Chapter 33

316 24 6
                                    


"There were nights when I couldn't sleep and would find myself constantly reminiscing our moments together. Those memories, unlike his dreams, weren't always happy ones. Ang mga alaala namin ay puno ng pinakamalulungkot, pinakamapapait at pinakamasasakit na pangyayari. But those were also the best memories I've had. Dahil kasama namin ang isa't isa nang mangyari ang mga iyon. God... I don't want to just reminisce. I want the real thing. I want a new bunch of memories." –Yna

MEREK'S eyes flickered with pride for the woman who was now bravely admitting her weaknesses. Aminado siyang hindi niya inaasahan na mamumuno ang dalaga sa laban para sa siyudad na iyon na hindi naman nito kinalakhan. They were not her responsibility. Hedia wasn't her city. Hindi sila nito mga kaano-ano. Dalawang araw na sabay silang nagpadala noon ng raven sa West Viteron at Prorian. Their madax didn't answer and they had lost hope. But Cinaris came back rushing one day. Nagmamadali nitong sinalo ang nabitawan niyang bandila ng kanilang siyudad.

In the beginning, they all thought that the woman was just another passerby in their city. Kahit pa nakasama ni Merek si Cinaris noong makulong sila ay hindi niya pa rin sigurado kung totoo ngang tatagal ito sa lugar nila lalo pa at sentro sila ng gulo sa kasalukuyan. Tinalikdan sila ng kanilang madax. But this passerby proved to all of them that their lives still mattered.

Cinaris was as brave as hell, not because she appeared unbreakable. Dahil may mga sandaling nahuhuli nila ang dalaga sa isang tabi na nag-iisa habang nagpupunas ng mga luha matapos manggaling sa pagpapagaling sa mga sundalo, matapos mangamusta sa mga kababaihan at kabataang itinago nila sa tunnel at matapos mag-alay ng panalangin para sa mga kasamahan nilang sumakabilang-buhay. Araw-araw silang nawawalan pero ginagawa nito ang lahat para hindi ganoon karami ang malagas sa kanilang samahan.

Their commandant was brave not because she preferred to suffer in silence, not because she would swallow her tears away as much as she could until she had the chance to be alone, para hindi mabagabag ang mga mamamayan na umaamot ng lakas kay Cinaris na tuwing nakikita sila ay parating sinisikap na ngumiti at iyon ang nagpapakalma sa kanila. She was brave because in spite of her sorrows, heartaches and fears, she didn't allow herself to be disheartened. Instead, she continued to fight and to comfort everyone even when she needed comforting herself.

Inaako ni Cinaris ang responsibilidad na para dapat sa iba at araw-araw ay ipinauunawa sa kanila na may pinagdaraanan lang ang kanilang madax. Na naroon naman ang dalaga kaya hangga't maari ay huwag nang sumama ang kanilang mga loob. Hindi nila alam kung saan nagmula ang dalaga o kung ano ang totoong pagkatao nito. But she was a true-blue warrior. Silang mga sundalo ang may mas natututunan rito sa bawat araw na nakakasama nila ito.

Pero totoong nag-aalala na ang kanilang mga kababayan. Hindi man ipinapakita ni Cinaris ay alam nilang hinang-hina na ito. Pinagagaling sila nito pero ang mga sugat nito ay napakatagal bago maghilom. Nakita rin nila ang lumalaking kulay-asul na pantal nito sa braso na hindi pa nila alam kung ano ang sanhi. Dumagsa din ang iba pang mga tikoloshe sa kanilang lugar. And their commandant was their main target.

"Remember this everyone. We don't drown by falling into the water. We drown by staying there." Naalala ni Merek na paalala pa sa kanila noon ng dalaga matapos nilang mag-meeting ng gabing dumating ang mga kalalakihang naging back-up nila. "Isa iyong kasabihan sa mundo ng mga mortal na pinanggalingan ko. We are facing a tough situation right now, but we have to keep going. Nagtagumpay tayo kahapon at ngayong araw. Magagawa pa natin iyon sa mga susunod na araw hangga't nagtutulungan tayong lahat. I know that most of you still have no idea about who I am. Kaya maiintindihan ko kung hindi n'yo ako pagkakatiwalaan kaagad. In spite of that, I want you to know that I'm putting my trust in all of you. That's why you have to trust yourselves, too."

"And that's why we admire you more tonight, commandant." Sa wakas ay sagot ni Merek pagkaraan ng ilang segundo. "Dahil nagawa mong aminin ang ganyang bagay sa amin. You're not giving us any false hopes."

