Chapter Twenty-Eight

346 19 0
                                    


"Kung saan-saan siya naghahanap ng malulugaran sa mundo. Nalimutan niyang lugar din ako. She had forgotten that I'm a place that she can stay with. Hindi ako isang daanan lang o pasyalan. Pwede rin akong maging habang-buhay na tahanan. Pwede rin akong sandalan. I can be whoever and whatever that she wants me to be if she would only have me. But I guess she would never know that because I fell in love with an extremely clueless girl." –NC

KUMUNOT ang noo ni Cinaris nang dumilat at mapatunayang buhay pa pala siya. Bumangon siya at iniikot ang tingin sa kinaroroonan. Madilim doon. Kung hindi dahil sa likas na kakayahan ay hindi niya mamamalayang nasa loob siya ng isang kweba. Lumalim ang mga gatla niya sa noo. Paano siya nakarating doon? Wala siyang naririnig na iba pang tunog. Nagkahiwalay ba sila ng naging kulungan ni Nickolai? Tumayo siya at naglakad, pilit na hinahanap ang daan palabas.

Pero iba ang natagpuan niya pagkaraan ng mahaba-habang lakaran. Isang lalaki iyon na nakahiga sa isang nakabukas na kabaong. Ang palibot niyon ay nakapagtatakang tinubuan ng lavender na mga rosas. But what surprised Cinaris more was the fact that the man in the coffin was still breathing despite the sword in his heart. Mukha lang itong mahimbing na natutulog. Naririnig niya ang tibok ng puso nito na para bang hindi man lang iyon naapektuhan sa kabila ng nakabaon na espada.

Natutop niya ang dibdib na bigla na lang kumirot. May pakiramdam siyang kilala niya ang lalaki. Ginintuan ang buhok nito, kayumanggi ang kulay at napakaamo ng mukha. He was a very beautiful man. That's why Cinaris couldn't understand why the mere sight of him terrified her. She could hear the warning bells ringing inside her head. Napaatras siya kasabay ng pananayo ng mga balahibo sa kanyang batok at mga braso. She was about to run when the man suddenly opened his eyes and grabbed her arm. Napatili siya.

Isang kamay pa lang ng lalaki ang nakahawak sa kanya pero hindi na siya makagalaw. Mas matindi pa iyon sa epekto ng arrow ni Aden. Sinikap niyang kumawala pero para bang nanigas na ang kanyang mga binti. The man's grip was so strong that it felt like his fingers were crushing her bones. "W-who are you?"

Hindi sumagot ang lalaki. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. His red-violet eyes intimidated her. Hindi ito kumukurap. Mayamaya ay gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.

"Azalea, mahal..." Namamaos nitong sinabi. Pero hindi nagtagal ang pagsuyo sa mukha nito na bigla na lang bumangis. Ang mga mata nito ay tumalim kasabay ng pagkukulay itim ng mga rosas sa kabaong. Ang anyo nito ay naging pabago-bago. Nagiging babae ito, lalaki, sanggol, matanda at kung ano-ano pa. Napalunok siya. Anong klaseng nilalang ang lalaki?

"Remove the sword!" Sigaw nito na umalingawngaw sa buong kuweba. It sent shivers running down her spine.

"No, I won't!" Ganting sigaw ni Cinaris sa kabila ng pag-igting ng kaba sa kanyang dibdib. Kung ngayon pa lang ay ganoon na kalakas ang masamang epekto sa kanya ng lalaki, lalo na kapag wala nang nakatarak na espada sa dibdib nito. Lalo pang dumiin ang mga daliri nito sa kanyang braso. Damang-dama niya ang pagkabali ng kanyang mga buto. Ilang malalalim na hininga ang pinakawalan niya bago niya lakas-loob na iginalaw ang kabilang kamay at idiniin ang nakatarak na espada sa dibdib ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nito. Sa isang iglap ay bumalik ang orihinal nitong anyo. Nagkaroon ito ng mga ugat sa mukha bago unti-unting pumikit.

Nang lumuwag na ang pagkakahawak kay Cinaris ng lalaki ay nagmamadaling nagtatakbo siya palayo habang hawak ang duguang braso. Pero anomang pagtakbo ang gawin niya, she kept going back to where the man was. Bakit ganoon? Bakit hindi niya matagpuan ang lagusan palabas? Napasulyap siya sa kanyang braso nang agad na magkulay-asul iyon. Ang kamay ng lalaki ay parang may taglay na lason na nagpapahina sa kanyang mga kalamnan.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon