Once or twice in our lives, I think all of us have fallen in love', she used to answer whenever she was asked about love. But me, I had fallen in love many times. I fall in love each day that I see her. How lucky were those who fell in love only once because they got hurt only once. How unlucky were those who fell in love once and never stopped loving. Their pain would never stop as well. –NC
"I WAS gone for four days. I'm surprised that you have learned how to greet your superior with a smile now."
Tumikhim si Cinaris para alisin ang namuong guilt sa kanyang puso dahil sa ginawang pagtulong kay Marius. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon sa lalaking kaharap. Wala pang kalahating oras mula nang i-announce sa buong kaharian ang pagdating ni Aden. Lumabas ang lahat ng mga tagasilbi at mga sundalo para sabay-sabay na batiin ang binata sa gate sa pagbabalik nito. Pero matapos pormal na bumati sa kanila ay agad na siyang pinagre-report nito sa opisina. He was making her feel like a silly little girl, na ipinatawag na kaagad sa guidance's office sa unang linggo pa lang ng klase.
"Ayaw mo ba? Should I burst into tears then?" pagkaraan ng ilang sandali ay sagot ni Cinaris para pagtakpan ang kanyang kaba habang nananatiling nakatayo isang metro ang layo mula sa mesa ni Aden na kasalukuyang nakasandal sa swivel chair nito. Hindi niya namalayan ang naging matipid na pagngiti nang pumasok sa opisina ng binata. But she remembered feeling relieved that he was back. Kung bakit ay ayaw nang alamin pa ni Cinaris. Naantala ang pagbabalik ng lalaki. Ang balita ay dalawang araw lang itong mawawala. Pero nagkaroon ng emergency sa Red Tower. Bigla na lang iyong sumabog apat na araw na ang nakararaan. Kaya inutusan ito ng Boqor na tumulong sa ibang mga amiir sa pag-iimbestiga.
Nang maalala ang Red Tower ay bumalik ang pagkadismaya at panghihinayang ni Cinaris. Ngayong wala na iyon ay hindi niya alam kung saan na susunod na hahanapin ang espada.
Nang malakas na tumikhim si Aden ay saka niya lang naalalang nasa opisina siya nito. Pakiramdam niya ay siya ang iniimbestigahan ng binata ngayon. Aden's eyes never left hers ever since she arrived at his office. Para bang napakadali lang para sa binata ang alisin ang kontrol niya sa sarili tuwing nagkikita sila. Kahit na nang makaharap niya ang may taga-kanluran o nang mapalibutan ni Egon at ng mga tauhan nito ay hindi pa siya nakaramdam nang ganoon. With those men, she knew where she was heading. Dahil iisa lang ang likaw ng bituka ng mga tulad nito. Kaya sigurado siya sa gagawing hakbang. Cinaris knew that if she could harden her heart, she could play their game, too.
But with Aden, she was torn. Because she didn't know who he was. Hindi niya alam kung saan ika-classify ang binata. Kaya urong-sulong siya madalas. Kung nagkataong maglalaro sila, hindi niya alam kung saan ipupuwesto ang sarili. Sa tabi ba ni Aden bilang kakampi nito o sa harap nito bilang kaaway?
"If I say yes, will you really cry for me? Kaya mo ba talagang dayain ang sarili mo para umaktong nasasaktan sa harap ko?" Mayamaya ay marahas na naipilig ni Aden ang ulo. "Nevermind. Habang wala ako, wala bang nangyaring ano mang gulo dito? Don't you have something to report to me?"
Umiling si Cinaris kasabay ng paglihis ng tingin. Sa ginawa ay nasalubong niya ang mga mata ni Jarin na nahuli niyang masusi ding nakatingin sa kanya. Nasa loob din ito ng opisina pero hindi lumapit kay Aden. Sa halip ay nanatili lang na nakatayo malapit sa pinto.
"Look at me, Yna." And she did. "Tatanungin kita uli. Are you certain you have nothing to say to me?"
"Yes. I'm... certain, your highness."
The tone of Aden's voice was suddenly messing with her conscience. Sa kabila ng pangunguwestiyon ng binata ay nanatiling marahan ang boses nito. But why did it make her feel like she was betraying him?
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...