"Because I really can't do that. Saka may sigurado ba sa mundo? Parang wala naman. The world is full of uncertainties. We're constantly uncertain about what to do, about someone's real feelings for us," Dumaan ang kirot sa mga mata ni Cinaris. "about God's plans for us, about our future and about our victory." Nilingon nito ang bata sa isang sulok. "Terrin, pakisamahan na ang bata pabalik sa tunnel. Mas ligtas doon."

Agad na sumunod si Terrin. Nang ilabas ng kanilang commandant ang espada nito ay sabay-sabay silang tumayo ng iba pang mga kasamahan at inihanda na rin ang kanilang mga armas. Nakakahiya ang sumuko kung may tulad ni Cinaris na hindi sila sinusukuan sa ganoong uri ng panahon.


MALAKAS na napadaing si Cinaris matapos makagat ng isang lobo ang kanyang binti habang gumagawa siya ng spell para talunin ang mga tikoloshe. The spell was making her vulnerable. Dahil maselan iyon at doon niya lang kailangang ibuhos ang kanyang atensiyon. Agad na pinana ng lalaking nakamaskara ang lobo. Namatay man iyon pero may panibagong lobo na muling umatake sa kanya. Matapos mapabagsak ang kahuli-hulihang tikoloshe ay sumunod na rin siyang bumagsak.

Pero hindi lupa ang sumalo sa kanyang katawan kundi ang mga matatag na bisig ng isang lalaking nakamaskara. Sa mga braso nito ay himalang nakaligtaan niya ang lahat ng iniinda. "I'll take you to your room."

Napailing si Cinaris. Kahit nahihilo ay pinilit niyang tumayo. "Hindi pa pwede. May mga kalaban pang-"

"My men will take care of them. Kailangan mo nang magpahinga." Mariin nang sinabi ng lalaki saka siya binuhat. Sa isang iglap ay naglaho sila sa labas ng kastilyo. Nakapagtatakang alam nito kung saan banda ang kanyang kwarto at kung saan ang pasikot-sikot sa loob ng kastilyo samantalang wala pang mga lalaking nakamaskara ang nakapasok doon.

Marahang inilapag siya nito sa kama pagkatapos ay naglabas ito ng isang botelya mula sa bulsa nito at inilapit sa kanyang bibig. "Drink this. This will make you fall asleep. It will make you feel better when you wake up. Ayon sa manggagamot noon ay marami raw iba't ibang uri ng dugo ang nananalaytay sa mga ugat mo. May dugo ka ring werewolf. I don't have the antidote to the werewolf's bite right now, but I'm putting my trust in your blood. You've always been special. Naniniwala akong maghihilom rin ang mga sugat na hatid ng mga kagat ng lobo sa 'yo. Pero sakali mang hindi, 'wag kang mag-alala. Nakahanda akong libutin ang buong mundo mahanap lang ang antidote para sa 'yo."

"Pero hindi pa ako pwedeng matulog," Giit ni Cinaris sa kabila ng pagdodoble na ng kanyang paningin. "The people outside are-"

"Didn't you hear what I said? My men will take care of them. Stop being stubborn, for crying out loud, Yna!" Mataas na ang boses na sinabi ng estranghero. Pamilyar ang boses na iyon. Pero dahil sa nagdedeliryo nang isipan ay hindi niya na ma-recognize kung kanino iyon nagmumula. "Wala namang masama sa pagtulong sa kapwa. Ang masama ay iyong kalilimutan mo na ang sarili mo para lang makatulong. Hindi kita paulit-ulit na nililigtas para lang magkaganito. Ano ka ba naman? Kailangan din kita. Ako, Yna. Kailan mo kaya ako ipa-prioritize? Kailan mo ba mararamdaman na bukod sa kanilang lahat, may isa pang nangangailangan sa 'yo? But I bet you wouldn't know that. I'm not even sure if you'll remember this tomorrow. Aasa pa ba ako? You hate me just like him. And you can hate me all you want. Pero kailangan mong alagaan ang sarili mo kung gusto mong makaganti pa sa akin. It's okay to hate me, Yna. Just... please stay alive. Just stop living for others. Live for yourself for once, will you?"

Kumunot ang noo ni Cinaris sa pait na nabosesan sa estranghero. Her heart was suddenly in agony upon hearing his voice, and upon seeing the pain in his eyes. Matapos inumin ang laman ng botelya ay pilit na iniangat niya ang kamay para maabot ang maskara ng lalaki. "W-who are you?"

"If I matter to you, you would have known by now."

Bumuka ang kanyang bibig para sumagot pero bago pa siya makapagsalita ay tuluyan na siyang hinila ng matinding antok at pagod.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon