"She was not the type to be afraid of the storm. Sasalubungin niya pa iyon. But she was afraid for other people to experience the storm." –NC
HABOL ang hiningang napadilat si Cinaris. Mabilis na iginala niya ang tingin sa kinaroroonan. Nang hindi makita ang pamilyar na painting at mga kagamitan na tanging sa kuwarto lang ni Aden matatagpuan ay sandali pa siyang nakaramdam ng pagkadismaya na agad niya ring pinagsisihan. Wala siyang karapatan na makaramdam ng pagkadismaya na nasa Hedia siya at wala sa Slavia. Hedia was the only place for her now.
Napasulyap si Cinaris sa alarm clock sa bedside table. Gumagana pa iyon sa kabila ng mga cracks. Limitado na lang ang mga gamit na mapapakinabangan nila sa loob ng kastilyo. Sa nakalipas na mga taon na paglusob sa kanila ng mga kaaway ay parating may mga nasisirang kagamitan. Mayamaya, nang mahirapan pa ring makita ang oras ay binasag na ni Cinaris ang salamin ng alarm clock. Nang makitang alas-dose pa lang ng hating-gabi at halos tatlumpung minuto pa lang siyang nakakatulog ay muli siyang nahiga at pumikit. But the kiss that she shared with Aden kept popping in her mind.
Dalawang beses lang nangyari ang halik na iyon. At kung hindi pa kumatok noon si Jarin sa pinto ng kuwarto ni Aden ay posible iyong masundan pa. Pero ang dalawang beses na iyon ay paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang mga panaginip. Naiirita sa sariling tumayo na si Cinaris at lumabas ng kwarto. Nagpunta siya sa hardin at naupo sa swing doon.
May mga araw na bigla na lang pumapasok ang binata sa isip niya. Tuwing nangyayari iyon ay gagawin niya ang lahat para ibaling sa iba ang iniisip. Because Cinaris wasn't sure what to think of Aden anymore. She was just a pawn in his plan. Iyon ang malinaw na ipinarating nito sa kanya noon matapos silang panain ni Nickolai. He was a sharp shooter. That's why she knew that he intentionally missed the major organs. Sa mga balikat lang sila nito tinamaan na nangangahulugang hindi sila nito gustong patayin.
And when the numbness was gone after a couple of hours, the arrow's effect wasn't as painful as she thought it would be, considering that the bow he gave her was a very powerful weapon. Gamit iyon ay napatumba niya ang mga werewolves na tauhan ni Fendrel. Kung simpleng arrow lang iyon ay hindi basta-basta mamamatay ang mga lobo. But all of them died in an instant. She didn't even have to hit them in the heart. And yet, Cinaris and Nickolai both survived what was supposed to be a very fatal blow.
Hindi niya malaman kung ano ang totoong intensiyon ni Aden. It was hard to understand his mind. Kung susubukan niyang maintindihan, pakiramdam niya ay mababaliw siya. Dahil kung ang pana ang pagbabasehan ay hindi sila nito gustong patayin. Matapos nilang mahuli ni Aden at ibalik sa Tienne Aires ay napag-alaman nilang si Aden ang nag-suggest sa mga wasiirka na hindi ituloy ang pagbitay sa kanila ni Nickolai dahil sa ginawang pagpatay sa amiir na si Fendrel.
"I like Aden now. No, like is an understatement. I adore him and his brilliant mind. There was no doubt why he became the leading madax in the world. His ideas never disappoints me. In fact, he was the one who suggested to make this game more interesting for all of us. As you already know, marami ang gustong makuha ang Hedia. Pero hindi namin mapapasunod ang mga mamamayan doon nang ganoon kadali maliban na lang kung maipapakita namin mismo sa kanila ang pagkabigo ng kanilang madax na protektahan ang mga nasasakupan. We never thought of that, maliban sa bestfriend mo, madax Nickolai. Kaya kaming mga opisyal na nagkakainteres sa Hedia ay nagkasundo. Para malaman kung sino sa amin ang higit na karapat-dapat, kung sino ang makakapatay sa 'yo ang siyang hihirangin na susunod na pinuno ng Hedia. Whoever brings your heart in Tienne Aires will be declared the winner.
"That's why I advice you to be prepared for the royal battles that will take place inside your very castle every single moment of your life, madax Nickolai. Titingnan namin kung hanggang saan ang tapang n'yo ng alipin na kasama mo." Nagkibit-balikat si Floran. "Of course, the citizens would never know our plan. At kapag namatay ka, iisipin nilang mahina ang loob ng madax amiir nila at sinukuan silang lahat. They would think you committed suicide in the middle of your royal confinement. And they would loathe you for being a coward." Pumalatak ito. "Tragic, isn't it? And frankly, I feel sorry for you, young man. Kung hindi lang pakialamero ang ama mo, hindi sana ito mangyayari sa 'yo. But we can't do anything about it now. This is simply your fate. Some are born to live long, while others are unlucky enough to die young." Those were Floran's exact words when he visited them at the dungeon back in Tienne Aires.
BINABASA MO ANG
City of Blinds Series 1: Cross Fire
Paranormal(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of her." (Published under Precious Pages Corporation) Na-assign si Aden bilang chief prince ng Slavia...