Chapter 40.5

344 16 0
                                    

"YOU KNOW that this is madax Nickolai's trap, your majesty!"

"I need to do this so he can finally stop. Ayokong tuluyan na siyang malubog sa galit na nararamdaman niya sa oras na dumami pang lalo ang mga mapatay niya. Ako ang kailangan niya. And I will give him what he wants. Besides, I would rather die in my bestfriend's hands than in the hands of our enemies."

"Come to your senses! Madax Nickolai is after you, your majesty! Therefore, he is an enemy!"

"He's not." Marahang ngumiti si Aden para payapain ang loob ng assistant. "Ang kumakalaban sa akin ngayon, iyon pa rin ang bestfriend ko. Natabunan lang ng galit ang puso niya pero siya pa rin iyon, Jarin. He was just having a hard life right now. And this revenge is his way to endure it. Kung siya ang nasa posisyon ko ngayon, siguradong ganito rin ang gagawin niya."

Aden's tears fell upon remembering his conversation with Jarin. Hindi niya akalain na iyon na ang magiging huling pag-uusap nila. Dahil iniwan niya lahat ng mga tauhan sa Tienne Aires at mag-isang nagpunta ng Slavia nang makatanggap ng sulat mula kay Nickolai na nagsasabing gustong makipagkita sa kanya. Kasama raw nito si Yna. Wala siyang natanggap na report mula sa mga tauhan niyang pinabantay sa dalaga kaya pumayag siyang makipagkita. Isa pa ay protektado ang siyudad ng Slavia. Walang masasaktan sa sinomang naninirahan doon. Sa oras na mailayo niya si Yna ay saka niya haharapin si Nickolai.

But Aden's plan failed for the first time. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsama sa kanya ng lahat ng mga tauhan niya. Ilang minuto pagdating niya sa Slavia ay dumating na rin ang mga sundalo niya at handa nang makipagdigma. Hindi siya hinayaang mapag-isa ng mga sundalong kasing-tapat ni Jarin. They swore to fight with him until the end.

And this was that end they talked about. Alam niyang pasugod din ang iba pang mga tauhan ng opisyal sa kanya. Pero mas pinili niyang puntahan si Nickolai at sa mga kamay nito harapin ang kamatayan. Aden thought it would be more bearable that way. Pero nagbago iyon ngayong nasasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang mga kasamahan na hindi lang basta mga sundalo niya. Kundi mga kaibigan niya na rin. At sa gitna ng kaguluhang iyon ay naroon si Nickolai, sakay ng kabayo nito at pinagmamasdan ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga sundalo niya.

Itinarak ni Aden sa dibdib ng hybrid na kaharap ang kanyang espada. Sa kabila ng nagdurugong balikat at binti na hatid ng mga naging pagsakmal sa kanya ng mga kalaban ay tinalon niya ang tower. Mula doon ay inilabas niya ang kanyang pana at tinira ang mga kampon ni Nickolai para iligtas ang kanyang mga kasamahan. Pero mayamaya ay natigilan siya nang makita ang pamilyar na anyo ng mga tauhan ni Floran na nagtatago sa bubong ng mga kabahayan. Ang lahat ng arrows ng mga iyon ay nakatutok kay Nickolai. Hindi niya maba-block ang mga iyon gamit lang ang kanyang pana. Nang sabay-sabay na pinakawalan ng mga ito ang mga arrow ay hindi na nagdalawang-isip pang nag-teleport siya at lumitaw sa harap ng kaibigan. Niyakap niya ito.

"Aden!" Gulat na sinabi ni Nickolai nang magkakasunod na tumarak sa katawan niya ang mga arrows.

"N-Nick..." Ngumiti siya sa kabila ngpagbulwak ng dugo sa kanyang bibig. "T-the t-things that I-I did that youl-loathed the m-most this p-past years, h-hindi ka man lang b-ba nagduda na b-bakatotoong b-bestfriend ang t-turing ko sa 'yo k-kaya ko n-nagawa ang l-lahat ng i-iyon?I-I j-just wanted y-you alive, y-you and Y-Yna. A-alam kong n-nasaktan kayo andI'm so s-sorry. You're a brother t-to me, Nick. I-I would never intentionallyh-hurt you. B-but my plan w-worked. B-both of you are a-alive and that's allthat m-mattered to me."

City of Blinds Series 1: Cross FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon