"ADEN!" Pakiramdam ni Cinaris ay sandaling huminto sa pag-ikot ang mundo niya nang matanaw ang pagbagsak ng binata. Nagmamadaling tinakbo niya ang kinaroroonan nito. Nagliyab ang hawak niyang espada. Ang lahat ng mga tauhan ng mga opisyal na nagtangkang humarang sa kanya ay sabay-sabay na nasunog sa isang kumpas niya ng espada. Sa isang iglap ay nahinto rin ang mga tauhan ni Nickolai sa pag-atake sa mga natitirang sundalo ni Aden.
Napaluhod si Nickolai sa tabi ng dating kaibigan habang si Cinaris ay nag-aapoy pa rin ang mga mata sa galit na tinitigan ang lahat ng mga pasugod pang kawal ng mga opisyal. Magkakasabay na dinugo ang ilong ng mga ito. Nang ikuyom niya ang mga kamay ay wala nang buhay na bumagsak ang mga ito mula sa pinagtataguan. Isa iyong trick na ngayon niya lang ginamit. Mula iyon sa babaeng kamukhang-kamukha niya na madalas niya nang napapanaginipan nitong nakalipas na mga araw.
Nang humarap kay Aden si Cinaris ay hinaplos niya ang mga pisngi nito. Ni hindi niya ito mayakap sa takot na lalo itong masaktan dahil sa dami ng pana na tumusok sa iba't ibang bahagi ng katawan nito. Nagmamadaling sinugatan niya ang sarili at ipinatak ang kanyang dugo sa bibig nito. Pero isinuka lang nito iyon. Ngayon na lang siya uli nakaramdam ng matinding takot. "Don't do this to me, Aden." Basag ang boses na bulong niya. "Nagkamali ako. Patawarin mo ako. Hindi na kita iiwan uli. Pangako."
Inabot ng binata ang kanyang mga kamay. Kahit nahihirapan ay ngumiti ito sa kanya. "Y-you remembered us, Yna. You r-remembered our story. M-masaya na ako d-doon. I-I love y-you."
Bago pa man siya makasagot ay bumagsak na ang kamay ng binata. Nang pumikit ito ay parang masisiraan ng bait na nagsisigaw si Cinaris. "N-no! No!"
"Ako... ako ang nagkasala. Bakit kailangang ikaw ang magbayad?" Narinig niyang bulong ni Nickolai. Nang humarap ito sa kanya ay tumayo ito at namamasa ang mga matang niyugyog siya sa mga balikat. "Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito! Go ahead! Kill me, too! Gumanti ka, Cinaris!"
Cinaris wept. Napakarami niyang gustong sabihin. Gusto niyang manisi. Pero hindi niya magawa. Dahil alam niyang biktima lang din si Nickolai ng mga pangyayari. "I can't." Lumuluhang napailing siya. "I can never hurt my bestfriend."
Na-freeze ang mga kamay ng binata. Natulala ito. He looked at her as if he had just experienced something that was more painful than death. Paano... paano humantong sa ganito ang lahat?
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Cinaris ang pagdagsa ng iba't ibang mga supernaturals sa paligid. They were surrounded. Pero sandaling nakalma ang kanyang loob nang makita ang mga rangda. Dumating ang mga ito gaya ng ipinangako sa kanya na lilitaw sa oras na kailanganin niya. Inabot niya ang mga kamay ni Aden at mahigpit na hinawakan bago siya nag-teleport.
One year later...
NAGLAGLAGAN ang mga hawak ni Cinaris na prutas nang malakas na humagis siya sa lupa matapos siyang itulak ng Upier. Mahinang napaungol siya nang maramdaman ang dugong umaagos mula sa likod ng kanyang ulo na humampas sa malapad na bato. Ang lalaking kaharap ang pinakamalakas na uri ng bampira, one of the wasiirka's puppets. The latter's fascination in blood was said to be more extreme than the rest of the murderers that she had encountered.
Bago pa muling atakihin ng lalaki ay nagmamadali nang nag-teleport si Cinaris. Hangga't maari ay iniiwasan niya nang gamitin ang kakayahan niyang iyon. Because it required too much strength. Pero wala na siyang sapat na enerhiya para makipaglaban pa sa mga kampon ng kaaway na wala pa ring tigil sa paghahanap sa kanya.
Lumitaw si Cinaris sa kweba kung saan niya itinago si Aden. Sa lugar na iyon sila tumuloy sa loob ng isang taon. Sa isang probinsya iyon na bahagi pa rin ng East Viteron. She wanted to keep him in a place that was very special to him. Nanghihinang tumabi siya ng higa sa binata. Nang marinig ang tibok ng puso nito ay gumuhit ang kuntentong ngiti sa kanyang namumutla nang mga labi. She created a spell and shared half of her remaing powers with Aden in order to keep his heart beating. Gaya ng ginawa sa kanya noon ng kanyang ama ay tinuturukan niya rin ang binata ng syringe na naglalaman ng kanyang dugo. Pero hanggang ganoon lang ang kaya niyang gawin para rito. Hindi pa rin ito nagigising at hindi niya alam kung magigising pa.
"Forgive me for being greedy, Aden, for still keeping you here when you should have been somewhere peaceful by now. Patawarin mo ako dahil kahit na hindi ko marinig ang boses mo, as long as I could hear you breathing, it's fine with me. That's how much I want to keep you." Namamasa ang mga matang sinabi ni Cinaris habang pinagmamasdan ang hapis nang anyo ni Aden. Nararamdaman niya na ang tuluyang pagkasagad ng kanyang enerhiya. Naabot niya na ang hangganan ng kanyang lakas. Ang mga sugat niya ay hindi na naghilom pa na hatid ng mga nakakalaban niya tuwing lumalabas siya ng kweba para makakuha ng pagkain para magkaroon ng sustansiya sa kanyang katawan at nang ma-sustain ang pagbibigay niya ng dugo kay Aden. Nararamdaman niya pa ang kirot sa kanyang ulo, sa leeg at mga braso na dala ng pagsakmal sa kanya ng namataang upier.
Masuyong niyakap ni Cinaris ang nanlalamig nang katawan ni Aden nang makaramdam ng pamamanhid na nagmula sa kanyang mga talampakan paakyat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Iniyakap niya ang braso ng binata sa kanyang baywang. Sumandal siya sa dibdib nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya na nilabanan pa ang muling pag-atake ng kanyang sakit. Pagod na siyang lumaban. Kung ito ang sinabi noon ng manggagaway na isang araw ay pababagsakin siya ng kanyang sakit at hindi na siya muli pang makakabangon dahil doon ay tatanggapin niya na. Sasabayan niya si Aden sa magiging paglalakbay nito papunta sa isang maganda at payapang lugar.
"Pahinga na tayo, mahal. Sa isang bago at tahimik na lugar, hahanapin kita. At doon tayo magpapakasal." Nanunuyo na ang lalamunan na bulong ni Cinaris bago siya unti-unti nang pumikit.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...