"If we couldn't meet in the end of our story, then at least, let us try to meet every day while we can. Let us try to cherish the middle part. Because it was all that we would have."
Kung alam ko lang, sana nasabi ko 'yon sa kanya. Hindi na kami pwede sa simula pa lang. May pag-asa na sanang maging maayos ang gitna ng kwento noon. But we both didn't know that until we've come to this point where we're almost at the end of our story. Hanggang sa dulo, mukhang hindi pa rin kami magkakatagpo. Because he and I are proving to be characters from different books. I have my own story, he had his, too. At sa kanya-kanyang kwento naming dalawa, napadaan lang kami sa buhay ng isa't isa. We met, played a few roles, but that's just it. Still, I couldn't help but wish that there's a way for the two books to collide and become one. After all, miracles do exist. He told me so." –Yna
NAPAAWANG ang bibig ni Callum nang matuklasan na tama ang kanyang hinala. Meron ngang nakapaloob na iba pang mensahe sa mismong papel na ginamit ni NC na ang format ay katulad rin ng paraan ng pagsulat nito. Nakaibabaw din iyon sa sulat nito para sa kanyang anak. Pero hindi iyon mababasa agad dahil sa mataktikang paraan ng pagkakalagay niyon. Kung hindi itatapat sa apoy ang papel ay hindi lilitaw ang nakatagong mensahe. Napailing siya. Ganoong-ganoon rin si Elisha noong sumulat sa kanya noon.
Nang tingnan ni Callum ang iba pang papel ay may nakapaloob ding sulat. Kung ganoon ay mali siya ng inisip. Noon pa pala nasagot ang sulat na iyon. Cinaris knew about those letters from the start. Nabuksan na nito ang mga sulat pero muli rin nitong sinelyuhan. And based on what he read from Nickolai Connell's previous letters, he doubted if the man was aware of his daughter's reply. Mukhang wala itong ideya tungkol sa bagay na iyon. Dahil sa kung anong rason ay mukhang wala ring balak ang kanyang anak na ipaalam ang tungkol sa mga mensahe nito na para bang ginawa lang nito ang sulat para mailabas ang nararamdaman. Gaano katindi ang problemang kinaharap nito para kahit ang ganoong bagay ay kinailangan nitong sarilinin?
"D-did you find a-anything? T-tell me m-more about our d-daughter, Cal."
Sandaling tumalikod si Callum sa direksiyon ng asawa matapos marinig ang mga sinabi nito. Diniinan niya ang gilid ng kanyang mga mata para mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Ilang mararahas na hininga ang pinakawalan niya bago siya humarap kay Elisha. Binitiwan niya ang mga sulat, lumapit siya sa kama nito at inabot ang mga kamay nito. Masuyo niyang hinagkan ang mga iyon.
Naantala ang plano ni Callum na paglalakbay papuntang Viteron nang malaman niyang nagkaroon ng sakit si Elisha. Bigla na lang itong nanghina at hindi na makabangon pa gaya ng nangyari noong una nilang paghihiwalay ilang dekada na ang nakararaan. It was a mystical illness that nobody in their team knew about. Pero malakas ang hinala ng kanyang ina at ni tita Sunny na may kinalaman iyon sa spell na ginawa ng kanyang asawa noong devi pa ito para mabuhay uli ang mga kasamahan nila sa ibang panahon at pagkatao. And that spell was probably taking a toll on her body now. Si Elisha ang huling bumalik sa mga mortal nilang kasamahan. Pero mukhang ito ang unang magpapaalam. Dahil ito lang ang tanging nagkasakit.
His wife was only fifty-nine. Elisha had wrinkles now and a few white hairs. But she was still as perfect as before in his eyes. Because for him, those white hairs and wrinkles symbolized of the days that she lived greatly. Noong nakakalakad pa si Elisha ay nahihiya na itong niyayakap at hinahalikan niya tuwing namamasyal sila at nakikita ng iba. Dahil papasa na raw ito bilang kanyang tiyahin. And he would get annoyed each time. Hindi sa asawa. Kundi sa hindi matatawaran na mga pagkakaiba na nila ngayon. Hindi kahit na kailan nag-alala si Callum tungkol sa pagtanda noon. But he must admit, he became bothered about it when Elisha started getting old. Dahil indikasyon iyon na malapit na naman silang maghiwalay. Maiiwan na naman siya. He would spend another twenty-eight years to wait for her to be born again, and another eighteen years or so for them to be with each other again.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...