng Idreris si Carrie at nilason si Cinaris.
Hindi na naabutan pa ni Saemis ang babae. Kahit si Ceron ay hindi namalayang napasok ng iba ang kaharian nito. Nakita na lang nila ang kanyang anak na nakabulagta at bumubula ang bibig. Anim na buwan na ang lumipas mula nang mangyari iyon. But Cinaris wasn't getting any better. Kahit pa dilat ito ay tulala ito at hindi nagsasalita. Wala silang idea kung naririnig ng dalaga ang mga pinag-uusapan nila o kung nare-recognize sila nito. Tumigil na ang pagsusuka nito pero nanatili ang panlalamig ng katawan. Her mouth was dry. She was almost skin and bones now. Kinailangan nila itong araw-araw na turukan ng syringe na naglalaman ng dugo para mabuhay. Thankfully, Cinaris wasn't just a devi. May dugo rin itong vampire-wolf hybrid na nagmula sa ancestors nito. Kaya hindi nito isinusuka ang dugo.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...