SINIKAP ni Aden ang ngumiti nang humarap sa kanya si Yna, the only woman who could calm the storms in his head. Pero hindi lang sa kanya ganoon ang epekto ng dalaga. Marami pang iba. Dahil marami din ang alam niyang nagmamahal rito. Yna's heart may be a wild one, but it was proving to be the biggest place there is in the world. Napakamapagmahal ng dalaga. Napakaraming espesyal na tao ang nilalaman ng puso nito. At mula't sapul ay alam niya na iyon. Kaya sapat na sa kanya na mapabilang sa napakaraming mga taong iyon.
"Do you want to go?" Mahinang tanong ni Aden. Hindi man nagsasalita si Yna ay bakas ang matinding pag-aalala sa mga mata nito. He knew she was torn. At gusto niya itong pigilan. Dahil kilala niya si Nickolai. Isa man ito sa pinakamabubuting tao na nakilala niya noon pero iba ito kung magalit. Lalo pa at buong angkan nito ang pinaglalaban nito. At si Yna. This could be one of Nickolai's tricks. Dahil kung totoong nanganganib ang buhay nito ay siguradong hindi aalis sa tabi nito si Oris, na gaya ni Jarin ay isang napakatapat na tauhan. Sinadya nitong ipadala nang nag-iisa ang kanang-kamay nito para mas makumbinsi si Yna. Aden was aware that Oris hated him, too. Kaya sinusuportahan nito si Nickolai. Dahil ang mga Connell ang kumupkop at nagpalaki kay Oris mula't sapul. Gaya ng madax nito ay gusto rin nitong ipaghiganti ang kamatayan ng mga Connell.
Nickolai had declared war when the latter went to Viteron with his army and put Hedia's flag everywhere. At maraming mamamayan ang nadamay sa gulong iyon. Nawala man ang hukbo nito sa kaharian ay nanatili ang bakas ng dugo sa bawat bayan na naapektuhan ng ginawa nitong pananakop. Hindi na nito napuntahan pa ang Slavia pero alam ni Aden na hindi mangingimi ang lalaki na sakupin din iyon. He wouldn't succeed because of the immunity spell. Pero siguradong dadaanan nito ang Slavia hanggang sa marating ang Tienne Aires. He knew his bestfriend wanted him dead. At hindi ito titigil hangga't hindi nangyayari iyon.
Napakarami ng mga kaaway. At hindi akalain ni Aden na darating ang araw na dadagdag doon si Nickolai. He had gotten rid of all the spies inside Tienne Aires. May pinagawa siyang misyon sa mga ito sa iba't ibang lugar na alam niyang lihim na ikinagalit ng mga opisyal na nagpadala sa mga iyon. Pero hindi sapat ang ginawa niya. Ayon sa royal sorceress na nakakita ng ilang bagay tungkol sa hinaharap, may mga malalakas na puwersang nakatakdang lumusob sa kanya. Hindi na nito nalaman pa kung kailan dahil bina-block ang kakayahan nito ng iba pang mga sorceress mula sa panig ng mga opisyal. At hindi siya noon natakot. Pero ngayong nakaambang umalis si Yna ay tinablan siya ng kaba. Dahil kapag nagkataong sabay silang sinugod ni Nickolai ng mga kalaban ay hindi niya agad mapoprotektahan ang dalaga.
Don't go. Don't leave me. We might never see each other again after this. Pero sa halip ay ibang mga salita ang lumabas sa mga labi ni Aden. "Kung gusto mong sumama kay Oris, hindi kita pipigilan."
Ayaw niyang diktahan si Yna. Ayaw niyang pigilan ito sa mga bagay na gusto nitong gawin. Sinubukan niyang gawin iyon noong nasa Slavia pa sila. Pero hindi siya nagtagumpay. Manatili man ito sa Tienne Aires ay alam niyang hindi mapapanatag ang loob nito hangga't hindi nakikita si Nickolai, hangga't hindi nakasisigurong ligtas ang mga mamamayan ng Hedia na malapit sa puso nito. He wanted her to choose on her own. But the way she looked at him already told him the answer. Si Nickolai. Si Nickolai na naman. Pero bestfriend niya ang lalaki. Hindi iyon nagbago sa kabila ng mga nangyari. And Aden wanted to give him the benefit of the doubt. Baka nga totoong may sakit ito.
"Thank you." Relieved na sagot ni Yna mayamaya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
Napatitig siya sa mga kamay nilang magkahawak. Dahil hindi niya alam kung kailan niya magagawang muling mahawakan ang kamay nito.
"Babalik din ako kaagad. Pangako. And when I come back, we will push through with the wedding plan."
Tumango lang si Aden. Hinagkan niya sa noo si Yna. "I love you." He whispered in her ear. "I love you so much."
"And I love you, too."
Nang bumitaw na sa kanya si Yna ay mabilis itong naglaho. Pagkaraan ng kalahating oras ay bumalik na ito suot ang mga lumang sapatos at cloak na ibinigay ng ama. Nakasukbit sa balikat nito ang isang bag. Sandaling napangiti si Aden. Ganoong-ganoon ang anyo nito nang una niyang makita sa Idreris. Pero nabura ang ngiti niya nang sumama na ang dalaga kay Oris. Nag-teleport na ang mga ito. The emptiness, like huge waves, came back rushing in his chest. "Send some of our men to watch over Yna and to protect her in secret."
Matapos iparating ni Jarin sa ilang mga sundalo ang utos niya ay bumalik ito sa harap niya. "Your majesty, bakit hinayaan mo si Miss Yna na makaalis? We both know that this is just madax Nickolai's ploy."
"Maybe. But Nickolai and I are in love with the same woman, Jarin. Hindi niya kayang saktan si Yna. We fell in love with a very free-spirited soul. She was like a bird. At gustong-gusto ko siyang ikulong sa piling ko." Nagsisikip ang dibdib na bulong ni Aden. "Pero kapag ginawa ko iyon, malulungkot siya at masasaktan. I don't want to clip her wings when she wants to fly. All I could do is to become her safety net to make sure she doesn't get hurt if she falls."
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...