Chapter 37

344 17 0
                                    


"I would come to him in a heartbeat if I could. I would stop everything for him if I could. I would fight his battles if I could, if that's the only way to make him see that in the end, it will be him. But he was right. This was a cross fire. And none of us was prepared for it." –Yna

NANG makita ni Aden ang muling pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi ni Cedany, pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo. And when it began turning again, he knew that the way he viewed life and the world would never be the same again. Dahil higit pa sa sagot na inaasam niya ang kahulugan ng ngiting iyon.

Hangga't maari ay ayaw niya pa sanang magmahal lalo pa at magulo ang sitwasyon niya sa ngayon, kasing-gulo ng relasyon nila ng kanyang ina. Aden had grown tired of hating his mother. His anger for her was draining his energy and so he had no choice but to let it go. Pero ang hindi niya mapakawalan ay ang sakit na hatid ng pagkamatay ng kanyang nag-iisang kapatid.

Allana, his older sister, was born a special child. Ayon sa mga doktor na sumuri sa kanyang kapatid noon, ang isip raw nito ay kasing inosente ng sa apat na taong gulang na bata. But she grew up to be a very beautiful woman. And she was hailed as one of the most beautiful faces in Viteron. Tuwing nagkikita sila ay si Aden pa ang tinatawag nitong "kuya" sa kabila ng tatlong taon na age gap nila. She would jump out of happiness as she ran towards him with that adorable smile on her lips. Allana was such a sweet person. But she was raped and tortured by a wasiirka. Hindi nakayanan ng kapatid ang torture na siyang ikinamatay nito. Nalaman niya iyon noong disisyete anyos siya, matapos nilang manggaling ng mga kaibigan sa pangangaso.

Aden had a skill no one knew about. Kaya niyang makita ang nakaraan ng isang tao sa oras na mahawakan niya iyon. Kaya nang mahawakan niya ang bangkay ni Allana ay nakita niya ang lahat ng mga masasamang nangyari dito. The boqor and his mother both discovered the truth as well. Pero nanahimik ang mga ito. Pinsan ng boqor ang wasiirka na nagkasala sa kanyang kapatid. But the boqor didn't want to investigate further. He ordered the case to be closed instead. Dahil makapangyarihan man ay duwag ang lalaking pinakasalan ng kanyang ina, takot na takot itong mawalan ng kaalyansa. Sinang-ayunan pa ng kanyang ina na isara ang kaso nang hindi man lang nahuhuli ang kriminal na sa Tienne Aires mismo nakatira. And knowing that his mother was one of the reasons why they failed to acquire justice added to the pain.

Aden understood how painful it was for his mother to see the man who killed her daughter day by day. Natakot itong magsalita. Kaya pinipilit niya itong unawain. Pero nasasagad din siya tuwing maaalala niya kung ilang beses niyang pinakiusapan ang kanyang ina noong maliit pa siya na huwag nang ituloy ang relasyon sa Boqor. Pero hindi ito nakinig. Mula nang mamatay ang kanyang ama na dating wasiirka noong labing-tatlong taong gulang siya ay ay parati nang nag-aalala ang kanyang ina na baka bigla na lang daw silang lusubin ng mga opisyal at patayin din gaya ng ginawa sa kanyang ama na noong pauwi sana sa kanilang tahanan mula sa paglalakbay ay bigla na lang in-ambush ng mga kaaway. Kaya kahit pa hindi mahal ng kanyang ina ang Boqor ay tinanggap nito ang alok na kasal ng Boqor na dati nitong manliligaw. Dahil kailangan raw nila ng masasandalan. Pero hindi masasandalan ang natagpuan nito. Kundi isang lalaking walang paninindigan at hindi kayang lumaban. His mother suffered more when she married the boqor who couldn't even lift a sword without trembling. Pero huli na nang malaman nito ang ganoong pagkatao ng pinakasalan.

Kaya nang maging madax amiir si Aden ay siya ang umaksiyon. Pinatay niya ang ministro na napag-alaman niyang mastermind din ng pagkamatay ng kanyang ama. Inatake niya ito sa kwarto nito isang gabi. Nadiskubre iyon ng boqor. Inakala ng lahat na misyon ang ipinunta niya sa Idreris pero inatasan siya ng boqor na magpalamig na muna doon habang patuloy ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng pinsan nito. Sa pagbabalik ni Aden sa sariling kaharian ay kakailanganin niyang maging protector ng boqor mula sa mga kaaway nito bilang kapalit raw ng pananahimik nito dahil naniniwala raw ito sa husay niya sa pakikipaglaban.

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon